Dahil sa nalaman ay nagdesisyon na lang si Toni na umalis at dinala naman siya ng kanyang mga paa sa orphanage na pinupuntahan nilang magkapatid.
Nagpaalam siya sa mga madre doon kung pwedeng magpalipas muna siya ng gabi. Kahit nag-aalala ang mga ito ay pinayagan rin naman siya.
Oras na ng pagtulog ng mga bata kaya tahimik na ang lugar. Nagtungo na lang si Toni sa garden para makapag-isip.
Umupo siya sa isang bench doon at tumingin sa langit.
"Bakit niyo po ginagawa sa akin to? Bakit niyo hinayaang mangyare to sa akin, sa amin?" umiiyak na tanong ni Toni sa nasa itaas.
Pumikit na lang si Toni at patuloy na umiyak habang nakatingala pa rin sa nasa itaas.
Habang ginagawa niya ito ay nakarinig siya ng munting mga footsteps papalapit sa kanya kaya agad siya dumilat para tingnan ito.
Isang batang babae na nasa edad walo hanggang siyam ang nakita niya. Naka-pigtails ang buhok nito at nakasuot ng pyjamas na may disenyo na 'Minecraft'.
"Bakit po kayo umiiyak?" nagtatakang tanong ng bata sa kanya.
"Hindi. Uhm, napuwing lang ako" sagot ni Toni sa bata.
"Sabi po ni Sister bawal daw po ang nagsisinungaling" sabi naman ng bata habang papalapit pa rin sa kanya.
"Masyado ka pang bata para maintindihan mo ang problema ko" sabi ni Toni at nagpunas ng luha.
"Ano nga palang ginagawa mo dito? Pinatulog na lahat ah" tanong ni Toni sa bata.
"Nauhaw po kasi ako e, kaya bumaba ako para kumuha ng tubig tapos nung paakyat na ako nakita kita" kwento ng bata.
"Oh, sige na. Umakyat ka na at matulog ulit" sabi ni Toni dito.
"Gusto mo po samahan muna kita? Nawala na rin po kasi yung antok ko e" tanong ng bata at umupo sa tabi ng dalaga.
"Hindi ka ba papagalitan nila Sister?" tanong ni Toni na tiningnan ang bata.
Nagkipit-balikat naman ang bata. Tinitigan naman siya ni Toni.
"Bago ka lang ba dito? Parang ngayon lang kita nakita" tanong ni Toni na nakatitig pa rin sa bata.
"Ngayon lang din po kita nakita e" natatawang sagot ng bata. "Pero hindi po, matagal na ako dito. Baby pa lang ako nandito na ako"
"Bakit parang hindi kita nakita nung unang punta ko dito?" tanong ni Toni sa bata.
"Hindi rin po kasi ako pala labas ng kwarto ko e, kahit may bisita. Bawal po kasi akong mapagod at magkasakit. Kasi pag nagkasakit ako masasad si Mommy ko" kwento ng bata.
"Mommy mo? Kilala mo ang mommy mo?" nagtatakang tanong ni Toni.
"Opo, pinupuntahan niya nga po ako every month e" sagot ng bata.
"Paano?" naguguluhang tanong ni Toni. "Bakit hindi ka na lang niya kunin?"
"Magulo pa daw po kasi e. Pero nag-promise naman siya na once maayos na daw ang lahat. Kukunin na niya ako" nakangiting sagot ng bata.
"Paano ka ba napunta dito?" tanong ni Toni.
"Sabi po ni Mommy, nung baby pa lang ako dinala na niya ako dito. Pinaalagaan kila Sister kasi hindi daw po niya kaya. Wala daw po kasi yung daddy ko at yung family niya. Siya lang daw sa bahay kaya walang mapag-iiwanan. At nung time daw po na ipinanganak ako. Maraming problema ang dumating sa kanya. Nandun na daw po yung pag-alis nung asawa niya, nagkahiwalay sila. Tapos yung family naman niya nasa ibang bansa kaya ayun dito na lang muna niya ako iniwan. Nag-promise naman po siya na dadalawin niya ako dito every month at tinutupad naman niya yun. Dinadalan niya ako ng foods, toys, mga damit at marami pang iba. Kaya po nakahiwalay ako dun sa ibang mga bata, bukod kasi sa sakitin ako, hindi rin ako pwedeng ampunin" nakangiting kwento ng bata.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Thing Called Love [LEAGA][SAMTIN]
Fiksi PenggemarThey said people who are young believes that there'll be many people with whom you'll be able to connect with. But later in life, they will realize that it only happens a few times. - - - - - Why do we always fall in love with people we can't...
![Crazy Little Thing Called Love [LEAGA][SAMTIN]](https://img.wattpad.com/cover/68981144-64-k264700.jpg)