Chapter seven
Kinulit niya nang kinulit ang kaibigan, hanggang sa makulili na ang tainga nito,kaya pumayag din sa wakas na tulungan siya.Binigyan siya ni Harmon ng ekstra na susi sa bahay,para daw malaya siyang makapasok.Katulad ngayon.Sigurado siyang hindi pupunta ang lalake,dahil nasa isang out of town trip ito,kaya naman kahit maraming ginagawa si Abby ay hinila na niya ito.
"You owe me big time on this, Nikita." Wika ng kaibigan.
"Oo na. Basta, tulungan mo na lang ako kung ano'ng ayos ang gagawin ko sa bahay ni Harmon." Sagot niya.Yung ayos na nakita ni Harmon sa bahay niya,si Abby ang may gawa kasi nun.
"Kung hindi ko lang alam ang kahibangan mo diyan sa amo mong manhid, nungkang tutulungan kita.Dapat talaga noon pa sa probinsiya,binatukan na kita para matauhan ka."
"Oo na. Promise, kapag hindi pa rin niya ako napansin,after this,kakalimutan ko na ang kahibangan ko." Pangako niya.
"Dapat lang. You've been pining for that man for how many years,pero napansin ka ba niya?Ang daming nanliligaw sa iyo, mas matalino,mas guwapo sa Harmon na yun, at mas bata,pero isa-isa mong binabasted dahil sa lalakeng yun."
"Oo na. NAngako na naman ako, di ba? Last na talaga ito...."
Tiningnan siya ni Abby na parang hindi naniniwala sa sinabi niya.Kung sabagay,kahit nga sarili niya,hindi niya makumbinsing kalimutan na lang ang pagsinta niya sa lalake.Kung ganoon lang ba sana kadaling gawin yun,noon pa niya ginawa.
Nakokonsensiya man ay pinangatawanan na niya ang pagpapanggap. Satisfied ang lalake nang ipakita niya ang planong ginawa ni Abby,pati na rin ang mga suggestions nito para sa kulay ng pintura sa dingding.
That first weekend,they went out and bought paints.Sa huli,silang dalawa ang nagpintura ng mga dingding.Hindi na din niya napigilan ang lalake,nang umupa ito ng dalawang tao,upang siyang magpintura sa kisame.Paano,pareho silang engot.Inuna ba naman nilang pinturahan ang mga dingding kaysa sa kisame.
Ang mga sumunod na linggo ay inubos nila sa pamimili ng mga appliances.Daig pa nila ang nagbabahay-bahayan,lalo na noong nasa furniture store sila.Lihim siyang kinilig noong napagkamalan silang mga bagong kasal,noong namimili sila ng kama.
"Mag-a-undertime ka?" tanong ni Jinky nang makitang naghahanda na siya sa pag-alis.
"No choice." Sagot niya. "Ngayon lang puwede yung mananahing rekomendado ni Abby,para sukatan yung mga bintana sa bahay..." Hindi niya naituloy ang sinasabi nang makita niyang sumilip si Harmon sa pintuan.
"Handa ka na ba?" tanong nito.
Tumango siya. "Oo.Paalis na nga sana ako..."
"Hintayin mo na ako. Ihahatid na kita."
"May meeting ka pa ng alas dos...."
"Cancelled." Matipid na sagot nito. At lalo siyang nagtaka,dahil wala naman siyang natatanggap na tawag mula sa sekretarya ni Mr.Dee na kansel na nga ang meeting.
"I called them myself...mauna ka na sa parking area. Yung kotse ko na lang ang gamitin natin."
Bigla siyang tinopak. Kahit kailan bossy talaga ang kanyang boss.Binalingan niya si Jinky, "Sabihin mo doon sa amo mo nauna na ako." At binirahan ng alis.
Fifteen minutes pagkatapos niyang maiparada sa harap ng townhouse ang kanyang kotse,ay huminto sa tabi ng kotse niya ang Montero ni Harmon.Bumababa pa lamang ito,ay kita na naman ang trademark nito sa noo.Ngunit hindi pa man nakakalapit ito ay huminto naman ang isang taksi.Bumaba doon ang kausap nilang mananahi.
BINABASA MO ANG
The Fake Fiancee(published under PHR)
RomanceTEASER: Sino ang hindi masa-shocked? Nag-CR lang siya saglit ,pagbalik niya ay engaged na siya sa kanyang boss.Okey,fake nga lang ang engagement.Pero hindi niya maiwasang kiligin at mangarap na sana ay totoo na iyun.Fifteen pa lang siya ay crush na...