Chapter Three
Kanina pa nakaalis ang lalake.At kanina pa siya nakahiga,ngunit hindi naman siya dinadalaw ng antok.Excited siya na hindi niya mawari sa pagpunta nila sa Cagayan de Oro.Hindi iyun ang unang pag-a-out of town nila dahil sa trabaho.Sumasabit siya dati sa kanyang tita Amanda noon kaya siya nakakasama.At hinahayaan naman siya ni Harmon.Ito pa nga ang nagsabi sa tita niya na hayaan lang siya para matuto.Nitong huli naman,kadalasan ang mga business trip nila ay isang araw at mga balikan lamang.The CDO trip will be the first time na mag-a-out of town sila,na silang dalawa lang at kailangan pa nilang mag-overnight o mas tamang sabihing mag-over the weekend.
Nagkakandarapa na siya pagmamadali.Hindi na niya maalala kung anong oras bumigay ang katawan niya sa antok,ni hindi nga niya namalayan na tumunog na pala ang alarm clock sa cellphone niya.Kung hindi pa sa makulit na pagtawag ni Harley,hindi pa siya magigising at malalamang mag-a-alas nuebe na ng umaga.Kinailangan niyang putulin ang tawag,at sinabing mag-ko-call back na lang siya.
Ligong-uwak ang ginawa niya.Ni hindi na nga siya nag-agahan,pero paglabas niya ng pinto,nanlaki ang mga mata niya at halos batukan niya ang sarili.Iniwan nga pala niya ang kotse niya sa opisina kahapon,dahil ang kotse ni Harley ang ginamit nila papunta sa restaurant,at pagkatapos ay inihatid naman siya.
Wala siyang nagawa kundi ang mag-lakad patungong kanto,kung saan may mga taksing dumadaan.
Ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa apartment niya ,nang mapansin niya ang isang pamilyar na sasakyan.
"Halika ka na..." binuksan ng driver ang pinto sa front seat.
"Bosing? Ano'ng ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya.
"Sumakay ka na muna't nakakaabala na tayo," imbes ay sagot ng lalake.Wala siyang nagawa kundi sundin ito,dahil bumisina na ang traysikel na nakasunod sa sasakyan.
"Wala ka sa table mo kaninang dumating ako gayung lagi ka namang nauuna sa akin.Nag-alala ako..." Wika ng lalake.
Gustong tumaas ang kilay niya at the same time ay kiligin.Oy,concern ang bosing niya,nangangantiyaw ang isang bahagi ng isip niya.
"Pasensiya na,hindi ko namalayan ang alarm clock ko..." hindi na niya naituloy ang sasabihin,dahil ang walang hiya niyang tiyan,gumawa ng tunog na nagsasabing gutom na ito.
Natawa ang lalake. "Let me guess,hindi ka nag-agahan."
"Lalo lang akong male-late kung kakain pa ako..."
"Mabuti pa kumain na muna tayo.Hindi pa rin din ako nag-aalmusal..."
"Pero may ten o'clock meeting ka..." tiningnan niya ang kanyang relo.Nine forty na.
"Sinabihan ko na si Jinky na i-reschedule ang meeting..."
"Pero..." tumunog na naman ang tiyan niya,at hindi na rin pinansin ng lalake ang pagre-reklamo niya.Ipinarada na nito ang kotse na unang fastfood store na nadaanan nila.And before she knew it,nakapili na ito at umuorder na ito ng almusal para sa kanila.
HAbang hinihintay ang lalake,ipinasya niyang tawagan na uli si Harley,na interesadong puntahan ang bagong resort na kontak ng agency,at inimbitahan na rin siya kung gusto niyang manood ng live music mamayang gabi,dahil meron daw gig ang bandang gusto nilang i-arkila para sa kasal ni Jastine.
Masaya siyang nakikipag-usap sa kapatid ng kanyang boss,nang bumalik ang huli sa kanilang mesa.
"Got to go..." wika niya nang makitang umupo na sa harap niya si Harmon.
BINABASA MO ANG
The Fake Fiancee(published under PHR)
RomanceTEASER: Sino ang hindi masa-shocked? Nag-CR lang siya saglit ,pagbalik niya ay engaged na siya sa kanyang boss.Okey,fake nga lang ang engagement.Pero hindi niya maiwasang kiligin at mangarap na sana ay totoo na iyun.Fifteen pa lang siya ay crush na...