Synopsis

77 5 7
                                    




Disclaimer:


Scenes, events, places, names and companies mentioned in this story has no connection in real life events. This is purely fiction.


Blaire Purple Cadiz, babaeng hindi naman mahilig sa purple pero ipinangalan sa kulay niyon dahil lamang sa iyon ang paboritong kulay ng ina noong pinagbubuntis pa lamang siya. Masyadong mapili sa lalaki at halos lahat ay binabasted. Palibhasa daw ay siya ang lagi nang hinihirang na Muse sa klase nila mula Kinder hanggang College. Gandang-ganda sa sarili (GGSS) at walang ibang inisip kundi ang bawat lalaking nakakasalamuha niya ay pawang nagkakagusto sa kanya. Hindi rin naman siya masisisi dahil iyon naman talaga ang madalas na mangyari lalo na kapag University Day na nila kung saan, labas na labas ang angking kagandahan 'kuno' niya. Lahat ng sikat na Varsity players ay sumubok nang manligaw sa kanya. Lahat, hindi pumasa.

Sa kasamaang-palad ay hindi lahat ng lalaki ay maaakit sa alindog niya. Dahil sa pagkakataong ito, dalawang lalaki ang magpaparamdam sa kanya na hindi siya mahalaga. Na hindi siya maganda. Na hindi siya kaaya-aya at higit sa lahat, hindi siya kaakit-akit. Dalawang lalaki ang magpapagulo sa mundo niyang dati ay buong tiwala niyang napanghahawakan. Dalawang lalaking kapwa niya makakadaupang palad at buong akala niya ay mabibihag din niya sa kanyang kagandahan.

Magkaiba. Isa ay matipuno, matikas, maangas. Isa naman ay matalino, suplado, gwapo at seryoso.

Isa sa kanila ang iibigin siya at bibiguin niya. Isa naman ang iibigin niya at siya ang mabibigo.

Babaliktad naman ang mundo at siya naman ang hahabol sa kanyang binigo. At ang kanyang binigo ang siyang maghahabol sa kanya. Hangang sa lahat sila ay mapagod at kusang hihinto.

"Kung talagang ukol, hindi kailangang ipukol. Basta na lamang itong bubukol." - ani Blaire.

"Karma." Madalas na marinig niya mula sa mga taong nasa paligid niya at nakakaalam kung gaano siya naging palalo at naging mapang-mata sa mga manliligaw niya. Iyon din ang madalas na naiisip niya lalo na at hindi niya makamit ang mga bagay na inaasam-asam niya. Mga bagay na alam niyang mapapasakanya lamang kapag siya'y umibig at inibig na rin ng pabalik. Dahil ang pagmamahal ika nga ay hindi one way lang. Dapat ay two way. At hindi dapat pinipilit kundi kusa lang na makakamit.

And just when all the things she thought just came to end, love will find a way to make things change, to make them better. Yaong tipong hindi niya hinangad, hindi niya inakala at hindi niya hinintay. Kung kailan handa na sana niyang pakawalan ang natitirang pag-asang kanyang pinanghahawakan. Kung kailan handa na siyang mag-move on at harapin ang bagong kabanata ng kanyang buhay.



Dahil Iba









Dahil Series #1


Dahil Iba











Note: Sana ay masubaybayan niyo ang kwentong kabaliwan ko na sadyang naka-parallel lang ulit sa title stories ni billysmile13 also thank you ulit sa covers! (Siya po talaga ang best artist ko kaya lahat halos ng book covers ko, gawa niya!)


Basahin niyo rin po ang Bakit Series ng baliw kong bestest-bestfriend. Wahahahaha salamat!

Dahil Iba: Dahil #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon