Black guynangyari to 2 years ago,
nasa ojt yung pinsan ko sa tagaytay. sumama ako kasama yung tita ko which is mama nya. nagrent kami ng bahay doon. Di naman ganun kalaki pero sakto lang. super foggy nung time na yun. so kami lang ni tita doon sa apartment . si tita natutulog sa kwarto. ako nagising ako bigla. Di ko alam king bakit. tas nagutom ako. Habang nagpapalaman ako ng strawberry jam doon sa tinapay biglang may kumatok sa bintana. Eh ako naman tong si ewan hindi ako nagsasalita. Syempre dayuhan lang kami dun. Malay ko ba kung sino yun. Wala pa naman ibang kapitbahay that time. Kami lang talaga. So hindi ako nagsasalita. Napatigil ako sa ginagawa ko. Nakaupo lang ako. As in di ako gumagalaw sa takot. Papalakas ng papalakas yung katok nung lalaki. medyo blurry kasi yung bintana tas nakalock yun natatakot din akong lapitan kasi ewan ko ba. Nangingilabot talaga ako. Palakas talaga ng palakas. tinry kong gisingin si tita pero ayaw tulog talaga. mukhang pagod na pagod. lalapit na sana ako. bigla syang tumigil. tas tumingin ng matagal sa bintana. para bang nakatingin sakin pero walang mukha. black lang talaga sya. bigla syang umalis papunta sa kanan. sinundan ko sya ng tingin. lumabas ako tas pagkatingin ko. wala na sya. wala din naman syang madadaanan pakanan kasi pader na lang yun. kinilabutan ako. kaya tumabi na lang ako kay Tita. nilock ko yung pinto as in lahat. maya maya dumating na yung pinsan ko. sya din nakaranas ng weird na bagay nung time na yun. nasa elevator daw sya tapos may painting sa loob nung elevator ng resto na pinag o-ojtihan nya. tinitignan nya yun hanggang sa bigla daw kumurap tas ngumiti bigla. paguwi nya sabay as in putlang putla. kinabukasan umalis na agad kami. sinabi ni kuya emergency lang daw kaya pinayagan na din sya makaalis.
Di na talaga kami bumalik dun. parang may something sa lugar na yun. kaya pala parang kami lang yung nakarent don sa apartment.Ajaxx
Philⓒⓡ spookify