"Kids, Tita Karylle wants to have a play date with you. Let's go prepare na" nakangiting sabi ni Toni pagkapasok niya sa kwarto ng dalawang bata and saw them watching an animated movie.
"Yey!" sabi ni Ethan habang tumatalon pa sa bed niya. Sa lahat kasi ng kaibigan ng mommy niya ay si Karylle ang pinakapaborito niya. Kaya sobrang excited siya tuwing nagkikita or dinadalaw sila nila Karylle.
"Ethan, stop. You wouldn't like to make Tita Karylle wait, right?" sabi ni Toni habang kinakarga ang bata.
"Yes!" excited na sabi ni Ethan na agad sumama kay Toni.
"Help Nicole na, I'll take care of Ethan" sabi ni Sam na kakapasok lang sa kwarto ng mga bata.
Kinuha naman ni Sam si Ethan kay Toni. "Tara, Nics" sabi ni Toni at tumungo na sila sa walk-in closet ng bata.
-
After an hour ay tapos na silang mag-prepare lahat.
Sumakay na sila lahat sa sasakyan ni Sam. After Sam buckled up Ethan in his car seat ay nagdrive na siya papunta sa mall kung saan nila imemeet sila Karylle.
-
"Tata K!" tumatakbong sabi ni Ethan nang matanaw sila Karylle.
"Ethan!" sabi ni Karylle at agad na binuhat ang bata nang makalapit ito sa kanya and spun him around.
"Hey, Ethan. She's mine" sabi naman ni Vice na yumakap sa dalaga. Kung gaano kapaborito ni Ethan si Karylle ay ganun rin naman siya kapaborito ni Vice asarin lalo na't madalas maging gusto ni Ethan na sa kanya lang ang atensyon ni Karylle tuwing magkasama sila.
"No!!!" umiiling pa na sabi ni Ethan at niyakap ng mahigpit si Karylle.
"She's mine" sabi ni Vice habang kinikiss pa sa cheeks si Karylle.
"No!!!" sabi muli ni Ethan na pasimula ng umiyak.
"Vice! Stop it! Isusumbong kita kay Ate" sabi ni Toni nang makitang paiyak na ang pamangkin.
"Shh, don't cry na, baby" sabi ni Karylle habang buhat-buhat pa rin ang bata.
"Joke lang, baby" nakangiting sabi ni Vice habang kinikiss sa cheeks ang bata. At biglang hinalikan sa lips ng mabilis si Karylle.
"Vice!" sabi ni Karylle at bahagya itong tinulak dahil inaasar na naman niya ang bata.
"No!!!" muling sabi ni Ethan at tinulak ang mukha ni Vice.
Nagtawanan naman silang lahat dahil sa kakulitan ng dalawa.
"Nicole, ikaw na nga lang. Where's my hug?" baling ni Vice sa batang babae.
Agad naman siyang niyakap ni Nicole nang mahigpit.
"Where's Tita Sarah?" tanong ni Nicole after ng yakapan nila.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Thing Called Love [LEAGA][SAMTIN]
FanficThey said people who are young believes that there'll be many people with whom you'll be able to connect with. But later in life, they will realize that it only happens a few times. - - - - - Why do we always fall in love with people we can't...