12

394 18 7
                                    









Dumating ang araw na pinaka hihintay nila Aga at Lea.

Ngayon na ang araw ng muli nilang pag-iisang dibdib.

Isang simpleng selebrasyon lamang ang magaganap.

Simpleng kasalan sa isang beach sa Batangas.

Konti lang din ang bisita, tanging pamilya at malalapit na kaibigan lang nila ang naroon.




-




  [A/N: Credits to the owner! :) ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[A/N: Credits to the owner! :) ]


Mag-aalas-tres ng hapon ng magsimula ang kanilang selebrasyon.

Unang naglakad si Aga kung saan napili pa nitong magpatawa habang naglalakad papunta sa pwesto niya.

Nang makarating si Aga ay agad namang sumunod sila Vice at Karylle kasunod sila John Lloyd at Sarah bilang mga secondary sponsors.

Magkasabay namang naglakad sila Toni at Sam bilang Maid of Honor at Best Man ng dalawa.

"Thank you sa pagpayag" sabi ni Sam habang lumalakad sila.

Isang matamis na ngiti namang ang iginawad ni Toni sa binata.

Natahimik naman ang lahat nang si Lea na ang susunod na lalakad.

Kasama ni Lea ang mga anak na si Ethan at Nicole para ihatid siya kay Aga.

Lahat ay nakangiti habang pinapanuod na lumakad ang mag-iina palapit kay Aga. They admire how beautiful and glowing she is right now.

Ang kaninang maloko at makulit na si Aga naman at biglang naging seryoso at teary eyed while watching his family walking towards him. Habang papalapit sila Lea at hindi na niya napigilan ang mga luha at kusa na itong tumulo.

Isa-isang nginitian ni Lea ang mga bisita pero nang makita niya ang mapapangasawa ay naiyak na rin siya.

Ilang sandali pa ay nakarating na ang tatlo sa harap ni Aga.

Tig-isang halik ang ibinigay ng dalawang bata sa kanilang ama at gayundin sa kanilang ina.

Pagkatapos nito ay sinundo na ni Toni si Nicole habang si Sam namang ang sumundo kay Ethan.

Crazy Little Thing Called Love [LEAGA][SAMTIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon