"My boyfriend and I will be celebrating our first month" nakangiting sagot ni Karylle.
Kinabukasan.
"Hindi ka ba kayang sunduin ng boyfriend mo at kailangan mo pang abalahin ang bestfriend mo?" sarkastikong tanong ni Sam habang nagmamaneho papunta sa Tagaytay.
"Actually..." nakangiting panimula ni Karylle.
"Ana Karylle!" mapagbantang sabi ni Sam nang makita ang ngiti ni Karylle.
"Sorry na" naka-pout na sabi ni Karylle. "E, kasi naman. Vice said that he will be bringing his cousin and friend with him. I just thought that you can you know, hangout"
"This will be the last time that you'll do this, okay?" sabi ni Sam at di kalaunan ay ngumiti na rin kay Karylle.
"Promise!" sabi ni Karylle na tinaas pa ang kanang kamay. "Sorry again" sabi nito at niyakap sa braso ang kaibigan.
After ng isa't kalahating oras ay nakarating na sila Karylle at Sam sa Tagaytay.
"Baby!" salubong ni Vice kila Karylle.
Agad namang yumakap si Karylle sa boyfriend at nag-smack kiss dito.
"Thanks for bringing her here, bro" sabi ni Vice at nakipag-kamay kay Sam.
"No problem, anything for my best friend" nakangiting sabi ni Sam at tiningnan si Karylle.
"Ay, oo nga pala" sabi ni Vice at tinawag naman si Toni na nasa may lobby lang para lumapit. "Si Toni pala, kaibigan ko"
Nakipag-beso naman si Karylle sa dalaga after itong ipakilala ni Vice.
"And of course, si Karylle, the love of my life" pagpapakilala ni Vice.
"And this is Sam, best friend ko" pagpapakilala naman ni Karylle ng bestfriend niya kay Toni habang naka-akbay kay Sam.
Nakipag-beso naman si Toni sa binata and said "Hi".
"I thought kasama mo si Sarah?" nagtatakang tanong ni Karylle sa nobyo.
"Hindi na siya nakasama e, sumama kasi yung pakiramdam kaya pinagpahinga na lang namin" sagot ni Vice at ngumiti.
Naunang pumasok sa venue sila Vice at Toni para sa kanilang munting surpresa.
Naiwan naman ang dalawang magkaibigan sa labas sandali.
"What do you think of Toni?" nakangiting tanong ni Karylle habang tinataas-baba pa ang kilay.
"She's beautiful" sagot ni Sam na animoy nag-dedaydream.
"Sabi sayo e" nakangiting sabi ni Karylle at tinulak pa ng slight si Sam.
"Fine, thank you for bringing me here" sabi ni Sam at ginulo ang buhok ng dalaga.
"Hey! Special tong night na to, wag mo naman akong papangitin" saway ni Karylle at agad na inayos ang buhok.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Thing Called Love [LEAGA][SAMTIN]
FanfictionThey said people who are young believes that there'll be many people with whom you'll be able to connect with. But later in life, they will realize that it only happens a few times. - - - - - Why do we always fall in love with people we can't...