Forty

134 3 1
                                    

FORTY. (Last chapter)

Nabalot ng nakakasilaw na liwanag ang lugar ngunit wala pa ding tumitigil sa pakikipaglaban at pakikipagpatayan sa isa't isa. Wala na silang pakialam sa paligid basta ba ay mabuhay sila pagkatapos ng gyera na ito.

Napahinto si Van at Thean nang makita si Ken na buhat-buhat si Alexa at tumatakbo. Walang malay si Alexa kaya ay napatakbo din ang dalawang magkapatid para tignan kung ano ang nangyari sa kanilang bunso.

"Joy! Create another force field!" Sigaw ni Azrael kay Joy na ngayon ay abala sa pag-patay sa mga makakasalubong niya dahil natakbo siya patungo sa direksyon nila Alexa/

Tumango naman si Joy at nilipad ang distansya kung nasaan si Ken at Alexa kasabay ni Azrael. Nang makalapit ay gumawa na ito ng malaking force field. Parang magkakadugtong na ang isip ng mga magkakagrupo dahil kaagad silang nagtakbuhan papasok sa loob ng force field na ginawa ni Joy.

Kitang-kita ang mukha ni Alexa na nababalot sa kulay lilak, kahit ang katawan nito na walang malay ay naging kulay lilak na.

"Azrael! Anong nangyari sa anak ko? Alexa!" Natatarantang sabi ng nanay ni Alexa at tinapik-tapik ang pisngi.

Hinawakan ni Azrael ang pulso ni Alexa, "May binigay sakanya si Madelline." Marahang sabi ni Azrael habang hinahawakan ang balat ni Alexa na kulay violet na.

"Ah!" Sigaw ng mga kalaban sa labas ng force field na pinipilit itong sirain. 

May lumabas na dugo sa ilong ni Joy, "Hindi ko na kaya!" Sigaw niya sa nasa loob ng force field.

May makikitang crack sa force field na patuloy sinisira ng mga kalaban sa labas. Ang iilan ay pinapatay nila Charlie at Henri na ngayon ay nasa labas na ng force field para pahintuin ang mga kalaban sa pagsira sa kanilang force field.

"Anong nangyayari?!" Naguguluhang tanong ni Charlie ng makita ang katawan ni Alexa sa lupa.

Nawala ang force field ni Joy at kaagad naman silang pinalibutan ng mga kalaban. Si Azrael ay iniikot ang mga ulo ng kalaban gamit ang kanyang kapangyarihan habang si Jirve at Henri ay patuloy sa paglipad at ginigilitan ang mga ito.

Niluwa ni Charlie, na nasa werewolf form niya ngayon, ang ulo ng isang Amazon at itinapon ito sa malayo. Si Lora naman ay abala sa pag-kalmot sa mga ito.

Nakita ni Cody na may nagtatangkang lumapit sa walang malay na katawan ni Alexa kaya kaagad niya itong pinutulan ng ulo. Pumalibot sila sa katawan ni Alexa na nasa lupa at nakipag-laban.

"Azrael! Si Alexa!" Sigaw ni Van noong nakita niyang nanginginig ang buong katawan ni Alexa. 

Kaagad gumawa si Joy ng force field. Pero kumpara sa mga nauna ay mahina ito at madaling masira.

Hinawakan ni Azrael ang balat ni Alexa ngunit agad din siyang bumitaw dahil siya ay napaso sa balat nito. Sinubukan din nila Ken ngunit lahat sila ay walang magawa. Patuloy pa din sa panginginig ang katawan ni Alexa.

"No! My daughter!" Umiiyak na sabi ng mga magulang ni Alexa.

"Tulong!" Sigaw ni Joy, madaming dugo na ang nalabas sa ilong niya na nagpapakita na sobrang nanghihina na siya. 

Kaagad sumaklolo si Henri at dinagdagan ng energy ang force field ni Joy. Kaagad bumitaw si Joy at pinunasan ang ilong na nagdudugo at bumagsak sa lupa ngunit ay ayos pa naman siya. Sadyang napagod lamang.

Lahat sila ay nasa loob na ng force field na pilit pa ding sinisira ng mga kalaban.

Maya-maya ay huminto sa panginginig ang katawan ni Alexa. Nagtinginan silang lahat, kaagad hinawakan ni Azrael ang pulso ni Alexa at tumingin sa mga kasama bago umiling.

AlexandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon