TFF:1

15.1K 185 10
                                    


Chapter One

"Tita naman...paano kung hindi ko makaya ang work load?" nakasunod siya sa kanyang tiyahin.

"Ikaw pa?Ilang taon ka nang nagtatrabaho dito...alam mo na lahat yung mga pasikot-sikot...relax,okey.Saka sabi ko naman sa iyo,puwede mo akong tawagan kung kailangan mo ng payo."

"Eh,bakit kasi ako?" kulit pa rin niya.

Natawa ang tita Amanda niya."Okey,kung hindi ikaw,sino? Sino sa mga junior agents natin ang sa palagay mo ay kayang maging PA ni Harm?" wala siyang maisagot sa tanong.

"See?" wika ng tita niya."Wala kang maisagot kasi you're the best candidate,ikaw ang mas nakakaalam sa trabaho,maliban sa akin.Besides request din ni Harmon na ikaw ang pumalit sa akin."

"Pero ang supla-suplado niya tita...I can't work well when someone is barking behind me." Ayaw pa rin niyang patalo sa diskusyon.Mag-i-indefinite leave kasi ang kanyang tiyahin dahil maselan ang pagbubuntis nito.Isang beses na itong nakunan noon,at kay tagal nilang hinintay ng asawa nito na mabuntis uli ito,kaya nang makumpirma iyun ng doctor ay kinausap nito kaagad ang kanilang boss.

Sa totoo lang,utang niya sa kanyang tiyahin kaya siya may trabaho.Although she can say it with pride na hindi naman lugi ang agency sa kanya.She works hard and she do her best.

Graduating siya noong ipatayo ni Harmon James Villa Roman ang nasabing agency.Magkatrabaho dati ang mga ito sa Makati.Nang magkaroon ng recession,kasama sila mga nagbuluntaryong umalis sa kompanya.

Nag-umpisa ang nasabing agency sa tatlong emplyedo.Ang tita niya ang bahala sa ticketing and booking,receptionist at secretary na rin,while Francis,another employee from the old company,do the accounting and a part time agent.Si Harmon naman ang manager at full time agent.They were a success,kaya sa pangalawang taon ay nag-expand sila.Harmon hired more agents,para makapag-concentrate ito sa kanyang workload.MAdalas kasi itong mag-travel para masubukan nito ang mga packages na ini-o-offer nila sa mga kliyente nila.

"Suplado? Funny,kasi iyun din ang adjective niya sa iyo.Suplada ka daw." Natatawang wika ng kanyang tiyahin.

Tumaas ang kilay niya sa narinig.

Tita Amanda recommended her,kaya naman a week after her graduation,may trabaho na siya.At iyun ay halos limang taon na ang nakakaraan.Agent talaga ang trabaho niya,pero assistant din siya ni tita Amanda,kaya naman confident ang tiyahin na magagampanan niya ang trabaho.Ang problema nga lang,hindi siya sanay na sa big boss siya nag-re-report.

"Excuse me...suplada lang ako kung alam kong nasa lugar ako...saka kung talagang suplada ako,how come na ako ang pinakamaraming clients these past three years?"

"O,siya,siya...huwag nang high blood." Natatawang saway ni tita Amanda,habang inaayos nito ang mga papeles na nasa mesa nito.

Katakot-takot na bilin pa bago tuluyan nang umuwi ang tiyahin niya.Iyun kasi ang huling araw nito,bago ang indefinite leave nito.

Katulad nga ng sabi ng kanyang tiyahin,she can handle her workload well.Ang hindi niya kayang i-handle ay ang presensiya ni Harmon Villa Roman.Nagiging conscious siya sa sarili niya kapag nasa malapit ito,in other words,nawawala siya sa sarili niya.She's got this 'thing' with her boss since she first saw him on her aunt's wedding day.She was fifteen then.

Noong una,inakala niyang isang tipikal na paghanga lamang, iyun,a teenage crush.Ngunit sa mga mabibilang sa daliring pagkikita nila kapag may okasyon kina tita Amanda,pati na rin noong eighteenth birthday niya,hindi niya namamalayan na lumalalim na pala ang paghangang nararamdaman niya sa lalake.

The Fake Fiancee(published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon