Track 18

25 2 4
                                    

Zyril's POV.

*BLAAAG*

Nahulog ako sa kama ko ng may marinig ako sa kabilang kwarto na lagapak.

Yung panaginip ko! Potek! Sayang naman! Mahahalikan ko na sana si Taehyung sa panaginip ko! Kakasal na sana kami eh! Tangina naman ooh!

Umupo ako sa lapag dahil diba nga nalaglag ako? Napatingin ako sa malinis pang puting pintura sa kwarto ng bahay nila Krishna. Di ko pa rin masasabing akin to kasi nakikitira lang naman ako kahit na sinabi ni Krishna na dapat feel at home ako.

"Putanginaaaaa!" narinig ko ang mura ni Krish sa kabilang kwarto. Kaya dali dali akong tumayo at tumakbo papuntang kabilang kwarto.

Marahas kong binuksan ang pintuan at nakita si Krish na nakalatay sa sahig ng kwarto niya habang sapo sapo ang puson niya. Alam kong puson yon kasi hindi naman tyan. Mas mababa yung hawak niya at hindi naman sa baba siya nakahawak, if you know what i mean. Hehe.

"Anong nangyari!?" sabi ko sabay lagay ng kamay ko sa braso niya. Hinimas himas ko ang braso niya. Para naman kumalma siya kahit konti.

"Eonni c-cr!" sabi niya ng hirap na hirap. Mabigat ang paghinga. Shet oh shet. Tinulungan ko naman siya papuntang cr at umupo siya sa bowl. Jusq.

"Gwaenchanha?" tanong ko. Sunod sunod naman siyang umiling. Pawis na pawis na siya dahil siguro sa sakit na nararamdaman niya. Magkakaron to promise!

"Aniㅡ huhuhu! Napkin! Napkin eonni!" sabi niya kaya dali dali akong lumabas at kumuha ng tissue. Binigay ko sa kanya pero binato niya lang sakin. "EONNI NAPKIN AS IN SA MENS. DI YUNG TABLE NAPKIN! MANANG MANA KA KAY TAEHYUNG, EONNI! MATUTUYUAN AKO NG DUGO SAYO EH!" sabi niya kaya napapeace sign ako. "DAMIT DIN EONNI. HEHE!" sabi niya kaya napairap ako. Tumawa ba talaga ag bruhakels. Tumango na lang din ako. Dahil wala akong magagawa. Sa konting panahon na nakilala ko siya turing ko sa kanya ay para ng kapatid. Pasaway man, makulit siya. Yun nga nagusuhan ko sa kanya eh.

Agad agad ulit akong lumabas at walang nakitang napkin. Kung saan saan ako naghanap pero wala aking nakita. Ngayon pa siya nawalan ng stock! Di ba niya alam na magkakaron siya ngayon? At tsaka bakit sakit na sakit naman ata siya? Hindi yata nage-exercise tong batang to eh!

"WALANG NAPKIN KRISHNA!" sigaw ko at narinig ko ang pagmura ni Krishna. Batang yon oo! Ang bibig! "Wait ka lang!" sabi ko at narinig ko na naman ang pagsabi niya ng oo sa loob.

Nagmamadali akong nagbihis ng maong short ko na nakakalat sa kwarto na tinutuluyan ko sabay kuha ng wallet at takbo pababa.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Taehyung at Jungkook at ang buong tropa aka Bangtan.

"TAE!" sigaw ko.

"PUTANGINAAAAA!" sumigaw na naman si Krishna kaya sabay sabay kaming napalingon sa second pulor este floor.

"Si Krishna nooㅡ si Krishna ba yon?" sabi ng fetus na may crush ata Krishna.

May crush talaga siya putangina.

"Oo puta. Akyatin mo muna Jungkook tapos bibili lang ako ng napkin!" sabi ko habang nagmamadaling hinahanap ang isang tsinelas ko.

Tumango si Jungkook at tumakbo papaakyat sa itaas. Nagmamadali ang gago.

Habang ako naman kahit nagmamadali pinaupo sila Taehyung sa sofa. Alangan naman sa table diba?

Lumabas ako at bubuksan na sana ang gate ng may humatak sa pulsuhan ko.

She's My Fangirl →j.jk [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon