Hindi na iba sa kanya si Gener. Itinuturing niya itong nakatatandang kapatid. Kaya naman nang biglang magsabi ito na gusto siya nitong ligawan ay gulat na gulat niya itong sinagot ng isa ring tanong.
"Gener, nahihibang ka na ba? Bakit mo ako liligawan?" mangani-ngani niya itong batukan kung hindi nga lang ito isang talampakan ang tangkad sa kanya. She stands only 5'2" while the man stands 6'2". At oo, isa itong basketball varsity player ng kanilang unibersidad. Sikat sa buong campus at tinitiian ng lahat ng kababaihang hindi lamang sa unibersidad nila kundi maging ng mga nakatunggali na nilang unibersidad sa larangan ng napiling sports. Kaya naman napakunot-noo ang lalaki kasabay ng panlulumong napayuko na lamang ito.
"Dahil ikaw ang gusto ko, Blaire. Bakit kasi hindi mo ako subukang mahalin muna bago mo ako ayawan?" Alam niya, hindi uubra sa kababata niya ang paawa effect. Saksi siya sa mga makabagbag damdaming tagpo matapos mabasted ang mga kaibigan niyang kapwa basketbolista. Akala niya, lamang siya sa kanila dahil nasubaybayan niya ang paglaki ng dalaga. Magkapitbahay sila. Tropa niya ang mga kapatid nitong lalaki at kalaro na rin mula noong bata pa sila. Pero ano itong naririnig niya? Bakit pati siya, inaayawan nito?
"I'm sorry, Gener. I just can't." Matapos niyang sabihin iyon ay bigla itong tumayo mula sa kinauupuang sofa sa sala nila. Akala niya ay tutunguhin na nito ang pinto upang lisanin ang bahay nila ngunit nagkamali siya. Bigla na lamang itong lumuhod sa harap niya. Napapahiyang napalingon si Blaire sa gawi ng kusina kung saan, alam niyang nakasilip hindi lamang ang mga kapatid niya kundi maging ang mga magulang nila. Hindi siya mapakali. Dati-rati, isa si Gener sa mga ito na nakikisilip sa bukana ng kusina habang kaharap niya ang mga lalaking sumubok na ring manligaw sa kanya upang kanya lamang biguin. Nakakapanlumo din dahil isa na ito ngayon sa napakarami na rin niyang binasted.
"Blaire, kahit one week lang, trial and error lang. Okey lang sa'kin kahit pagkatapos niyon ay hindi pa rin ako papasa sa'yo. Pero bago mo ako ayawan, bigyan mo naman muna ako ng chance na makapanligaw man lang." Ramdam niya sa bawat salita nito ang senseridad. Ngunit hindi niya talaga ugali ang magpaasa. Alam niya kasi, hinding-hindi mangyayari na magugustuhan niya ito. So bakit niya pa patatagalin? Magkakaroon lamang ito ng pag-asa kung sasang-ayunan niya ito sa kagustuhan nitong ligawan siya ng isang linggo. At lalo lang siyang magmumukhang salbahe.
"Tumayo ka na, Gener. Wala kang mapapala sa pagluhod mo sa harap ko." Malamig niyang wika rito. Napatigagal na lamang siya ng sa pagtaas nito ng tingin mula sa pagkakayuko ay bigla itong napabunghalit ng tawa. Akala pa man din niya ay umiiyak na ito o di kaya ay nalulungkot dahil sa pambabasted niya.
"Ano'ng nakakatawa?" Kunot-noong tanong niya rito. Inis ang siyang biglang umusbong mula sa kanyang dibdib ng mapansin niyang siya mismo ang pinagtatawanan nito. Hindi lang iyon, naririnig na rin niya ang tawa ng buong pamilya niya mula sa kusina. Ano't napagkaisahan pa yata siya ng mga ito? Ginawa siyang katatawanan?!
"Ano sabi ang nakakatawa?!" Pikon nang tanong niya. Hindi pa rin kasi tumitigil sa tawa ang binata habang parang tangang nakaluhod pa rin sa harapan niya.
"Perfect! Tumayo ka na diyan, Gen! Okey na okey ang kuha, best actor ka talaga!" Tila naman direktor sa pelikulang lumabas mula sa likod ng inuupuan niyang sofa ang panganay nilang kapatid na si Blue Jensen. Ngayon lamang niya napansin ang mga kamerang nakapaligid sa kanila. Palibhasa ay kagigising lang din niya kanina ng tawagin siya ng ate Jenny Green niya. Ugali na niya kasi ang mag-siyesta tuwing sabado ng hapon. Pambawi sa limang araw niyang maagang paggising upang pumasok sa eskwelahan. Litong napatitig siya sa kapatid maging sa kaharap niyang binatang alam niyang kani-kanina lang ay bigo ang mukha ngunit ngayon ay tila nanalo sa lotto sa tuwa.
"We're taping a rejection scene, sis. At ikaw agad ang naisip namin ni Gen since alam naman namin na expert ka sa ganyan." May nakakalokong ngiting wika nito. Oo nga naman, BA Film nga kasi ang kurso ng mga ito at balang araw daw ay sila na mismo ang gagawa ng pelikulang titilian ng sambayanang Pilipino. Salubong na ang mga kilay na tumayo siya. Walang sabi-sabing sinampal niya ang tumatawa paring si Gener na ngayon ay naka-upo nang muli sa sofang kaharap niya. Gulat na natigil naman sa katatawa ang binata. Namumula ang pisngi at nanlilisik sa galit ang mga matang tumitig sa kanya. Napaatras naman ang nasindak na dalaga. Never pa niyang nakitang galit ang kababata. Oo, hindi sila close. Katunayan, isa ito sa mga kinaaasaran niya mula pa noon magpahanggang ngayon. Mapang-asar kasi ito at lagi na'y sinasabi nitong dibdib lamang niya ang habol ng mga lalaking nanliligaw sa kanya, hindi ang mismong siya. Ito rin ang dahilan kung bakit sobrang naging pihikan siya. Mantakin mo nga namang sabihin nitong katawan lamang niya ang habol ng mga lalaki?!
"Hala, bakit mo sinampal si Gen?" Hintakot na tanong naman ni Beejay (Blue Jensen). Alam niya, nasadlak siya sa isang mapanganib na sitwasyon ngayong galit na nakatitig sa kanya ang binatang kaharap. Kilala itong siga sa kanilang baryo at kinatatakutan hindi lamang ng mga tambay sa kanilang pook kundi maging sa kanilang University. Kilala itong sanggano.
"So-sorry." Hindi niya alam kung bakit siya nautal. Ang alam niya, kanina ay siya ang galit dahil napagkatuwaan siya ng sarili niyang kapatid at ng lintek na si Gener short for Generoso Tiu. Hindi niya nga maintindihan kung bakit ito pinangalanan ng mabahong pangalan samantalang mabango naman ito parati. Nanlaki ang mga mata niya ng maisip iyon. Bakit niya naisip na mabango ang binata? Ni hindi naman sila nagpanglapit nito.
"Omg sissy, you're dead!" Pabaklang napakumpas pa sa ere si Beejay sabay takip ng bibig na lalong nagpabilis ng pintig ng pulso ni Blaire. Mukha nga kasing bibigwasan siya ni Gener any moment.
"No, I won't accept your apologies. Instead, be my leading-lady on this film up to finish!". Mahina ngunit madiing saad ng binata. Narinig niya ang sinabi nito. At alam niya ang gusto nitong gawin niya. Pero hindi man lang nag-sink in sa isip niya ang lahat. Not until he was gone by the door and her brother just handed her the script as if it's really for her all along. Can she even play the role well? Litong napaupo siyang muli. Ngayon niya lang din napansin, biglang nawala na rin sa paningin niya ang mga kamera sa paligid niya sa sala. Maging ang mga magulang niya at mga kapatid na kani-kanina lang ay nag-uumpukan sa may bukana ng kusina ay wala na. Kung paanong hindi niya napansin ay hindi niya alam. At kung gaano katagal siyang tila tangang nakatulala habang hawak ang script ay hindi na rin niya nabilang. She just literally spaced out. Like she lost her thoughts somewhere.
Hindi siya dapat patitinag. Kung sanggano si Generoso Tiu, siya naman ang Busted Queen! Sanay siyang mang-reject. Sanay siyang tumanggi. Bakit hindi siya nakatanggi? Siya ang kontabida sa istoryang ito. Ano't bigla na lamang siyang naging tanga at biktima?!
Note: Sino kaya itong si Gener? Siya kaya ang naiiba? Abangan!
![](https://img.wattpad.com/cover/78582395-288-k683917.jpg)
BINABASA MO ANG
Dahil Iba: Dahil #1
General FictionBlaire Purple Cadiz, babaeng hindi naman mahilig sa purple pero ipinangalan sa kulay niyon dahil lamang sa iyon ang paboritong kulay ng ina noong pinagbubuntis pa lamang siya. Masyadong mapili sa lalaki at halos lahat ay binabasted. Palibhasa daw ay...