Matagal-tagal na siyang hindi nakaranas ng kamalasan kaya naman nakalimutan niyang kakambal niya pala paminsan-minsan ang malas. Ngayon pa talaga siya napilayan kung kailan malapit na ang exams. Malayo pa naman ang building ng bawat subjects niya na ngayon ay pinagsisihan niyang kunin. Bakit nga naman kasi niya napiling kunin ang mga subject niya sa magkakaibang department gayong pwede namang makisabay na lang siya sa mga ka-blockmates niya sana? Siya rin tuloy ang nahihirapan ngayon.
Paika-ika siyang naglakad patungo sa building kung saan naroon ang ang next subject niya sa oras na iyon. Pinagpapawisan na siya habang naglalakad kaya naman hindi niya na rin gaanong nakikita ang daan.
"Oops!" Malakas na wika ng taong nakabungguan niya. Nanlalabo na ang mga mata niya kaya siguro hindi niya nakita ang taong iyon.
"Gener?!" Gulat na bigkas niya sa pangalan nito nang mapagtantong ito lamang pala ang kanyang nakabunggo.
"Wow, Gen nga kasi! As in Jin! Bakit ba pinamumukha mo talaga sa'king mabaho ang pangalan ko, ha?" Inis na pagtatama naman nito sa pangalang binigkas niya. Natatawa siya sa kababata. Magpahanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin nito natatanggap ang katotohanang pangit ang pangalan nito?
"Sinadya mo akong bungguin ano?" Sa halip na makipag-argumento ay sumbat niya rito. Duda siyang panibagong scheme na naman ito para lang mapa-oo siya sa proposal kuno nito.
"Bakit naman kita bubungguin, aber? Saka nakahanap na ako ng leading-lady. Mas maganda, mas kaakit-akit, at lalong mas sexy sa'yo. Di tulad mo, hipon. Tapon-ulo. Iyon, lahat nasa kanya na." Mayabang na saad nito na nagpainit naman ng ulo niya. Ano raw siya? Hipon?! Tapon-ulo?!
"Bastos ka, ah!" Hindi na niya napigilang sapakin ito. Iyon nga lang, epic fail pa. Sa balikat lang tumama ang braso niya. Plus, natapilok na naman siya. Nakalimutan niya yatang may pilay siya at naiapak ng madiin ang injured foot niya para sana makabwelo ng pwersa. Napapangiwing inalalayan niya ang sariling maka-upo. Hindi na niya inisip kung nasaan siya nang mga sandaling iyon. Ang mahalaga ay maiinat niya muna ang may pilay niyang paa.
"Hey, are you okay?" Biglang sulpot naman mula sa kawalan ni Herlie. Ang lalaking sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang sumusulpot sa paligid niya sa tuwing minamalas siya.
"I think she's fine." Sagot naman ng ever-supladong si Gener na agad umalalay kay Blaire patayo. Nagtaka pa sana ang dalaga kung bakit biglang naging gentleman ang loko pero naisip niyang mas maigi ngang ito na lang ang umalalay sa kanya kesa sa Wirdong-Nerd na si Herlie. Hindi niya pa rin alam kung bakit inis na inis siya sa lalaki gayong mukha naman itong mabait at katunayan ay may ilang beses na rin siya nitong natulungan. Iyon nga lang, sa tuwing tutulungan din naman siya nito ay kasalukuyan siyang nasasadlak sa kahihiyan.
"Yeah, I'm fine." Pilit niyang pinigil ang ngiwi at pilit na inayos ang pagkakatayo sa gilid ni Gener. Dama niya ang kakaibang titig ng binata na tila ba hindi kumbinsido. Pero nang sa wakas ay pumihit na ito at naglakad palayo ay pahiklas niyang binawi ang kamay na nakahawak sa braso ni Gener. Inis siya rito. Lalo na't naalala niya ang dahilan ng muli sana niyang pagkapilay. Ang pagtawag nito sa kanya ng Hipon!
"Bwisit ka! Sino'ng may sabi sa'yo na hipon ako? At tapon-ulo, ha?!" Hindi na naman niya napigilan ang sariling sampalin ito. At this time, sapol na ito at mukhang nasaktan nga niya ang Kapre. Medyo namula ang ilong nito.
"Ang sakit nun ah! Pero hindi ko pa rin babawiin ang sinabi ko. Isa kang hipon. Tapon-ulo. Paano, boobs mo lang naman ang maganda sa'yo. The rest? It's just average. Kaya hindi na rin masama na tinanggihan mo ang role. At least, nakahanap naman ako ng mas bagay sa role na iyon." Taas-noo pa nitong sagot bago siya nito tinalikuran. At ang matindi, hindi man lang nito naalalang injured siya! Nabubugnot tuloy na tinawagan niya si Danielle. Baka nasa paligid lang ang bestfriend niya. Kailangan niya ang tulong nito.
"Hello bes?" Agad niyang narinig ang tinig nito mula sa kabilang linya. Napakunot-noo siya. Bakit mukhang hinihingal yata ito? Ano naman ang ikinahingal ng babaeng iyon? Ang alam niya, allergy ito sa exercise. Lagi nitong sinasabi na Beauty Queen ito at hindi athelete kaya hindi kailanman tumakbo.
"Teka bes, nasaan ka? Bakit ka hinihingal? May humahabol ba sa'yo?" Tanong niya rito. Baka nga naman nasa emergency rin ito ngayon.
"Hahahah bes talaga, nagpapatawa ka ba? Andito lang ako sa gym ngayon, nagpapa-sexy lalo." Kahit hindi sila magkaharap ay nai-imagine niya ang pilyang ngiti nito na nagpangiwi naman sa kanya. At kailan pa nahilig si Danielle sa gym? Hindi ba at ayaw nitong pinagpapawisan?
"Bes, malapit lang ba yan?" Hindi na niya inisip muna ang dahilan kung bakit biglang nag-gym ito. Ang mas importante ay matulungan siya nitong makarating sa AVR kung saan kailangan niyang umabot man lang kahit late na siya. Kailangan niyang makakuha ng pointers sa nalalapit nilang exams.
"Ay bes, sorry, malayo eh. Nandito ako sa may Makati. Dito kasi ako nagpa-member eh." Hindi na niya tinapos ang salita ng bestfriend niya. Agad na niyang ibinaba ang tawag at saka idinayal ang numero ng kuya niyang si Beejay.
"Kuya.." Agad na bungad niya nang sagutin nito ang tawag.
"Yes, sissy?" Cool na sagot nito sa kanya. Napahinga naman siya ng maluwag. Sa wakas, may tutulong na rin sa kanya.
"Kuya, I need help. Na-stuck ako sa hallway papuntang AVR. Medyo hindi ko kasi kayang maglakad mag-isa. Need kong makarating ng AVR within 5 minutes. Pwede mo ba akong tulungan?" Agad-agad na sabi niya. Hindi na siya nito sinagot. Sa halip ay ibinaba na nito ang tawag niya. Naglakad-lakad na rin siya pagilid para naman hindi siya makasagabal sa mga dumaraan. Masakit pa rin ang paa niya at sa pakiwari niya ay nadagdagan ang pilay roon. Maya-maya lang ay humahangos nang dumating ang kuya niya.
"Blaire! Bakit ba kasi pinilit mo pang pumasok? Eh 'di ba, may excuse letter naman nang ginawa si Mama para sa'yo?" Kunot-noong tanong nito habang palapit. Hindi na siya umangal nang bigla itong umupo sa harap niya at iminuwestra ang likod nito. Agad na siyang sumampa roon upang madala siya nito sa AVR.
"Eh kasi nga malapit na ang exams, Kuya. Kailangan kong makuha ang pointers." Sagot niya rito. Hindi na lamang ito sumagot. Sa halip ay mabilis na lamang nitong tinahak ang daan patungong AVR.
"Kuya, totoo ba'ng nakahanap na kayo ng leading-lady sa Film niyo?" Curious na tanong niya rito. Gusto niyang malaman kung sino ang babaeng nahanap ng mga ito na kapalit niya sa role. Maganda nga ba ito'ng tunay? O baka naman sabi-sabi lang iyon ni Gener para mainis siya?
"Yeah, sa awa ng Diyos, nakahanap na kami ng gaganap sa role." Cool na sagot ni Beejay na nagpaawang ng mga labi niya. Kung ganoon, hindi nga nagbibiro si Gener? Eh sino naman ang babaeng iyon?!
"Kuya, sino naman ang babaeng nakuha niyo?" Hindi na niya natakpan pa ang kuryusidad. Talaga naman kasing puzzled siya.
"Si Danielle, ang bestfriend mo. Mabuti na lang at naisipan naming magpa-audition na lang. At si Danielle ang napili naming lahat. Siya lang din naman ang namumukod-tangi sa lahat ng nag-audition eh." Nawindang siya sa isinagot ng kuya niya. Totoo ba ang narinig niya?! Si Danielle ang gaganap?! Ano'ng nangyayari sa mundo? Bakit hindi siya na-inform?!
![](https://img.wattpad.com/cover/78582395-288-k683917.jpg)
BINABASA MO ANG
Dahil Iba: Dahil #1
General FictionBlaire Purple Cadiz, babaeng hindi naman mahilig sa purple pero ipinangalan sa kulay niyon dahil lamang sa iyon ang paboritong kulay ng ina noong pinagbubuntis pa lamang siya. Masyadong mapili sa lalaki at halos lahat ay binabasted. Palibhasa daw ay...