Track 19

21 1 0
                                    

Krishna's POV.

Ika-isang daan at walumpu't siyam ko ng hikab ngayong araw. Nakahilata lang kaming dalawa ni Zyril sa sofa habang nanonood ng K drama sa laptop ko. Nananakit na nga ang mga mata namin kakanood dahil episode 16 na kami ng Strong Woman Do Bong Soon. Walang tayuan at walang kainan ang ginagawa namin kaya upod upod na ang pwet naming dalawa.

Eto ang gusto at ayaw ko sa summer. Walang ginagawa. Minsan kasi pag wala kang ginagawa sobra ka ng naiinip. Gaya naming dalawa. Napapa buntong hininga na lang kaming dalawa. Sobrang init talaga sa pinas at sobrang nakakapanglata.

"Magsimula na tayo sa Bon Voyage." ani ni Zyril at tumango na lang ako. Itinaas ko ang braso ko at pilit na inabot ang laptop ko ng hindi tumatayo.

Feeling ko nga nakadikit na ang pwetan ko sa sofang inuupuan naming dalawa. Ng makuha ko ang laptop ko ay agad akong pumunta ng youtube. Hinanap ko ang Bon Voyage. Meron namang na hindi pa nabubura ng copyright. At nabalitaan ko yung may nag upload daw ng Bon Voyage sa pornhub ha.

Ciniclick ko ang nakita kong 47 minutes kasi pag di pa buo ciniclick ko ay baka magkanda hirap hirap ako sa paghahanap. Kinuha ko ang bluetooth speaker ko. Kasi mahina. Finull screen ko ito at tinodo ang volume. Di pa kami nakakapanood ng 10 minutes ng biglang may nag door bell.  Sabay kaming napa groan at sabay na nagbaba ng kamay para makapag rock paper scissors. Naka dalawa kaming round at di alintana ang sunod sunod na tunog ng door bell. Sumuko na kami dahil walang manalo nalo. At mangani ngani na naming hayaan ang kung sino mang punyeta ang nasa labas. Kung hindi lang kami nairita.

Sabay kaming napatayo at nagdabog na naglakad papuntang pinto. Binuksan niya ang pinto at sumunod ako. Marahas siyang pumunta sa gate at binuksan ito. Sabay ulit kaming napa cross arms kahit hindi pa namin nakikita ang tao sa kabila ng gate. In sync kami ngayon. Nawala ang cross arms namin ng makilala namin kung sino man ang nasa labas. Alam niyo ba kung sino? Edi ang mga kulugo. Nasasanay na ata sila sa bahay na to ha.

"Bat na naman kayo andito?" tanong ko. Tumango naman si Zy sa sinabi ko.

"Lagi na lang kayong andito." sabi naman ni Zy at this time ako yung tumango sa sinabi niya. Lagi na lang silang andito na akala mo bahay nila to.

"Hehe." nag peace sign si Taehyung. Di ko naman sila masungit sungitan dahil aba, mahal ko sila no.

"Hi noona!" sabi ng fetus sa tabi niya, sino pa ba? Edi si Jungkook. Sinusura na namang ako na ngingiti ngiti at lumalabas ang bunny teeth. Bastos tong batang to ah. Pasalamat nga siya mahal na mahal ko siya kung hindi nasipa ko na siya.

"Noona mo to." matapos yung yakapan session namin kahapon balik na naman kami sa pagaasaran naming dalawa. Actually mas gusto ko pa ngayon kesa kahapon. Nakakahiya ang period moments ko huhu!

"Pasok tayo. Aba. Mukha tayong ewan sa labas naguusap." sabi ni Zy unnie sa kanila. Umalis naman ako sa daanan para makapasok ang pitong kulugo.

"Ah teka. Nakalimutan ko yung cellphone ko sa van." sabi ni Jimin at lumabas muli. Mga wala na silang face mask kasi naiinitan na sila. At safe naman na sa bahay ko. Sinarado ko ang gate pero di ko nilock at tsaka pumasok sa loob ng bahay. Papasok pa yang si Jimin. Wala naman kaming ibang pinto kundi yan lang. Dumaan ka man sa loob ay naka lock den harhar.

Maya maya pa narinig ko ang pagbukas ng gate. At ang pagusbong ng malakas ma boses sa buong bahay na ito.

"KRISHNA. ABA. DI KA NAGSABI HMPPPFFFㅡ" tinakpan ni Jimin ang bunganga ni... PATRICIA!? Pota bat andito siya? Ps. Yung mukha ni Jimin parang nagpapanic na ewan. Nanlaki ang mata ng anim na lalaki at di alam kung anong gagawing reaksyon sa mga nangyayari eh. In short, liek Jimin's height, ang bangtan ay shookt. Bangtan Shookyeodan.

She's My Fangirl →j.jk [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon