Track 16

36 1 18
                                    

Krishna's POV.

Napatakip ako ng tenga ko ng marinig kong kumakanta ng Love is Not Over tong si Zyril.

Hindi sa hindi ko gusto yung Love Is Not Over. Pero bes naman... Umagang umaga naman kumakanta pa.

Naalala kong magkatabi nga pala kaming natulog. Malungkot kasi ako dahil kay Anastasia. Kaya tinabihan niya ko. Okay na sana kung hindi lang niya kong ginawang baby.

Ikaw ba naman kantahan para makatulog. Di naman ako bata. Sadyang di pa ko inaantok ng oras na yon.

Kahapon nung tumawag si Cessandra sa mall, which is kasama ko yung tatlo si V, si Zy at tsaka si jagi babes este yeobo este baby este oppa este kook hehe, nagmamadali kaming pumunta sa ospital.

Wala namang masamang nangyari kay Anastasia actually gising na nga siya. Ang masama mukhang na trauma at di makapagsalita.

Naalala ko pa nga na binigyan kami ng doctor ng dalawang white board para lang makausap namin siya. Sinulat niya sa board na kamusta na daw kaming lima. Sumulat ako ng okya lang at namiss ka namin. Ganun ang nangyari sa kwentuhan namin.

Pero sabi nila Tita tatransfer na daw siya sa America para magpagaling. Wow ha. Hah. Sosyal! Magpapagaling na lang sa states pa! Lol. Hahaha.

At lol. Nagpadala pa ng mga tauhan sila tita para lang masundo siya. Since di pa sila makakauwi. Iba talaga tong si Tita. Tsk. Gagawin lahat para lang mababy si Tasia.

"Zyyyy. Punyeta naman. Maaga pa! Shibal!" sabi ko sabay tayo at hampas ng unan kay Zy na nakaupo sa kama at feel na feel ang pagkanta ng Love is not over. Nagsesecond voice din siya sa sarili niya. Sariling sikap. Main voice niya, second voice din niya. Galenggg.

"Naman kasi Krishna! Gising naaa!" sabi niya sabay talon talon pa sakin. Pigilan niyo ako guys... SASAMPALIN KO TO NG JAMSSS!

"Linggo ngayoooon!" sabi ko sabay takip ng kumot ko sa kin para di na niya ko istorbohin. Aiishhhh.

"Naman iiiihh! Gusto ka makita ni Kook!" agad napadilat ang mata ko at marahas na tumayo.

Muntikan pa siyang mahulog sa kama ko dahil mukhang nagulat siya sa biglaan kong pagtayo.

"Ano!?" sabi ko habang nakaupo sa kama ko. Tuluyan na siyang nahulog ng sumigaw ako.

Tumayo siya at umupo sa kama ko ng maayos bago ako hampasin at tsaka tumango tango.

"Pupunta daw siya dito!" sabi niya. Mukhang kinikilig pa siya. Sa totoo lang... Mukha siyang pusang di matae.
Nag loading muna sa utak ko ang sinabi niya bago ako tumayo at nagmamadaling kumuha ng damit at tsaka pumasok sa cr para maligo at magbihis.

Kakatakbo ko ay muntik pa akong madapa doon sa basahang nasa kwarto ko. Narinig ko pa ang pagtawa ni Zy sa muntik ng aksidenteng dapat na nangyari sakin. Walang ya talaga.

Unti unti na siyang nagiging komportable sa bahay na to. Pati din sa akin. Lol.

"Sana kasama si Taehyungg. Hihi!" rinig kong ungot ni Zy sa kwarto ko. Wag niyo ng tanungin kung pano ko narinig. Kasi di ko din alam.

Narinig ko pa ang pagsarado ng pintuan bago ako tuluyang maligo ng mabilisan. Nakakahiya naman kung maabutan niya kong di presentable di ba?

At tsaka bakit hindi siya nagsabi sakin? Edi sana kanina pa ko alive na alive diba?

Lumabas ako ng cr na bihis na bihis na. Kinuha ko yung suklay at tsaka ako nagsuklay. Usually hindi ako nagsusuklay. Hindi ko din alam kung bakit ako nagsuklay.

She's My Fangirl →j.jk [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon