Track 14

59 8 18
                                    

Krishna's POV.

Sabado ngayon at wala akong pasok. Naisipan kong bisitahin si Tasia unnie ngayon.

Oo. Hanggang ngayon di pa rin siya nagigising. Matapos nung huling pagbisita ko don na, kasama ko si Kook, ngayon lang ulit ako bibisita don.

Di kasi ako naka bisita noong mga nakaraang araw dahil sobrang busy sa school. Magsu summer na kaya medyo busy.

Si Zy naman okay lang dito sa bahay. Medyo nahihiya pa pero sabi ko maging feel at home lang.

Wala ngayon si Zy. Maagang unalis. Sisimulan na niya daw ang paghahanap ng trabaho.

Goodluck sa kanya. Sana makapasok siya. Para di na siya mahirapan sa pera.

Sinuot ko ang sapatos ko. Naka suot ako ngayon ng isang t-shirt at jeans na hindi ripped, na isang himala dahil di ako naka ripped jeans.

Kinuha ko ang shoulder bag ko, eww, sabay labas ng kwarto ko. Pagkalabas ko ay sinara ko ito. Di ako naglo lock ng kwarto ko. Pero kadalasan ayaw kong may pumapasok dito. Abnormal din naman kasi ako.

Nakaawang ang pinto ng kwarto ni Zy kaya sinara ko ito. Ayokong pumasok dahil nagbibigay ako ng privacy.

Bumaba na ako ng hagdanan. Pagkababa ay dumiretso muna ako ng kusina at uminom ng tubig. Kanina pa tuyot ng tuyot ang lalamunan ko no.

Lumabas ako ng kusina at chineck ang buong bahay. Lagot ako kay Eomma kapag nasunog ko to. Baka masipa ako papuntang jupiter niyan.

Lumabas ako ng bahay. Nanliit pa nga ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw eh.

Kinuha ko ang cellphone at earphones ko. Nagpatugtog lang ako. Di kalakasan ang volume dahil baka masasagasaan na ko di ko pa alam.

Nagpatugtog ako ng Butterfly. Di yung prologue mix ha? Magkaiba yon. Walang rap. Ahehe.

Jams ko kaya ang Butterfly. Hehe.

Actually lahat naman ata ng kanta ng bangtan jam ko eh. Pero ang pinaka favorite ko talaga Love is Not Over eh. Hoho.

Ang hindi jam ang Butterfly at Love is not Over walang jams!

Ang hindi jam ang Bangtan walang jams!

Joke. Ahehehe.

Si Rapmon lang ang may karapatang magdesisyon kung may jams ka o wala.

Kaya magtatanong pa ko sa kanya kung may jams ako o wala wag na. Baka mamaya wala eh. Huhu. Pero may jams talaga ko. Di naman ako katulad ni Jimin.

Naglakad ako palabas ng gate namin kasi mukha akong tanga dito na akala mo nafrozen. Hindi naman ako isda para ma froze no.

Lalakarin ko lang ang ospital dahil medyo sinisipag ako. Ng may jeep na biglang dumaan sa harap ko. Kaya sumakay na ko. Bigla akong tinamad. Sarreh.

Gaya ng dati pumwesto ako sa pinaka dulo para hindi ako makapagabot ng bayad. Ayoko sa lahat yon. Akala mo naman mga senpai.

Sumigaw ako ng isang malakas na 'bayad ho!'. Kaya naman may mga pasahero na kasabay ko na na-JungShook.

#JungShook

Buti naman may umabot ng bayad ko. Kung hindi nanampal na ko ng three dollars na chain dito.

Medyo mabilis ang andar ng jeep. Hindo pala, mabilis. Walang hinto hinto. Kapag may pumara lang. Halos paliparin na ng driver tong jeep na to.
Halos mahiga na nga sakin tong katabi kong lalaki pag pumepreno si manong.

Hoy koya. Kay Jungkook lang ako uy. Loyal pu aq.

Di ko naman masaway kasi magmumukha akong rude. Mamaya bigla na lang ako sipain nito pababa.

She's My Fangirl →j.jk [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon