Chapter Eight
"May lakad na naman ba kayo ni boss?" tanong ni Jinky.
"Ha? Wala..."
"Eh,bakit panay ang tingin mo sa relo mo...kulang na lang hilain mo ang oras." Puna nito.
"May lakad nga ako,pero hindi kasama si Harmon...eh,Jinks,favor naman.Kapag tinanong niya kung nasaan ako,pakisabi may emergency kaya umalis ako ng maaga."
"Naman Niks,ako na naman ang malilintakan niyan,eh. Bakit hindi ka na lang kasi magpaalam?".
"Kapag ginawa ko yun, sasama lang yun.Ayaw ko nga...kapag lakad namin ng mga kaibigan ko,bumubuntot siya,pero ako ayaw naman niyang isama kapag may lakad sila ng mga kaibigan niya...basta,sabihin mo na lang tumawag si Abby,and I need to go see her immediately." Wika niya, sabay dampot sa kanyang bag at tinungo na ang exit door.
Actually hindi naman niya kailangang isekreto sa lalake ang kanyang lakad,dahil ang kakatagpuin naman niya ay walang iba kundi ang nanay nito.May usapan sila ni tita Henri na magkikita after office hours sa isang café para ibigay yung mga librong hihiramin nito.Kaya lang,pakiramdam niya kasi hindi pa panahon para i-broadcast niya sa lalake ang isa pa niyang katauhan.Si tita Henri pa naman,panay ang tanong tungkol sa kanyang pagsusulat kapag nagkikita sila o di kaya ay nag-uusap sa telepono.Kung maririnig iyun ng lalake,mahihirapan siyang ipaliwanag kung ano iyun.
Oo,nitong huli ay lalo pa siyang naging close sa nanay ng kanyang fake fiancé dahil nakahanap sila ng common ground.Para siyang nakahanap ng bagong kaibigan sa katauhan nito,dahil para lang silang barkada kapag nagkukuwentuhan.Sabi nga ni Abby,ipinagpalit na raw niya ito sa kanyang bagong bestfriend.Of course,Abby is only joking,dahil kahit ito ay nakagaanan na rin nito ng loob si tita Henri.Sa katunayan,she is meeting both of them,kaya kung tutuusin hindi naman siya nagsisinungaling.
"Akala namin late ka na namang makakarating..."bungad ni tita Henri.
"Tinakasan ko pa kasi ang anak ninyo tita..." sagot niya.At ikinuwento niya kung paano siyang umalis at hindi na tinapos ang oras ng trabaho habang ang lalake ay abala sa pakikipag-usap sa telepono.
Natawa ang babae. "Ikaw talaga... Ano'ng gusto mo? Naka-order na kami ni Abby..." at sinenyasan nito ang isa sa mga waiter.
Hindi pa man siya nangangalahati ng inorder niyang kape ay may tumatawag na sa cellphone niya.Kahit hindi pa niya nakikita,may hinala na siya kung sino ang kanyang caller.NApasimangot siya nang makitang tama ang kanyang hinala.Ni-reject niya ang call,but she should have known,na makulit ang lalake.
"Hoy," untag ni Abby,nang mag- ring uli ang cellphone niya."Hindi mo ba sasagutin yan?" tanong nito.
"Hindi." Sagot niya.At muling inignora ang tawag.
Maya-maya ay ang cellphone naman ng kaibigan ang nag-ring.Agad nitong sinagot ang tawag.
"Oo,magkasama nga kami," sa narinig niyang sinabi ng kaibigan,alam na niya kung sino ang kausap nito. "Actually,kasama din namin ang mommy mo..." patuloy pa ng kaibigan.At bago nito ibinaba ang telepono ay sinabi din nito kung saang café sila naroon.
"Abby naman..." nakasimangot na wika niya. "Bakit mo sinabing kung nasaan tayo?".
"Dahil hindi rin naman yun titigil sa kakukulit kung hindi ko sasabihin." Katwiran ni Abby.Napatingin it okay tita Henri pagkatapos,at tila nahihiyang nginitian nito ang babae.
"Bakit ba kasi ayaw mong malaman niya kung nasaan tayo,ha,Nikita?" sumabad na si tita Henri. "Nag-away ba kayo?Kaya pinagtataguan mo siya?".
"Naku,hindi ho,tita...ang kulit lang ho kasi niya.Sinabi ng exclusively for girls ang lakad na ito,gusto pa ring sumama..."
BINABASA MO ANG
The Fake Fiancee(published under PHR)
RomanceTEASER: Sino ang hindi masa-shocked? Nag-CR lang siya saglit ,pagbalik niya ay engaged na siya sa kanyang boss.Okey,fake nga lang ang engagement.Pero hindi niya maiwasang kiligin at mangarap na sana ay totoo na iyun.Fifteen pa lang siya ay crush na...