Mabining patak ng ulan ang kaniyang narinig na siyang gumising sa kaniyang kamalayan. Pupungas-pungas pa na humikab siya upang sa kalagitnaan niyon ay mapatigil siyang bigla.
Hindi pala patak ng ulan ang kanyang narinig kundi patak ng tubig mula sa kanyang baunan ng tubig na ngayon ay natumba na at sa wari ay nabuhos nang lahat sa sahig ng AVR. Wala pala siya sa sariling kama sa kanyang silid kundi nasa loob ng klase!
"Nagising na siya." Dinig niyang bulungan ng mga estudyanteng nasa malapit sa kanyang upuan. Napalingon-lingon siya at napakunot-noo. Hindi niya kilala ang mga ito. At alam niya, ang klase ng titig na ibinabato ng mga ito sa kanya ay naghahatid ng kaparehong tanong sa isip niya: "Sino siya?"
Agad siyang lumingon sa bandang kanan upang salubungin lamang ang nakasimangot na binatang nakasuot ng salamin. Hindi na ito patpatin kagaya ng una niya itong makita may dalawang taon na ang nakalilipas. Bagkos ay bakat sa suot nitong uniporme ang maskulado nitong mga balikat at sa hinuha niya ay mayroon din itong anim na pares ng abs. Napalunok siya sa naisip at natigil lamang ang pagllulumikot ng kanyang isipan nang dumako ang paningin niya sa mapanuri rin nitong mga tingin at sa mga labi nitong bahagyang nakangiwi na sa wari niya ay hindi man lamang nasisiyahan sa kanyang nakikita.
"Sino ka?" Muli ay narinig niyang tanong ngunit sa pagkakataong iyon ay mula sa kanyang harapan. Napabaling doon ang kanyang atensiyon upang salubungin ang mga titig ng babaeng propesora base na rin sa suot nitong damit at sa uri ng tindig. Napahumindig siya. Hiyang-hiyang napatayo siya habang nakayuko at pasimpleng binuhat ang bag at isinukbit sa kanyang balikat bago mahinang sumagot.
"Sorry po, hindi po ito ang klase ko. Excuse me po." Saka siya nagmamadaling umiwas sa guro at lakad-takbo niyang tinungo ang pinto upang makalabas. Ngunit sa kung anong kamalasan ay nakasarado iyon at tila naman tuksong may mga kamay na biglang humila sa kanya palayo ng pinto habang ang babaeng propesora naman ay napapailing-iling na sinusian pabukas ang pinto ng AVR. Oo nga naman. Madalas kapag nasa loob ng AVR ay nagla-lock ng pinto ang mga propesor upang maiwasan ang paglabas-masok ng mga estudyante na maaaring makasagabal sa matiwasay na pagtuturo ng mga ito.
"Next time, huwag kang tatanga-tanga at huwag kang matutulog sa loob ng klase." Mahina ngunit sapat upang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon na paangil at pabulong na sinabi sa kanya. Nahihiya siya sa mga nasa paligid niya at naiinis din siya sa lalaking ito na mas lalo pa yatang humigpit ang pagkakahawak sa braso niya. Mas okey na sana ang lahat kung nagpanggap na lamang itong hindi siya kilala at kung hinayaan na lamang siyang makalabas sa silid na iyon ng hindi na ito lumapit pa sa kanya. Teka, hindi naman talaga sila magkakilala nito, ah!
Well, they're sort of. Pero sa iilang pagkakataong nag-krus ang landas nila ay hindi niya pa nalalaman ang pangalan nito at tiyak na ganun din naman ito sa kanya. Kaya ano ba ang karapatan nito na hawakan siya sa braso at kausapin na para bang kilalang-kilala na siya nito?
Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak nito sa kanyang braso. Just as he let go of her arm, they heard someone shouted from the upper back part of AVR. Elevated style kasi ang AVR nila, Ang professor ay nasa gitna, napapaikutan ng mga hagdanan na may mga desks. Maihahalintulad ito sa istruktura ng Araneta Coliseum, ang kaibahan nga lang, sa bawat baitang ay may limang rows ng desks at sa bawat desks ay may iisang estuyante. Hindi ito ganun kalawak sa Araneto Coliseum, mas maliit ito ng sampung beses. Sing laki at lawak lamang ito ng isang maliit na gym. Pero dahil nasa ibaba ang pinto at dahil ang pinanggalingan ng boses ay sa itaas kung saan siya kanina nanggaling, kitang-kita mula sa kinatatayuan nila ang estudyanteng nagsisigaw.
"Syems! Ma'am, may ihi! May umihi mula sa likod, umaagos hangang dito!" Saktong nabuksan na ng propesora ang pinto. May kutob siyang ang tinutuloy ng estudyanteng iyon ay ang tubig na galing sa baunan niyang nabuhos kanina. Hindi na niya narinig pa ang mga komento ng mga ito nang tuluyan na siyang makalabas ng AVR.
BINABASA MO ANG
Dahil Iba: Dahil #1
Fiksi UmumBlaire Purple Cadiz, babaeng hindi naman mahilig sa purple pero ipinangalan sa kulay niyon dahil lamang sa iyon ang paboritong kulay ng ina noong pinagbubuntis pa lamang siya. Masyadong mapili sa lalaki at halos lahat ay binabasted. Palibhasa daw ay...