Chapter ten
Ang higpit ng yakap ni tita Henri nang makita siya.
Habang abala sa pag-uusap ang mga matatanda,sinubukan niyang kausapin ng sarilinan si Harmon.May payakap-yakap at pahalik-halik pa ito kanina,tapos ngayon ni ayaw siyang tapunan ng tingin.Gustong-gusto na niyang sigawan at batukan ito,pero nakakawala naman ng poise kapag ginawa niya iyun.
The wedding date was set.Kabilin-bilinan ni Lola Justina na hindi sila puwedeng makisukob ng taon kina Emily at Harley,kaya naman,sa pangalawang araw ng January sa susunod na taon ang napagkasunduan.Tinanggihan niya ang bonggang kasal,kahit na gusto din sana niya ang isang fairy tale wedding.Ang totoo,tumanggi siya para mas mapadali ang pag-cancel sa mga arrangement nila kapag sinabi na nila ang totoo na wala namang kasalang magaganap.
"May kaaway ka?" lumapit si Jinky sa mesa niya. Unang araw niya sa opisina pagkatapos ng kanyang bakasyon.Ang boy,she's not in the mood.
Tiningnan niya ang kaibigan.
"Kanina mo pa kasi pinagdidiskitahan ang keyboard...." Wika nito. "Siyanga pala,gustong i-go over ni Bosing ang mga files na ito. Tumawag kanina,habang nasa CR ka.Hindi daw makakapasok dahil masama ang pakiramdam.Pakidala na lang daw ang mga yan sa bahay niya...kung hindi ko pa alam,gusto ka lang nun masolo at makita agad.Lonely nga yun noong wala ka..." dugtong pa.
Nagtaka naman siya.Hindi ba alam sa opisina na sumunod ang lalake sa kanya?
"Sige na,"taboy ni Jinky. "Puntahan mo na...ikaw din naman kanina pa tingin ng tingin sa pinto.Hinihintay mo siya,ano?"
Imbes na sagutin ang kaibigan,ay dinampot na niya ang mga files sa mesa niya,pati na rin ang bag niya,at iniwan na niya ito.
Didiretso na sana siya,nang maalalang hindi nag-i-stock ng pagkain ang lalake.May sakit na nga't lahat,baka hindi pa ito kumakain ng maayos.Kaya huminto muna siya sa nadaanang supermarket at namili ng mga prutas at gulay.Bumili din siya ng juice at fresh milk.
Dahil may sarili naman siyang susi,dumiretso na siya sa loob.Tinawag din niya ang lalake,ngunit wala ding sumagot.
Pagkalapag niya sa kanyang mga pinamili sa mesa,ay may narinig siyang tila umuungol.Natigilan siya.Mukhang sa silid ng lalake nanggagaling ang ungol.
Hindi na siya nag-isip,at agad na tinungo ang silid.Ni hindi na nga siya kumatok.Wala namang tao sa kama,ngunit nang ilibot niya ang tingin,nakita niyang bukas ang pintuan ng banyo.Tumuloy na siya,at nataranta siya sa nakita.
Nakalugmok sa bathroom floor ang lalake.Agad niyang dinaluhan ito.Ininpeksiyon kung may sugat ba o ito o ano,dahil may nakita siyang dugo sa inidoro at ganon na rin sa sahig.Tinawag niya ito ngunit walang reaksiyon ang lalake.Pinulsuhan niya ito,at inilapit ang tainga sa dibdib nito.Ni hindi nga niya alam kung tama ba ang ginagawa niya.Mukhang nawalan ito ng malay.Dahil malakas naman ang pulso nito at heartbeat nito.
Kailangan niyang huminga ng malalim para labanan ang panic na nararamdaman.Hindi niya kakayaning buhatin ang lalake para isakay sa kotse niya.Kaya hinanap niya sa directory ang pinakamalapit na ospital at tinawagan ang emergency number ng mga ito.Agad namang nag-respond ang mga ito at nagpadala ng ambulansiya.
"Nikita?" wika ng tinig.PAgtingin niya ay nakita niya ang isang naka-scrub suit na babae.Pamilyar ang mukha nito ngunit hindi niya maalala kung sino ito at kung saan niya unang nakita ang babae.
BINABASA MO ANG
The Fake Fiancee(published under PHR)
RomanceTEASER: Sino ang hindi masa-shocked? Nag-CR lang siya saglit ,pagbalik niya ay engaged na siya sa kanyang boss.Okey,fake nga lang ang engagement.Pero hindi niya maiwasang kiligin at mangarap na sana ay totoo na iyun.Fifteen pa lang siya ay crush na...