Eskinita

797 3 0
                                    

Eskinita

Year 2009 at bago p lng ako sa Lugar na yun nung mangyari ang ikukuwento ko
Sa eskinita kung saan dun ako dumadaan tuwing pupunta ng tindahan. 6pm kasalukuyang nagaagaw ang dilim at liwanag na my konting pag ambon. Habang ako ay naglalakad ng my makakasalubong ako na isang babae long hair sya at medyo chubby madilim ang daanan na un kya hindi ko maaninag ang mukha nya o dahil cguro malayo pa sya. Habang papalapit xa sa akin parang bumilis ang hakbang nya at deretso lng cya towards me na parang babanggain ba nya ako?. Sa bilis ng pangyayaring yun sinalubong nga nya ako at ramdam ko na tumagos cya sa akin napapikit ako at pagdilat ko bigla akong lumingon sa likod ko para lng iconfirm sa sarili ko bka namalikmata lang aq tpos paglingon ko nga wla na sya dun at kung mali aq ng iniisip na hindi sya multo dpat nkita ko pa syang naglalakad palayo kasi kung sakaling lumiko sya paglampas nya sa akin pader yung lilikuan nya. Dahil yung mga pinto ng mga bahay ay malayo pa and like what I said dpat makikita ko p din sya paglingon ko kaya lng naglaho nga sya.. Para hindi ako matakot iniisip ko p din na namalikmata lng ako hanggang sa nakalimutan ko un. 3 days after that incident nanaginip aq ng isang babae na nkahiga at hinihila cya ng isang lalaki palababas ng CR. Naputol ang panaginip ko dahil tumunog na yung alarm clock. Iniisip ko kung cno ung babae na un at naalala ko na parang cya ung girl na nkasalubong ko sa eskinita. Gaya ng ginagawa ko tuwing nakakakita or nkakaexperience ng ganun ini-ignor ko cya hangang makalimutan ko na lng ulet. Hanggang my makilala akong kapitbahay at naikwento nga nya na my nagpakamatay daw na girl nagbigti daw sa CR habang tinuturo nya ung bahay sa eskinita matagal na daw un at nasa ibang bansa na daw ung mga kmaganak nya. Pina describe ko sa kanya ung itsura ng babae at yun nga she was exactly the girl na nakita ko sa eskinita at sa panaginip ko. Sinabi ko sa nagkwento na I think hnd cya nagpakamatay parang pinatay sya. Tinanong nya ako kung bakit sabi ko wala lng naisip ko lang. After nun wla na aqng na experience na related sa kanya..

~PurpleNgold~ 
Paranaque

ⓒⓡⓔⓓⓛⓣⓢ
spookify

Spookify (horror Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon