Kasama
Lumipat kami ng bahay Manila to Tarlac. Grade 5 palang ako, pero before kaming umuwi dito may na experience na ko na na na kakatakot, yung bahay kasi namin sa manila is may second floor and third floor. Sa baba may cr and kitchen tapos may malaking drum sa tabi ng drum yung hagdan na paakyat sa taas so pag nasa taas ka pag sumilip ka sa baba yung drum yung makikita mo, second floor sala, yung third floor naman kwarto. One day pumunta yung tita ko sa bahay namin yung first day okay pa, second day okay din. third day, nag lalaba sya sa baba kasi aalis na sya kinabukasan nassa may cr sya tapos may nakita syang bata na nakasilip sa drum yung parang may tinitignan, tapos inutusan nya na kunin yung sabon sa taas, that time nasa taas din ako binabantayan ko yung kapatid ko (Wala yung parents ko nag tratrabaho, at tatlo kaming mag kakapatid) dahil naririnig ko na nag sasasalita yung tita tinatawag nya yung kapatid ko sumilip din ako sa baba nakita ko din yung bata, so ginawa ko ako na lang yung kumuha ng sabon pag katapos nun sabi ko dun sa bata na nakasilip sa drum ""Ang tamad mo talaga"" Tapos nun umalis na ko dun sa may tabi ng hagdan, tas bigla nakita ko yung kapatid ko pababa ng third floor. 😱Kinilabutan ako ng sobra. Hindi ko muna sinabi kay tita ko kasi baka matakot sya kaya nung tapos na sya dun ko sinabi. Hindi nakatira yung multo samin kasama syang dumating ni tita ko sa bahay namin. Kasi hanggang ngayon nag paparamdam at nag papakita padin sya kay tita ko.
Thankyou admin 😘😘
Dagat
Tarlac