BABAE SA SIMENTERYO
Itatago ko ang pangalan ko sa Jomary, Year 2010 July.
Nangyari ang best scary experience ko, Simula oagkabat ay naniniwala na ako sa mga multo, aswang, nuno, engkanto, at kung anu anu pang mga elemento. Yun ay dahil sa Lola kong mahilig magkuwento ng nakakatakot. Namatay lola ko nung October 2007...
So! Back to the story, papauwi na ako ng bahay galing ng paaralan, at dahil gabi na ako umuuwi at lagi akong mag isa ay lagi akong nakakaramdam ng takot sa tuwing dumadaan ako sa simenteryo, talagang simentryo ang dinadaanan ko dahil yung talaga ang daanan pauwi samin.
So yun na nga, habang naglalakad ako sa impiyerno I mean simenteryo, nakaramdam ako ng panlalamig ng katawan. Hanggang sa napalingon ako sa bandang kanan, nakita ko ang isang babaeng nakatitig sakin at puro dugo ang mukha. Napasigaw ako at tumakbo pero bigla akong natumba at nakita ko yung babae sa harap ko...
Sigaw ako ng sigaw hanggang sa may dumaang matanda.
"Iho! Ano ang ginagawa mo dito sa Simenteryo? Bakit ka nag iisa hindi mo ba alam na dilekado rito ngayon?"
Tinuro ko ang direksyon kung saan ko nakita ang babae pero wala na ang babae.
"Iho! Karaniwan na yan nangyayari dito! Alam mong lugar to ng mga patay bakit ka nag iisang umuuwi?"
Nagpaalam nalang ako sa matanda at dumeretso sa bahay...
Pag dating ko sa bahay nagulat ako sa nakita ko, umiiyak ang kapit bahay namin sa tabi ni Mama.
"Ma? Anu pong nangyayari?"
"Anak! Nawawala ang panganay na dalaga ng tiyahin mo...!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.....
-WishYouWere