Track 9

54 6 12
                                    

Krishna's POV.

Ssak da bultaewora~ Bow wow wow~

Kanina pa ko kumakanta ng fire sa utak ko habang nakatitig sa bintana ng room namin.

Buti na lang di ako nalate kanina. Dumating yung prof ng 5 mins pagkadating ko.

At eto pa mga bes ah. Yung nabangga ko don sa hallway kanina? Ka block ko pala! Nagulat nga ako nung nasa likod ko na pala. Pareho pala kami ng course. At nakipagpalit siya sa katabi ko para tabi kami. O diba? Hakhak. Happy.

Nilabas ko yung id ko. May nakasiksik kasing picture ni Jungkook don at titignan ko na lang yon. Usually ko kasing ginagawa yon. Lalo na pag kumukuda sa harap yung prof namin.

"Huh?" napalingon ako kay Zyril ng mapa-'huh?' siya. "Army?" hala. Wait. Buffering.. Loading... Loading failed. Please try again. Ehehehe.

Army siya? As in BTS fan? As in Adorable Representative MC for Youth? As in A-R-M-Y?

"Do you know nae pi ttam nunmul wonhae manhi manhi yap?" ano bes? Seokjin lang. Syempre alam ko yon. Alien naman dis girl. Pero cute.

"Uhh. Oo?" patanong kong sagot. Nagulat pa ako ng ilapit niya pa yung upuan niya sakin. Alien like.

"Sino bias mo?" tanong niya sakin.

"Ilong." sabi ko. Gets naman niya siguro yon. Kasi diba army din siya.

"Ah~ si Kookie~ Ako naman si yung alien si Taehyung. Ahihihi~" nag giggle pa siya. Parang may kinang ng banggitin niya ang Taehyung. Taehyung bias na naman? Ilan na ba ang nakilala kong Taehyung bias? "Pero di ko na siya tatawaging alien! Promise!" kakatawag niya lang alien diba? Diba? -___-

"Ah. Haha." medyo ilang pa ko pero okay naman siyang kasama. Ramdam ko ang pagka alien niya at ang pagka kalog niya.

Actually lahat naman ng kpop fans kalog at walang arte. Based on a true exprerience yon.

"Krishna right?" tanong niya sakin habang nagsusulat ng notes. "Alam mo gusto ko sila makita!" pasigaw niyang pabulong? Hehe.

Sino bang hindi? Hmmm. Ako kasi nakita ko na sila.

"Nakita ko na sila." nasa bahay ko pa nga eh! Napanguso siya. Na para bang naiinggit.

"Poorita kasi ako eh!" maktol niya. Medyo natawa ako pero hindi malakas dahil mapapagalitan akong prof. Terror yan. Parang fangirl na nagpakasal yung bias sa iba. Mwehehe. "Inggit me. Ahuhuhu!" maktol pa niya ng mahina.

Tinawanan ko na lang siya at nakinig na sa prof. Ganun din naman siya.

Nakatingin nga ako sa prof ko pero yung utak at tenga ko di present. Blah blah blah lang naman ang naririnig ko sa kanya. Andito nga ako physically pero mentally wala.

Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng mahihinang hilik. Nakita ko si Zyril na tulog na at may nakaharang lang libro sa harap niya. Jusko naman itong batang ito. Mahina ko siyang tinapik tapik para naman magising siya.

"Ms. Jung? May problema ba jan?" tanong ng prof ko sabay silip sa aming dalawa. Agad akong umiling para wala ng gulo. Kinuha ko ang ballpen ko para makumbinsi ang prof ko na wala talaga siyang makikita dito.

"Okay back to the topic..." kumuda na lang ulit siya sa harapan namin. Bumalik ako sa pagtapik sa babaeng toh. Maya maya'y sumuko na rin ako sa pagtapik sa kanya at tumingin na lang sa kawalan.

Naalala ko ang dalawang earphones sa bag ko. Yung isa headphones yung isa earphones. Bakit ba dalawa ko? Yung headphones ko nilalagay ko sa leeg ko pag nasa labas ako. Ginagaya ko si Kai dun sa music vid ng call me baby. Hanuba. At yung isa para sa klase lalo na at boring.

She's My Fangirl →j.jk [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon