Makalipas ang dalawang taon.
Naging masaya na ang ating mga bida.
Muli ng nagsama sa iisang kwarto si Lea at Aga.
Ang dating guest room kasi ay ginawa na nilang kwarto ng mga bata.
Si Toni naman ay tuluyan ng nagstay dito sa Pilipinas para mas makasama ang kanyang mga pamangkin na spoiled na spoiled sa kanya.
-
Nagkaroon ng maliit na salu-salo sa tahanan nila Lea. Hindi naman mawawala dito sila Vice, Karylle, Sarah at ang nobyo nito for more than a year na si John Lloyd.
Habang nagkakasiyahan at nagswiswimming ang mga bata ay kinuha ni Aga ang kanilang atensyon.
Lumapit naman sa pwesto niya sila Vice habang nagstay naman sa hagdan ng pool ang mga bata.
Hinila niya rin si Lea papunta sa harap niya at ngumiti.
"Masyado na tayong maraming pinag-daanan. Pero lahat ng yan nalagpasan natin ng magkasama. Nagkahiwalay man tayo noon, tingnan mo nga naman tayo pa rin pala hanggang ngayon. Muli tayong nagkita dahil sa isang magulong pangyayari sa buhay natin. At hindi ko akalain na yun pala ang magiging tulay para muling mabuo ang pamilya natin. Ngayon, meron na tayong dalawang cute at makukulit na anak. Don't you think oras na para madagdagan sila?" biro ni Aga kaya nagtawanan ang lahat nang hampasin siya ni Lea nang paulit-ulit.
"Biro lang! Sandali! Aray!" sabi ni Aga habang umiiwas sa hampas ni Lea. "Pero ito walang halong biro, ang pinaka gusto kong mangyare ay maging akin ka ulit, buuin natin ang pamilya natin muli, officially at legally" nakangiting sabi ni Aga sabay luhod at pinakita ang isang singsing.
"Marry me again, babes"
Nagtilian naman sila Sarah dahil sa kilig sa sorpresa ni Aga.
"Crush na crush mo talaga ako no?" natatawang pang-iinis ni Lea.
"Gusto mo after nito, magkape tayo?" asar din ni Aga kay Lea habang nakaluhod pa rin.
"Okay" panimula ni Lea. "Edi magkape kang mag-isa mo!" galit-galitan na sabi ni Lea at akmang aalis na.
Agad namang siyang pinigilan ni Aga. "Joke lang naman, Babes. Syempre, crush na crush talaga kita no. Lakas kaya ng tama ko sayo" sabi ni Aga at muli na namang nagtawanan ang mga nasa paligid nila.
"Sige na nga" sagot ni Lea habang nakatingin kay Aga.
"Ano ba yan, para namang napilitan ka lang" pabirong reklamo ni Aga.
"Yes!" sagot ulit ni Lea.
"Ang plain naman" muling reklamo ni Aga.
"Oo" naniningkit matang sagot ni Lea.
"Ang tipid naman. Haba-haba nang sinabi ko tapos dalawang letra lang sagot mo. Unfair!" muli na namang reklamo ni Aga habang tinitingnan ang ibang kasama saka tatawa.
"Oh, edi wag na!" sagot ni Lea at muli na namang tumalikod.
Muli na naman siyang pinigilan ni Aga. "To naman, di na mabiro. Okay na yan, basta ba payag ka na e" sabi ni Aga habang sinusuot ang singsing kay Lea.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Thing Called Love [LEAGA][SAMTIN]
FanfictionThey said people who are young believes that there'll be many people with whom you'll be able to connect with. But later in life, they will realize that it only happens a few times. - - - - - Why do we always fall in love with people we can't...
![Crazy Little Thing Called Love [LEAGA][SAMTIN]](https://img.wattpad.com/cover/68981144-64-k264700.jpg)