Intro

161 20 14
                                    

Sigawan. Tilian. Cheer. Fanchants. Banners. Light sticks. Army bombs.

Lahat ng yan nasa concert. Concert ng nagiisa at sikat na Bangtan Boys. Di naman ako makaayaw sa binigay na ticket ng kaibigan ko. Unfair nga eh. Siya seated at ako standing. Siya thug life ako nakiki gyera dito. Pero worth it.

Sa totoo lang, ayaw kong makita niya ko. Pero sino ba naman ako para hanapin niya diba? Ako lang naman ang ex niya. Ex niya. Ako yung nanakit sa kanya. Gustuhin pa kaya niya kong makita?

Kasi ako gustong gusto ko siya makita. Kahit malayo siya. Kahit may nagpapasaya na sa kanya.

The reason why i stayed being an army for years after we broke up. I stayed because i still and will forever love him.

But... The thing is... I want to graduate. Gusto ko ng maging sunbae-nim niyo. Gusto ko ng umalis. Hindi dahil di ko na sila, siya, mahal. Kundi mahal ko pa rin siya. I want to let him go.

Ang pitong bangag na to na nakilala at naging kaclose ko. Tinuring nila ko na parang kapatid. At tinuturing din nila ako na para na ding isang member sa kanila.

Kim Namjoon.

Kim Seokjin.

Min Yoongi.

Jung Hoseok.

Park Jimin.

Kim Taehyung.

Jeon Jungkook...

Nagkakilala kaming pito sa isang insidente. Akala ko pa nga ay holdaper sila. Ironic diba? Haha. Pero nagtatago lang pala sila sa mga sobrang obsessed ng fans. Balot na balot naman kasi sila.

Naging ka close ko sila.

At ngayon....

Nandito ako. Na parang di nila, niya, ko kilala. Sabagay. Sa lahat ba naman ng nangyari samin makilala pa kaya nila, niya, ko?

Sinaktan ko siya eh. Nagsakitan lang kami.

Seeing him performing on stage and being successful is making me happy too.

I'm contented with that.

Laking pasasalamat ko na dumating siya sa buhay ko. Sobrang thankful ako.

Napangiti na lang ako. Wala pa rin siyang kasing galing. Walang kupas. Masasabi mong may nagbago sa kanya. Pero nagbago dahil lalo siyang gumaling.

"I'm Jungkook! Kamusta?" nagtatagalog pa rin siya. Hahaha. At ganun pa rin ang accent niya. Gwapo pa rin siya at maganda pa rin ang pangangatawan niya. Napansin ko na bago ang piercings niya. Sabi mo wala ng piercings piercings na yan. Ha? Pero sabagay. Wala naman akong karapatan.

Bigla na lang tumulo ang luha ko habang tinataas ko ang army bomb ko at winawagayway katulad ng ibang fans.

"Mianhaeyo." bulong ko. Sobra akong nagsisi pero lahat naman ata ng sakripisyo ko naging worth it eh.

Mahal ko siya. Mahal na mahal. Higit pa sa inaaakala ng lahat. Higit pa sa alam ko.

Mula ng fan girl pa lang ako. Hanggang sa naging kaming dalawa. Lahat sana okay na. Hanggang sa nag break. Dahil sa maraming fans ang nasaktan. Ayoko maging selfish. Fan din naman ako. Alam ko ang nararamdaman nila.

Hanggang sa pagbabalik ko sa fan girl life.

Our story is a tragedy.

A beautiful tragedy.

I could say that he is The Most Beautiful Moment In Life

A fan girl. Turns into his girl.

Ang mga pangakong binatawan ko sa kanya at ang mga pangakong binitawan din niya.

Naiipit ako dito dahil sa mga fans. Tuwang tuwa sila na nakita nila ang bangtan. Pero hindi tulad ng saya ko na sobra sobra pa dahil nakita ko silang muli.

Sinuot ko ang hoodie ko sa ulo ko.

One last glance.

Isang tingin na lang sa kanila. Isang tingin na lang sa kanya. Pangako.

Nakita ko kung paano siya nagtatalon sa stage. Sobrang saya niya.

My happiness is his happiness. Even his happiness doesn't include me.

Bago ako lumabas. Kahit masikip at naiipit na ako ay nagawa ko pang kuhanin ang polaroid cam ko. Pinicturan ko siya. Naglakad na ko palabas ng concert venue. Natutulak tulak ako pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.

Tuparin mo Jungkookie ko ang mga pangarap mo. Kasama ang armys at hyungs mo. Habang ako nandito, inaabot mag-isa ang pangarap ko. Kahit ikaw yon. At patuloy kang susuportahan.

"Saranghaeyo Jungkookie." bulong ko.

Kahit masakit.

Kahit kada isang step palabas nitong venue ay katumbas ng isang milyong pag saksak sakin. Kinaya ko. Rinig ko pa ang favorite kong kanta. Huminto ako.

"Bogo shipda Jungkookie."

Tuluyan akong humarap sa kanya. Kahit pinangako kong di na ko muling haharap sa kanya.

"Annyeong jagi."

I turned my heel towards the other direction.

Unti unting tumutulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ramdam ko sa bawat patak na ang laman lang ay sakit at panghihinayang.

Pero kahit ganon masaya pa rin ako kasi masaya siya. Mahal na mahal ko siya. To Seoul and back.

Paalam na Jungkook ko.

"Krishna-jagi" napahinto ako. Tinawag niya ako gamit ang mic. Tumigil ang kanta at tanging boses lang niya ang narinig ko. Nakayuko ako habang walang tigil ang luha ko sa paglaglag. Pero hindi pa rin ako humaharap.

Tama na Krishna. Masaya na si Jungkook. Masaya na siya ng wala ka.

Ngunit hindi pa rin ako makaalis sa lugar na yon. Nag aaway ang puso at isip ko kung anong gagawin ko.

Dahil mahal na mahal ko siya.

|||

Intro: 화양연화 (The Most Beautiful Moment In Life)

2017, revised.

She's My Fangirl →j.jk [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon