T.H.E building

211 1 0
                                    

T.H.E Building

Grade 6 kami nung magkakaklase, past 2012, nagayaan na kami maguwian pagtapos ng Journal class namin ng 3pm. Required kase sa section namin tapos bandang 5pm na kami nakauwi. Edi ayun, dati pa kase may mga kwento sa class namin na haunted daw yung THE Building na nasa pagitan ng DESK building saka ng Coop Canteen namin. May black lady daw, saka kung ano-ano pang creepy creatures. Mga bandang 5pm na pauwi na kami nagkaayaan kaming magkakaklase na mag-ghost hunting kase tinatamad pa kaming umuwi. 5 kami nun, mga bayabas kase kami kaya kunyari walang natatakot.

Pagpasok pa lang namin blackout na yung building kase 4pm banda yung last class so madilim sya. Pagpasok mo palang kase sa gate ng building na yun may glass door sa abandonadong kwarto. So yun yung unang pinakay namin, papalapit pa lang kami sa door may parang shadow na sa door. Since glass nga sya kitang kita mo na may shadow, dumaan lang sya. Tapos nagsimula na kaming magtakutan pero dahil nandun na nga kami, tinuloy na namin. Pagpasok namin sa kwarto sira yung flooring nya tapos may parang kanal. Maya-maya yung isa naming kaklase nanlalamig sya. Namumutla at pinagpapawisan ng matindi. Kinukutuban na kaming lahat kaya nagdecide na kaming lumabas mga 5:30 pero sinapian na pala yung classmate namin. Naglumpasay sya sa sahig, nanlilisik ang mga mata nya. Wala kaming mahingan ng tulong kase yung PTCA Advisers nasa headquarters ng school kaya nagdasal kaming magkakaklase. 1 Ama Namin At 5 Aba Ginoong Maria. Sa awa ng dyos nahimasmasan yung kaklase namin. Takot na takot sya kase nga wala syang maalala. Mula noon, hindi na ulit kami nagpunta sa THE Building.

xxJacintoxx 
Manila

Spookify (horror Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon