Chapter Two
It's almost after office hours.Puwede namang hindi na ito bumalik sa opisina,pagkatapos ng kanyang meeting sa isang hotel owner na taga Cebu,ngunit namalayan na lamang nito na pabalik sa opisina ang daang tinatahak.Na para bang may humahatak sa kanya para bumalik doon.
You're doomed,Villa Roman,wika nito sa sarili.Nasanay na kasi siya na si Nikita ang unang nakikita niya sa umaga at ito din ang huling nakikita bago ang uwian.Knowing her,malamang nasa opisina pa yun.
Ni hindi siya napansin ng kanyang mga tauhan ,dahil abala na ang mga ito sa paghahanda para makauwi.Nagtaka siya nang makitang bakante na ang mesa ni Nikita.Baka nasa CR lang naisip nito.Ngunit nang tuluyan na siyang makalapit sa mesa,doon nito napansin na maayos na iyun,at hindi nakasabit sa likod ng swivel chair ang paboritong lavender pc bag ng dalaga.
"Ay,sir...kung hinahanap niyo si Nikki,kanina pa ho umalis," wika ni Jinky,ang isa sa mga junior agents at nagsisilbi na rin bilang receptionist. "Dumating kasi yung kapatid niyo sir,si sir Harley,tapos umalis na rin sila agad." Dagdag pa nito na tila kinikilig.
Medyo nakaramdam siya ng inis.Mula pa noong unang magkita at magkakilala ang dalawa,malapit na kaagad ang mga ito sa isa't isa.Minsan nga hindi nito namamalayan nagseselos na pala siya sa atensiyon na ibinibigay ng babae sa kanyang mga kapatid.Ang hindi nito maintindihan,bakit kay gaan ng loob ni Nikita kina Harley at Harris,ngunit kapag siya na ay para siyang may skin disease na iniiwasan nito.Kung hindi lang siguro siya ang boss nito malamang ay ni hindi din siya kakausapin.Napakaseryoso at suplada ito pagdating sa kanya,ngunit kapag sina Harley at Harris na ang kausap nito,ay napakalambing naman nito.Nayayakap at na-a-akbayan nga ng kanyang mga kapatid ang babae,ngunit siya,ni hindi siya magkalakas ng loob na salingin kahit dulo daliri nito.
Fifteen lamang ito noong una niyang makita sa kasal ni Amanda.Siya naman ay twenty four.Hindi siya manhid.Panay pa nga ang kantiyaw ni Amanda sa kanya,na kesyo may crush daw ang pamangkin nito sa kanya.Tinawanan lang niya iyun.Sinabing hindi siya pumapatol sa bata.But that fifteen year old girl grow up to be a fine young woman.Kinain niya ang kanyang sinabi.Gusto man niyang ligawan ito ay hindi na niya magawa.Una ,masyado pa itong bata.Pangalawa,ayaw niyang masira ang working relationship and friendship niya kay Amanda,kung sakaling hindi mag-work out ang relasyon niya sa dalaga.Pangatlo,halatang wala siyang ka-amor-amor sa dalaga.Kaya paano siya magkakalakas ng loob na ligawan ito,kahit kaibigan ay mukhang hindi interesado ang dalaga sa kanya.
Hindi siya maka-hindi kay Amanda nang bigyan siya ng invitation para sa debut ni Nikita.Ni hindi nga niya alam kung ano ang i-re-regalo niya.Nang tanungin niya si Amanda,sinabi nito na mahilig sa bracelet ang dalaga.So he bought an 18-carat white gold charm bracelet.Yung tipong puwedeng dagdagan yung mga charms na nakasabit.Unfortunately,he never saw that bracelet again.Nagustuhan ba iyun ng dalaga,hindi niya alam.
He had one dance with her,and right there and then he knew that she has already gotten over her crush to him.Ang partner nito nang gabing iyun ay walang iba kundi ang boyfriend nito. He left the party early.
Muli silang nagkita nang maki-usap ito sa kanya para i-arrange ang interview kay Harley.She needed to interview a celebrity para sa final paper nito para maka-graduate.And Harley at that time was on the peak of his pro-basketball career,became her subject.And as usual,hindi niya matiis ang babae,kaya kinulit niya ng kinulit ang kapatid para pumayag sa interview.Kailangan pa niyang suhulan ang kapatid para pumayag ito.
The interview went well, too well actually,dahil doon nagsimula ang closeness ng dalawa.Na madalas ipinagpuputok ng butse niya,kaso wala naman siyang magawa,dahil wala naman siyang karapatan.
BINABASA MO ANG
The Fake Fiancee(published under PHR)
RomanceTEASER: Sino ang hindi masa-shocked? Nag-CR lang siya saglit ,pagbalik niya ay engaged na siya sa kanyang boss.Okey,fake nga lang ang engagement.Pero hindi niya maiwasang kiligin at mangarap na sana ay totoo na iyun.Fifteen pa lang siya ay crush na...