TFF: 4

4.8K 111 4
                                    


Chapter Four

Ang bilis lumipas ang mga araw.DAlawang linggo na lamang ay ikakasal na ang bunsong kapatid ni Harmon na si JAstine.Imbitado din siya,dahil kahit papaano ay kaibigan na rin naman niya ang bride.

Ang balak niya ay magbo-book na lang siya sa isang hotel,ngunit mapilit ang Lola ni Harmon.May bakante naman daw na kuwarto sa bahay ng mga ito,bakit kailangan pang mag-hotel?

Sa mga manggagaling sa ibang lugar sila ang unang dumating.Kahit nga ang mga magulang ng lalake pati na ang bride ay sa susunod na linggo pa darating,bago ang kaarawan ng kanilang lola.It will be a big family event dahil 80th bday celebration ni lola Justina.At kung tama ang narinig niya,lahat ng apo ng matanda ay uuwi para makisaya sa kaarawan nito.

Unang pagkakataon na nakita at nakilala niya si lola Justina ay noong para siyang nag-gate crash sa family gathering ng mga ito.Noong una ay nahihiya siya sa matanda,ngunit kalaunan ay natuklasan niya na hindi pala ito katulad ng ibang lola,na istrikto.Katulad lang ito ng mga apo nito na makukulit.

Ngunit hindi na muling nasundan ang pagkikita nilang iyun.Dahil sa edad ay nahihirapan nang magbiyahe ang matanda,at siya naman ay hindi pa nakakarating sa probinsiya ng mga ito.Ngunit madalas niyang nakakausap ito sa telepono,lalo na nitong huli noong maging assistant na siya ni Harmon.Updated ang matanda sa mga nangyayari sa mga apo nito,kaya naman kapag matagal nang hindi nakakatawag si Harmon,ay ito na mismo ang tumatawag,at doon mismo sa opisina,para wala daw kawala.

Napahinto siya sa paglapit.Mukhang nasa isang diskusyun ang mag-lola.

"Pero 'la,I need her.Sa kanya lang gustong makipag-deal ang bagong owner ng resort and I can't afford to lost that deal.MArami kaming kustumer na gustong pumunta dito sa probinsiya natin,and that resort is the best there is para sa accommodation ng mga kustumer.Kailangan i-close na namin ang deal,or else madi-disappoint ang mga kustumer namin dahil sa isang pipitsuging hotel namin sila itsinek-in,at masisira pa ang reputasyun ng agency namin."

"Oo na,oo na...I wonder kung bakit hindi ka nag-abogado.Sige na,tapusin na ninyo lahat ang mga dapat ayusin tungkol sa trabaho ninyo,para naman mula bukas makapag-enjoy na si Nikita.This is supposed to be a vacation for her.Show her the place pero mula noong dumating kayo,puro pa rin kayo trabaho...kaya hindi na ako magtataka na walang nobyo ang batang yun...ikaw ba naman ang magkakaroon ng boss na slave driver,paano ka pa magkakaroon ng social at love life."

"Lola naman..." reklamo ni Harmon.

Hindi pa rin siya napapansin ng dalawa,at nahiya na siyang ipagpatuloy ang pakikinig sa usapan ng mga ito kaya lumayo na siya.

Nakasalubong niya si Lolo Umberto,ang asawa ni Lola Justina. "Hindi pa ba tapos mag-diskusyun ang dalawang yun?" tanong nitong natatawa.

"Hindi pa ho yata lolo...nag-uusap pa ho sila eh."

"Kung ganoon,halika ka na at siguradong mamaya pa matatapos ang dalawang yun.Mauna na tayong mag-almusal." Yaya ng matanda.

Sumunod naman siya.

"May lakad ba kayo ngayon ng apo ko?" muli ay tanong ni Lolo Umberto.

"May meeting po kami doon sa bagong may-ari ng resort na kontak na namin...Sana bago kami bumalik sa Manila,malilibot at mapupuntahan ko na din yung mga magagandang lugar dito."

"Pasensiya ka na kay Harmon,at puro trabaho ang nasa isip.Kung gusto mo pasama ka sa ibang mga apo ko...sigurado mabilis pa sa alas kutwatrong sasamahan ka ng mga iyun."

The Fake Fiancee(published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon