Water

220 3 0
                                    


-water

I just want to share my story.

Grade 6 ako that time nung mangyari to samin. Oras na ng pagtulog nun, nung mga oras na yun pinipilit kong matulog pero hindi ko magawa naririndi kasi ako sa tunog nung radyo gusto ko sanang patayin pero dahil mas matanda sakin ung pinsan ko hindi ko magawang patayin ung radyo kaya tiniis ko nlng kahit parang pakiramdam ko rinding rindi ako pero mahina naman ung music. Maya maya, nakikiramdam lang ako. Pinikit ko mata ko pero di talaga ako makatulog matindi pa sobrang kaba ko nun . Maya maya narinig kong umaalulong yung aso sa labas ng bahay, ayokong matakot pero sa sobrang laki ng bahay iba padin ung pakiramdam. 3 kasi ang kwarto sa bahay ng lola ko, buhay pa nang mga oras na yun ang lolo at lola ko, madami creepy sa bahay na un pero dahil nasanay na kme minsan binabalewala namin. So! Ayun nga di padin tumitigil ung aso sa labas kaya nasusot ung tito ko na natutulog sa kabila, tinataboy niya ung aso, pero tuloy padin s pagalulong. Maya maya, tumatahol nlng ung aso sa labas, pero paikot sya sa bahay namin, yung tipong may sinusundan sya, pero ang nakakatakot sa part na yun sa kakapakiramdam ko nadin naririnig kong may naglalakad sa labas na alam kong sa sarili ko yun yung tinatahulan nang aso. Nagtalukbong nalang ako nun dahil kinikilabutan na ako. Pero nagsalita ulit ung tito ko sa kabilang kwarto, sabi nya "kung sino ka man, magpatulogka" dahil don mas lalo akong nakaramdam ng takot, syempre hindi lng pla ako nkkrinig nun pti tito ko din kaya tumayo ako s hinihigaan ko at lumipat ako sa tabi nung pinsan ko.. Pagtabi ko s knya sabi niya skin .. "Naririnig mo din ba?" sabi ko "OO,di nga po ako makatulog" maya maya napatahimik kami, sa CR kasi na nasa gitna nung kwarto ko at kwarto nung tita ko na nakatira din don, biglang may nagbukas ng gripo, tapos sinasalok yung tubig. Sobrang natatakot na ako nun, dahil wala namang tao s cr. lumabas ung tito at tita ko sa magkabilang kwarto, tinatanong nila kung sino daw yun. Pero maya maya may kumatok sa bintana namin, dumating yung tatay ko. Ang sabi niya, namatay daw yung pinsan ko, sa pagsanjan, nalaglag daw sa tulay yung sinasakyan na kotse niya. At dahil don nalunod yung pinsan ko sa loob ng kotse. Pagkatapos ng pangyayari na yun,tumahimik na ung bahay pero di padin nawala yung creepy stories sa bahay na yun.

Mula kay otso
Ng calamba laguna

Spookify (horror Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon