Track 21

9 1 34
                                    

short chapter ahead.

on hold no more!

Krishna's POV.

"WALANG PURIBIR TANGINA!" sorry sa pambungad ha. Bwisit kasi si Tricia eh. Susungalngalin ko na ho siya isang isa na lang. Bakit nga ba siya nagmura at nagsabi ng walang forever? Simple lang, kinikilig lang naman ako dahil sa nangyayar ngayon. At sobrang bitter niya akala mo nakalunok siya ng sampung buong ampalaya.

Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi. Mabilisan kaming kumain na tatlo para makauwi na kaagad kami. Nakakatamad din naman na magstay sa labas ng bahay. Mainit na nga sa Pinas eh lalo pang nadadagan dahil andito ang bangtan. Dagdag init na naman sa bansang ito. Huwoo.

"May forever kaya." singit ni Zyril eonnie. Nagiging close na nga silang dalawa ni Tricia eh. Nagkakasundo na sila mga bagay bagay. Baka nga mas maging close pa sila ni Tricia eh. Well wala namang problema don, mas gusto ko pa nga yon eh.

"Saan ha? Aber?" sabi ni Tricia sa tonong nanghahamon. Ni hindi natinag si Zyril eonnie at mukhang nag iisip ng magandang come back. Nauna na akong maglakad sa kanilang dalawa dahil nasa gitna ako at baka madamay pa ako.

Nasa likod ko na sila kaya wala na akong pakielam sa kanilang dalawa. Kahit pa mag ingay sila at mabato ng washing machine ay mauuna pa rin akong maglakad sa kanila dahil ayoko ngang madamay. Tapos may kabagalan pa silang maglakad. Mainit na nga ang babagal pa maglakad ng mga kasama mo. Akala mo naman ay namamasyal sa Rizal Park at paikot ikot lang don. Hello, nasa kalsada ho tayo. Mamaya maaksidente kami eh, mawawalan ng asawa si Jungkook.

"Alam mo kanina ka pa gg ha!" sabi ni Zyril sa likuran. Nag aaway na ang dalawa. Lahat na lang ba ng ka close ni Tricia ay aawayin siya. Well baka baka ganon nga. "Kumanta ka na lang ng stigma!" sabi ni Zy. Nilingon ko sila at nakitang may space sa gitna nila. Nanahimik akong naglalakad ng may nakita akong nagkukumpulang tao doon. Na curious ako kaya lumapit ako. Narinig ko pa ang pagtawag ng dalawa sa akin pero tuloy pa rin ako sa paglapit.

Ng makalapit ako ay may nakita akong lalaki na may hawak ng kutsilyo. Di ako natakot o nagpanic. Nakakita na ko ng ganyan eh. Pero himdi in public. Sino namang makakaisip na maglaslas in public? Tapos eto namang mga taong to imbis na pigilan ay pinaguusapan lang siya.

How pathetic they are. Hindi si kuya ang pathetic dito kundi sila. May magpapakamatay na sa harapan ninyo tapos paguusapan niyo lang?

"Kuya." tawag ko sa kanya. May humawak sa braso ko pero iwinaksi ko ito. Nagtinginan lahat ng tao sa kin. Kasama si kuyang papakamatay na. "walang magagawa yan. Ano namang saysay ang pagpapakamatay mo? May magagawa ba yan sa problema mo?" mga linyang binato ko sa kanya.

"Ano bang alam mo sakin?" tanong niya pabalik. Imbis na umalis ako ay humakbang ako papalapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. Inilaglag niya ang kutsilyong hawak niya kaya ngumiti ako.

"Wala akong alam." pag amin ko. Ni hindi ko nga siya kilala eh. "Ang alam ko lang lahat tayo may pag asa. Hindi porket puro dilim na lang ang nakikita natin ay wala ng liwanag na dadating. Kaya kuya kung ako sayo hanapin mo na yung liwanag mo." sabi ko. Napansin ko ang babaeng nasa likod niya. Humahagulgol ito. "minsan nasa likod mo lang yung liwanag mo." tinuro ko ang babae at lumingon ito. Naiyak si kuya at yumakap sa babae.

"Nay sorry po!" sabi ni kuya habang humahagulgol. Napangiti ako kasi may nagawa na naman ako sa 'malapit ng mawalan ng pagasa' na mundo. "Pagbubutihan ko pa para di ako maging disgrace sa inyo." sabi nito. Ngumiti ang nanay ni kuya at ginulo ang buhok nito.

"Proud ako sayo kahit anong mangyari." sabi nito. Napangiti na lang ako sa nangyayari ngayon, hindi kanina nung magpapakategi pa siya. Nakakaloka yon jusko po. Di ko alam ang gagawin ko kapag nakakita ako ng nagpakamatay sa harap ko pakshet.

She's My Fangirl →j.jk [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon