TFF: 9

4.4K 113 5
                                    


Chapter Nine

Madali niyang naayos ang mga kailangan niya para sa kanyang pagbiyahe.Sinadya niyang huwag sabihin sa mga magulang na papunta siya sa Singapore,.Una,dahil gusto niyang sorpresahin ang mga ito,at pangalawa,siguradong magtataka ang mga ito kung bakit ura-urada siyang magbibiyahe,gayung confirmed na naman na uuwi ang mga ito bago magbagong taon.Nagsinungaling siya kay Harmon nang sinabi niyang hindi makakauwi ang mga ito.

ILang araw na rin siyang nakikipag-bonding sa mga magulang.Nakipag-bonding at dinalaw na rin niya ang mga naging kaklase at naging kaibigan noong doon pa siya nag-aaral,pero nitong mga huling araw,kumuha ng leave ang mga magulang niya sa kani-kaniyang trabaho,at namasyal sila ng husto.Nakapagside trip pa nga sila sa Kuala Lumpur,at nag-driving sa country side. Bagay na hindi na nila nagagawa ng madalas,dahil sa Pilipinas na nga siya naka-base.At para hindi mawala ang momentum,nagpasya siyang i-extend ang kanyang bakasyon.Tutal may mga naipon pa naman siyang mga bakasyon.

Una niyang naisip nang tawagan niya si Harmon upang ipaalam ang kanyang desisyon,ay kung nami-miss ba siya nito.Umasa pa siya.NA-disappoint lang siya nang sabihin ng lalake na, "Ganoon ba? Sige,see you next week."

Nakasimagot siya nang ibaba na niya ang telepono.Ni hindi man lang siya kinumusta?Kung nag-e-enjoy ba siya?Gusto niyang magtampo,ngunit may karapatan ba siya?

Pabalik na sila sa sentro mula sa buong araw na pamamasyal sa Sentosa Island nang biglang may tumawag sa kanya.Paglingon niya,automatic na napangiti siya nang makilala iyun.

"Sabi ko na nga,ikaw yung nakita ko kanina sa island...." Nakangiting wika ng lalake,nang makalapit ito sa kanila. "Good evening po," sabay bati sa kanyang mga magulang.

Ipinakilala niya ang lalake sa mga magulang.And soon enough,Fernan Avila charmed his way in to her parents' hearts.Ni hindi tumanggi ang mga ito nang yayain sila ng lalake na kumain na muna,gayung nang pauwi na sila,ay panay ang reklamo ng nanay niya,na masakit na raw ang mga paa nito sa maghapong kalalakad.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" hindi na niya napigilan ang kanyang curiousity.

Ngumiti ang lalake. "I don't know what you have heard about me,but I actually work here,sa isang architectural firm...noong magkita tayo sa probinsiya,nakabakasyon lang ako...". Sagot at paliwanag ng lalake.

Sa pagkukuwentuhan nilang iyun,napag-alaman nila na sister company pala ng kompanyang pinagtatrabahuan ng daddy niya bilang engineer,ang architectural firm na pinagtatrabahuan ng lalake.Tuloy,the two men dominated the conversation about building designs and infractures.

Kinabukasan ay may tumawag sa kanya.Pag-hello pa lamang niya,ay nakilala na niya kaagad kung sino ang nasa kabilang linya.

"Good morning Ms.Nikki," pa-cute na bati ng lalake. "Wanna have some fun today? Day off pa rin ako..."

"Fernan? Paano mo nalaman itong numero ko?" tanong niya.Wala naman siyang maalala na hiningi nito ang kanyang numero kagabi,at lalong hindi niya ibinigay.

"I hope,okey lang sa iyo...hiningi ko sa daddy mo kagabi.Nagpaalam na rin ako sa kanya na liligawan kita." Wika pa nito.

"Fernan...ano ba'ng pinagsasabi mo? You know very well that I'm already engaged..."

"That was not the impression I got last night...akala mo siguro hindi ko napansin,but I did.Hindi mo suot ang singsing kagabi...kung talagang engaged ka na,bakit walang kaalam-alam ang mga magulang mo,at bakit hindi mo suot ang engagement ring mo?" sunod-sunod na tanong lalake.

The Fake Fiancee(published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon