THIRTY-NINE.
Third Person's Point Of View.
Umiling si Alexa dahan-dahan at isa-isa tinignan ang mga kagrupo na gulat na gulat din habang naka-titig sa kakambal ni Adam, "The Alpha is already dead." Malamig na sabi ni Alexa sa bata habang tinititigan ito.
"Tsk." Sabi ng bata at umiling at itinuro ang madilim na langit, "They'll resurrect the Alpha in no time." Untag nito bago tinitigan si Alexandra.
"You're Alexandra? I'm Madelline. Adam's twin sister." Pagpapakilala nito, ang kulay lilak na mga mata nito ay kitang-kita.
"How did you know her name?" Matigas na tanong ni Ken sa bata at tinititigan ng mabuti, medyo nagdududa pa din siya sa batang ito dahil baka ay pakana lamang ito ng mga kalaban nila.
"Adam is visiting me in my dreams, he said I should find Alexandra, Cody and Jenna and help them kill the Alpha again." Sagot ng bata at isa-isang tinignan ang mga tao ngunit ay huminto ito ng tumingin kay Cody at Jenna.
Lumingon ito kay Alexandra at bahagyang ngumiti, "Salamat po sa pagbabantay kay Adam, masaya na po siya ngayon." Sabi nito, pumikit saglit si Alexa at naramdaman ang nagbabagyang mga luha na tumakas sa kanyang mga mata.
Dumilat si Alexa at bahagyang ngumiti kay Madelline.
Dumilim ang pagilid. Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin at tinitigan ang langit na kulay itim na para bang magkakaroon ng isang malaking bagyo. Hindi. Hindi lang bagyo, parang katapusan na ng mundo sa sobrang dilim.
"Oh no, this isn't a good sign." Bulong ni Jenna na nasa likod ni Alexa. Naramdaman ni Alexa ang paghawak ni Ken sa kamay niya ng mahigpit.
Umiling si Madelline, ang kakambal ni Adam. "That isn't a typhoon." Sabi nito at tinaas ang hoodie para matakpan ang mukha. Kitang-kita ang mata nitong lilak ang kulay.
"Then what is it?" Tanong ni Hunter sa bata, kahit siya ay kinakabahan sa mga mangyayari.
Nakita ang galit sa mata ni Madelline noong binanggit ang salitang, "They succeeded. The Alpha have been resurrected."
"Run." Agarang bulong ni Alexa sa mga kasama at tumakbo nga sila papasok sa kagubatan, papalayo sa hide-out ng mga kalaban nila.
Walang nagsasalita sakanila. Wala din silang alam na plano kung sakaling may mangyaring hindi maganda. Ang grupo nila ay sanay sa mga planadong bagay, hindi nila inaasahan na ganito ang mangyayari. Ang gusto lang nila ay makuha ang mga magulang nila.
"Stop!" Sigaw ni Madelline nang may maramdaman siyang kakaiba.
Nasa may parte na sila ng kagubatan kung saan walang puno.
"Fuck." Bulong ni Alexa nang maramdaman niya ang libo-libong tao na nanggagaling sa iba't ibang direksyon.
"Pakihalikan na lang si Mama kapag namatay ako." Biglang sabi ni Jirve.
Kahit siya ay nakakaramdam ng takot sa mga mangyayari sakanila. Alam niya. Alam nila na ito na ang posibleng huli nilang pag-uusap. Alam nilang maaari silang mamatay. Alam nila, at dahil doon ay sobra silang natatakot.
Oo nga at may mga kapangyarihan sila. Ngunit ang mga kalaban ay may kapangyarihan din at mas madami ito kaysa sakanila.
Wala pang limang minuto ay halos libo-libong kalaban na ang nakapa-libot sakanila, sabay-sabay silang naging alerto noong nakita nilang naka-lutang sa ere ang Alpha na may mga malalaking ngisi sa kanyang labi.
"Pwede naman natin itong pag-usapan." Tumatawa-tawang sabi ng Alpha habang naka-lutang sa ere.
"Walang mamamatay sa kahit saang parte ng mundo. Kung ibibigay niyo saakin si Alexandra, Cody, Jenna at ang kakambal ni Adam." Sabi nito sa malalim na boses.
