Chapter twelve
Hindi na sila nagtagal pa sa resort.Kung siya lang ang nasunod,they could have stayed longer.Pero sabi nga ni Harmon,he is going to keep his promise to her parents,kaya wala munang honeymoon hangga't di natatapos ang kasal.Pumayag na siya,dahil nahiya naman siya bigla na parang siya pa ang masyadong atat.
Nagbiyahe sila pa-probinsiya nang mas maaga sa nakaplanong schedule nila.Ngayong totohanan na ang kasal,gusto nilang personal na ayusin ang ibang detalye para doon.It was supposed to be an intimate wedding with family and close friends,ngunit humaba ng humaba ang listahan ng mga bisita,kaya nagdesisyon sila na ganoon din lang naman,why not go all the way?
Dahil maluwang naman ang bakuran ng mga Villa Roman,nagkasundo sila na doon na lamang gaganapin ang reception.At imbes na sa parish church sa bayan,ay doon na lamang sa maliit na chapel sa barrio gaganapin ang seremonya.As it was,it was also an special occasion to the said chapel.Kailan lamang kasi natapos iyun,at sila ang unang ikakasal doon.
Maliban kina Abby,na siyang maid of honor,at kay Harris,na siyang bestman,ay wala na silang ibang abay.Katulad nang sinabi niya noon,hindi na siya nagpagawa ng wedding gown,imbes ay hiniram na lamang ang ginamit ni Emily.
There were few mishaps along the way,dahil hindi naman naplano ng husto ang event na yun.But the moment they reached the altar,and the priest announced their union as husband and wife,she's no fake fiancée no more,nothing matters anymore.It's not an ending,but a happy beginning.Harmon kissed her, and she kissed him back.
Note: Although na published na ito noong 2015, ang naka-upload dito sa wattpad ay ang unedited version kaya pasensiya na kung may mga mababasa kayong mali sa spelling/grammar or whatever. Anyway,thanks for reading.
BINABASA MO ANG
The Fake Fiancee(published under PHR)
RomansTEASER: Sino ang hindi masa-shocked? Nag-CR lang siya saglit ,pagbalik niya ay engaged na siya sa kanyang boss.Okey,fake nga lang ang engagement.Pero hindi niya maiwasang kiligin at mangarap na sana ay totoo na iyun.Fifteen pa lang siya ay crush na...