6

333 14 12
                                        

"Kuya Aga?" sabi ng isang babae.







Agad namang napangiti si Aga ng makita kung sino ang babaeng tumawag sa kanya.

Lumapit siya dito at kinulong sa isang mahigpit na yakap ang babae.

"Grabe! Ang laki mo na ah" komento ni Aga pagkatapos kumalas sa yakap.

"Kuya naman!" sabi ng babae at muling itong yumakap kay Aga.

"Ganyan ka pa rin" natatawang sabi ni Aga. "Asar talo ka pa rin, Cee"

"Pero Kuya, namiss kita. Ang tagal na rin nung huli tayong nagkita" sabi naman ni Toni.

"Oo nga e, kelan ka pa ba dito?" tanong ni Aga.

"Ilang buwan na rin simula nung umuwi ako" nakangiting sagot ni Toni.

"Dahil jan, ililibre kita. I hope wala kang lakad today?" nakangiting alok ni Aga.

"Wala, Kuya. I just decided to stroll around" sagot ni Toni.

"Good! Tara, ililibre kita ng pizza" sabi ni Aga kaya automatikong napangiti si Toni.

"You still remembered" sabi naman ni Toni.

"Syempre naman no, you will always be my pizza buddy" sagot ni Aga.

Kung meron riding in tandem, noon naman ay may pizza buddy. Naging bonding kasi ng dalawa ang pagkain ng pizza kahit anong oras, kahit 2am pa ng umaga.

Masayang nag-catch up si Aga at Toni. Kumain, naglaro, nanuod ng movie, nag-shopping, nagkwentuhan silang dalawa hanggang sa maramdaman na nila ang pagod at nagdesisyong umuwi.

Tila bitin naman ang buong araw para matapos ang kanilang bonding.




-




Inihatid ni Aga si Toni sa bahay nilang magkapatid.

"I'm so happy to see you again, Kuya" nakangiting sabi ni Toni. "Thank you for an awesome day"

"Salamat rin. Sobra kitang namiss" sagot ni Aga bago yakapin si Toni at hinalikan sa noo.

"Hopefully, next time. Kasama na si Ate" sabi ni Toni na may malungkot na ngiti.

"I'll fix our marriage. I promise you" nakangiting sagot ni Aga. "I will win your Ate back"

"It's been ten years, Kuya. Sana talaga maayos niyo na lahat" sabi ni Toni. "Para maging isang buong pamilya na ulit tayo"

Nginitian naman siya ni Aga bago muling yakapin ng mahigpit.

"Pahinga ka na ha. Kiss your Ate for me na lang muna sa ngayon" nakangiting sabi ni Aga.




-




Nakipag-meet naman si Toni sa kanyang kapatid para sa plano nitong pagbatiin ang dating mag-asawa.

Crazy Little Thing Called Love [LEAGA][SAMTIN]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon