Iba 6

8 1 0
                                    

Napapapitlag siya sa tuwing nakakarinig ng mga yabag. Kailangan niyang makahanap ng paraan upang mai-charge na ang celphone niya at matawagan na ang mga magulang. Tiyak na nag-aalala na ang mga ito. Kung hindi lamang siya takot sa dugo ay hinugot na lamang sana niya ang swerong nakakabit sa kanyang pulso at nang makapunta na lang sa information desk ng clinic na iyon. Hindi naman niya alam kung paano siya maririnig ng mga nasa labas ng kwartong iyon dahil saradong-sarado din iyon. Tinignan niyang muli ang paligid. May kalakihan ang kwartong kinaroroonan. Pang dalawahang pasyente iyon base na rin s nakikitang bakanteng kama sa may malapit sa pinto. Hindi pa rin niya lubos maisip na clinic lamang ang kinaroroonan niya gayong kung siya ang tatanungin, ospital na ang katumbas niyon sa kanya.

May sampung minuto rin siyang nakaupo lang sa dulo ng kama niya nang sa huli'y tinalo na ng antok ang diwa niya. Nang muli siyang magmulat ng mga mata ay sinalubong siyang muli ng nakakasilaw na liwanag. At iglap lang din ay nahalinhinan iyon ng mga nag-aalalang mukha ng mga magulang niya. Kung sino ang nakapagpaabiso sa mga ito patungkol sa kinaroroonan niya ay hindi niya alam. Ang alam lang niya ay umiiyak ang Mama niya habang tanong ng tanong kung ok lang ba siya. What shall she say? Kahit gusto man niyang sabihin na ok lang siya ay lalo lang niya nadama ang pananakit ng magkailang sentido kasabay ng matinding pagkahilo gayong nakahiga pa rin naman siya.


"Anak, may masakit ba sa iyo?" Muli niyang naulinigang tanong ng kanyang ina nang hindi na niya napigilang mapapikit. Hindi na niya nasagot pa ang tanong nito dahil muli na naman siyang hinila ng antok.


"Salamat sa tulong mo, Hijo. Kung hindi dahil sa'yo ay hindi namin malalaman na nandito pala ang anak namin." Dinig niyang wika ng Papa niya. Hindi niya maidilat ang mga mata lalo na at dama pa rin niya ang pagbigat g mga talukap niya. Naiinis siya dahil gustong gusto niya nang malaman kung sino ba talaga ang kausap ng mga ito. Gusto niyang makilala ang taong nakapagbigay alam sa mga magulang niya kung nasaan siya. At gusto niya ring malaman kung sino ang siyang nagdala sa kanya rito. Lalo na at hindi pa rin malinaw sa kanya iyon.


Hindi man lang niya narinig ag naging tugon ng kausap ng Papa niya. Mas lalo tuloy siyang na-curios. Sino nga kaya ito? Bakit ba lagi na lang natataon na sobrang antok o hilo siya kapag nandito ito?


Muli na naman niyang nadama ang tila paghila sa kamalayan niya sa dako pa roon. At hindi na niya nagawa pang labanan ang pagdala sa kanya sa mas maidlip na pagtulog.


Nang magising siya ay tila naging isang panaginip na lamang ang lahat dahil nasa sariling silid na niya siya sa loob ng kanilang bahay. Hindi tuloy niya matukoy kung alin ang totoo sa mga nangyari nang araw na iyon. Ang alam niya, naligaw siya, nabasa ng ulan at nagkasakit. Tuloy lang ang naging buhay niya pagkatapos. Medyo nagtaka pa siya dahil hindi na siya gaanong kinukulit ng kababata. Nakaramdam tuloy siya ng ginhawa at kalayaan..? Hmmn yes. Medyo hindi naman mahigpit ang mga magulang niya pero mismo ang sarili niya ang siyang ayaw kumawala sa comfort zone niya kung kaya naman kapag nasa labas na siya ng imaginary box niya ay nalilito at natatakot siya. Tulad na lamang nang araw na iyon... Ahhh bakit ba lagi na lang niyang naiisip iyon? Maigi nang hindi na lamang siya mag-isip ng kung ano dahil bumabalik at bumabalik siya sa alaala nang araw na iyon kung saan nakaramdam siya ng sobrang pagkapahiya, pagiging mahina at sobrang helpless. Naiiling na itinuon na lamang niyang muli ang pansin sa thesis na ginagawa. Medyo inaantok pa siya dahil hindi na naman siya nakatulog ng maayos kagabi. Napatayo siya at saka tinungo ang water dispenser na nasa loob ng Library nila. Minsan nakakatuwa rin ang mag-aral sa Library. May libre nang internet, may libre pang hot and cold water mula sa diespenser. May baon naman siyang 3 in 1 instant coffee at travel mug kaya tamang-tama lang na may mainit na tubig. She smelled the aroma of the coffee inside her mug before she slowly sipped. Napasinghap siya sa ginhawang naidulot nito sa kanyang sistema.



Pabalik na siya sa kinauupuan nang mapansin niya ang lalaking iyon... Ang ilong nito na mas lalo yatang tumangos nang malapatan ng salamin ang mga mata. Napakunot-noo siya. Hindi niya akalaing maa-appreciate niya ang hitsura nito gayong alam niya sa sarili na namumuhi siya sa simpleng existence nito sa mundo. Bakit ba masyado itong pinagpala? Matalino na nga, gwapo pa. Ooops! Bakit niya naisip na gwapo ito? Naisip tuloy niyang baka inaantok pa siya kaya niya naisip na gwapo ito. Napapasimangot na bumalik siya sa kinauupuan at masaya na sanang muli kung hindi siya napatid sa hamba ng mesang kaharap ng nakasalaming binata. Ahh! Bakit ba hindi na lang siya tantanan ng kamalasan sa tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng lalaking ito?



"Hey! Are you alright?" nag-aalalang dinaluhan siya nito. Napangiwi siya. Mukha ba siyang ayos? Pilit siyang tumayo at nagpasalamat sa janitor na agad lumapit para linisin ang nagawa niyang kalat. Ang problema, paano niya lilinisin ang sarili now that she herself is a mess? Nais na sanang tumulo ang luha niya nang mapagtantong hawak hawak siya ng lalaking nakasalamin sa braso. What the... Hindi na siya nag-isip muna bago niya hiniklas ang brasong hawak nito at humakbang na sana palayo nang marealize na naman ang pagkakamali. Sumigid agad ang sakit sa buong kalamnan ng binti niya paakyat sa hita niya. Lumapit na rin sa kanila ang Librarian para tanungin kung napano siya at kung kailangan niya ba ng tulong. Maagap siyang umiling. Huli na ulit bago niya naisip na baka nga naman na-sprain siya. Hindi kasi maganda ang naging bagsak niya sa semento kanina. Plus natapunan pa siya ng mainit na kape sa may dibdib. Nakapagtataka lang na hindi niya gaanong maramdaman ang init mula roon. Mas naramdaman pa yata niya ang pagkapaso mula sa mga titig ng maamong mata na tinatakpan ng mga salamin niyon... Ah! Bakit ba ang malas niya? Paika-ika niyang tinungo ang pinakamalapit na upuang nakita niya saka siya walang ka-poise poise na umupo. Narinig pa niya ang pakikipag usap ng lalaking iyon sa Librarian, halatang nag-aalala. Pagkuwa'y nilapitan siya nitong muli at walang sabi-sabing binuhat. Gusto niyang pumalag. Pero hindi niya ginawa. Paano siya makakapalag kung maging ang magsalita ay hindi na niya magawa sa sobrang gulat?



"I'm taking you to the Clinic, sa ayaw at sa gusto mo, Blaire!" Napanganga na lamang siya nang marinig ang pangalan niya mula sa mga labi nito. Kilala niya ako? Paano'ng nangyari iyon?



Dahil Iba: Dahil #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon