Track 15

48 6 2
                                    

Jungkook's POV.

Naalimpungatan ako ng wala sa oras. Hinanap ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na.

11:11?

Wait. Mag wiwish ako.

Please let Krishna and I be close.

Yun agad ang pumasok sa utak ko ng makita ang oras na 11:11. Di ko din alam kung bakit pero winish ko na din.

Ng marealize ko na 11 pa lang. I groaned in frustration. Inaantok pa ko nagising ako ng 11.

Wala akong nagawa kundi humigaw ulit sa higaan ko. Nagpa ikot ikot ako sa kama pero wala pa rin tumatalab na antok.

Pinilit ko ipikit ang mata ko dahil gustong gusto ko ng matulog. Dumilat ulut ako at bumaling sa kaliwa. Pero bago ko pa maipikit ang mga mata ko may natanaw ako.

Damit. Damit ni Krishna to ah! Tumayo ako at lumapit don sa damit ni Krishna. Di pa pala to nasasauli?

Kumuha ako ng supot ng tahimik at baka magising ko pa sina Namjoon hyung.

Dahan dahan ko itong nilagay sa supot at dinala malapit sa akin. Bukas na bukas sasauli ko na to kay Krishna.

Natulog lang ulit ako kasi nakaramdam na ko ng antok. Maraming salamat naman kung ganon.

Ipinikit ko ang mata ko hanggang sa nakatulog ako ng payapa.

Nagising ako dahil sa malakas na paglagapak ng pinto. Gising ako pero hindi ko binubuksan ang mga mata ko.

Nagsimula ng umingay sa kwarto namin kaya kinuha ko yung isang unan at tinakip sa tenga ko.

Uggh. V hyung!

Kanina iisa lang ang boses na nagsisigaw doon. Pero unti unti itong nadagdagan ng isa. Isa pa ulit. Isa pa. At syempre isa pa.

Walang kibo kanina sina Namjoon hyung pero ngayon kasama na sila sa ingay. Ang boses lang na hindi ko naririnig ay... Hulaan niyo kung sino..... Edi kay Suga hyung.

Bumangon ako kahit nakapikit pa yung isang mata ko. Naramdaman kong lahat sila napatingin sakin. Binalewala ko ito at dumiretso agad kung saan para makakuha ng damit. Kinuha ko na din ang towel ko. Ramdam na ramdam ko ang tingin nila sa bawat kilos ko.

Humarap ako sa kanila kaya napaiwas silang lahat ng tingin sakin. Nagkilbit balikat ako at agad pumasok sa cr. Naligo na ako kasi may pupuntahan ako.

Mga 30 minutes ata akong nasa cr. Naliligo ako duh? Sinuot ko ang damit ko na nasa loob na ng cr at nilagay ang towel sa ulo ko. Lumabas ako ng cr at napansing wala na sila hyung. Tahimik na din. Salamat naman. Pinunasan ko ang buhok ko na tumutulo tulo pa.

Imbis na makita ko sina Jin hyung na nasa kama ay si V hyung lang ang nakita ko. Himala nga at tahimik lang siyang nakahiga don.

"Sina Jin hyung?" tanong ko habang inaayos ang marumi kong damit. Bumangon naman siya at humarap sakin.

"Bumili ng makakain." sabi niya sabay inat. "May pupuntahan ka ba?" tanong niya sabay tingin sa outfit ko.

"Kela Krishna." sabi ko habang umuupo sa kama ko. "Sama ka hyung?" tanong ko.

Marahas naman siyang tumango ng sunod sunod at tsaka tumalon talon.

"Kuha na kong damit!" sabi niya sabay labas ng kwarto. Muntik pa nga siyang madapa dahil tumatakbo siyang parang bata eh.

Napailing na lang ako sa attitude ni V hyung. Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at tsaka inayos ang kama na hinigaan ko.

Maya maya lang ay dumating na si V hyung na bihis na bihis na at tumutulo pa ang buhok. Initsa ko ang towel ko sa kanya para punasan niya ang buhok niya.

She's My Fangirl →j.jk [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon