Track 5

70 13 16
                                    

11:50 pm at Korea

Jungkook's POV.

Nageempake na kami ng damit namin. Sa kalagitnaan ng gabi.

Tatlong araw ang nakalipas ng madischarge ako sa ospital. Eto kami ngayon. Nageempake.

Wala kaming trip. Pero tatakas kami. Una payo kasi ng doktor na magpahinga ko. Pangalawa, ang naisip naming solusyon ay ang... Pilipinas. Oo. Pupunta kaming Philippines.

Pero sad to say di kami pwedeng pumunta. Pero dahil pasaway ang bangtan eto... Tatakas kami.

"Yung gamit mo Jungkook. Ayos na ba?" sabi sakin ni Jin hyung pagpasok ng kwarto.

"Malapit na hyung." sabi ko habang nagtitiklop ng damit ko.

"Bilisan mo. Baka mahuli tayo." sabi ni Jin hyung sabay labas.

"Napakabagal mo talagang maligo." napaharap ako kay V hyung na nakasandal sa pinto.

"Naliligo pa ba ko?" tanong ko kay hyung.

"Hindi." sabi niya sabay kilbit balikat. "Pero yun yung dahilan kung bakit lahat ng susunod na gagawin mo delayed." sabi nito sabay tawa at labas. Alien talaga.

"Abno. Tsk." ang nasabi ko na lang sa sarili ko sabay iling.

Binilisan ko na lang ang pageempake at pagtitiklop ng mga damit ko. Baka kasi mahuli pa kami.

Matapos kong maitiklop lahat sinarado ko na ang bag ko sabay dala nito palabas. Malaking backpack lang naman ang dala ko eh. Muli akong pumasok sa kwarto at sinarado ang ilaw. Sinarado ko na ang pinto at binuhat ko na ang bag ko pababa. Dahan dahan lang. Ayoko gumawa ng ingay eh.

"Bagal mo talaga." sabi ni V hyung sakin sabay gulo ng buhok ko. Leche.

"Yah. V hyung." reklamo ko habang inaayos ang buhok ko.

Kinuha ni Rapmon hyung ang bag ko at nilagay na ito sa van namin.

"Si Jin hyung nasaan?" sabi ni Rapmon hyung pagpasok ng dorm.

"Nasa kusina hyung." sabi ni V hyung. "Kumukuha ng foods." sabi ni V hyung sabay tawa ng mahina.

"Jin hyung talaga." rinig kong bulong ni Rapmon hyung sabay punta sa kusina. Ewan. Tatawagin ata si Jin hyung. "Sakay na guys." mahinang sigaw ni Rapmon hyung.

Agad naman kaming sumakay. Andon na si Jhope hyung, Jimin hyung, Suga hyung. Habang naghihintay kami sa van ay wala kaming kibuan. Tahimik lang kami. Inaantok na kami eh~

Bigla namang naghikab si Suga hyung. Natawa na lang ako. Siya kaya ang pinaka maagang natulog. At kami namang maknae line ang pinaka late.

"Yah. Inaantok pa ko." mahinang reklamo ni Jimin hyung sabay sandal ng ulo sa sandalan ng upuan. Nasa pinaka likod ako ng van kaya naman kita ko silang lahat.

"Ayan. Sabi sabi pa kasi na matutulog na hindi pa pala. Tsk." pangaral ni Jin hyung pag kasakay, pagkaupo niya sa driver's seat at pagkarinig niya ng sinabi ni Jimin hyung. Na pa pout na lang si Jimin hyung na parang bata. Agad namang binato ni V hyung na nasa tabi ko si Jimin hyung ng unan.

Nasa harap ko lang naman si Jimin hyung. Kaya kita ko ang pagkasapol sa mukha nito. Natawa na lang ako.

"Yah V!" daing naman ni Jimin hyung. Agad naman niyang pinulot hung unan na binato ni V hyung sabay ganti at bato naman kay V hyung. Natamaan si V hyung sa may balikat sabay tingin kay Jimin hyung.

She's My Fangirl →j.jk [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon