"Sissy naman, ako na talaga ang magmamakaawa sa'yo. Please! Tanggapin mo na ang role! We really need you. Sis, nagustuhan kaagad ng prof namin ang film na ginawa natin este namin without your knowledge and permission. At ikaw lang talaga ang pasok na pasok sa banga ang acting sis! Sige na please!" may pahimas-himas pa sa braso niya at pakumpas-kumpas uli sa ere na kumbinsi na naman sa kanya ni Beejay. Kung hindi lamang niya kilala ang kapatid at hindi niya alam na may asawa't anak na ito ay iisipin niyang bading nga ito. Pero hindi, eh. Kilala niya ito bilang bihasang umakting at magpatawa noon pa. Kaya nga kahit Nursing graduate naman na ito at nakapag-trabaho na rin minsan sa ospital sa lugar nila ay muli itong nag-aral nang mapag-alaman nitong may BA Film pala na ino-offer sa eskwelahang pinapasukan niya. At siyempre, ang sangganong si Gener ay kaklase nito. Mas matanda si Beejay ng tatlong taon kay Gener. At si Gener, dalawang taon at kalahati ang tanda sa kanya. Sina Red Patrick talaga at Gener ang magka-edad pero iba naman ang napiling kurso ng una dahil na rin iba ang hilig niya.
At siya, well, may ilang pagkakataon na rin bang pinagsisihan niyang hindi business related ang kinuha niyang kurso? Hindi naman kasi niya akalaing mahirap din pala ang kursong BA Journalism. At hindi niya akalaing dahil sa kursong iyon ay imposible na yatang hindi mag-krus ang landas nila ng kuya niya at ni Gener sa campus nila. Oo nga at hindi naman sila sa iisang building at malayo rin naman iyon mula sa mismong building nila pero mabilis na lang sa mga ito ang puntahan at kulitin siya dahil hindi kahit nasa magkaibang department sila ay nasa iisang eskwelahan pa rin sila. Basically.
Inis na tinapunan niya ng tingin ang kapatid. Panganay ito kung tutuusin pero mas makulit pa ito kesa kay Lilac Marie. At naiinis siya na halatang wala sa kanya ang loyalty nito. To think na sila ang magkadugo. Nasaan na ang kasabihang blood is thicker than water?
"Blaire, ano na?" Muli ay untag na naman nito sa kanya ng hindi pa rin siya kumibo. Muli lang niyang ipinagpatuloy ang pagsasalin ng notes niya mula sa iPad niya palipat sa Macbook. Mas kunti kasi ang memory space niyon kumpara sa Macbook niya. Mga importanteng files nila yun para sa next presentation nila.
"Kuya, sinabi ko naman na sa inyo, 'di 'ba? hindi niyo po ako madadaan sa pananakot niyo. At sabihin mo diyan sa bestfriend mo, hindi ako takot sa kanya. Huwag niya akong pilitin. Ayokong umakting! Kaya nga hindi ako kumuha ng kursong 'yan dahil wala akong interes diyan!" Pasinghal na niyang sagot sa kapatid. Kulang na lang ay isaksak niya rito ang usb na gamit niya at i-save sa kukote nito ang salitang "NO". Naramdaman naman niya agad ang papalapit na nilalang sa kinauupuan nila. Napaismid siya. Halatang naniniguro na naman ang sangganong si Gener at talagang sinundan pa ang kapatid niya.
"Huwag mo nang pilitin kung ayaw." Pabalewalang singit nito sa usapan nilang magkapatid. At obviously, hindi siya ang kausap nito kundi ang kuya niya. Hindi tuloy niya alam kung bakit mas lalo siyang nainis. Well, wala naman nang bago. Lagi naman talaga siyang inis dito dahil nga sa mapang-asar ito.
"Oh, narinig mo, Kuya? Go! Tsupe!" Tila pusang pinaalis na niya sa harapan ang kapatid. Napatingin naman sa gawi ng bagong dating ang kuya niya at mukhang aalma pa.
"Pero paano ang..." hindi na naituloy pa nito ang anumang nais nitong sabihin. Halatang may isinenyas sa kanya ang bagong dating kung kaya napalingon na rin sa wakas si Blaire sa kinatatayuan ni Gener. She can sense that they're scheming a new strategy.
"Halika na." Aya ng binata sa kapatid niya. Ni hindi man lamang siya nito tinapunan ng tingin. She unconsciously rolled her eyes in disgust. Masyado siyang nayayabangan sa Gener na iyon. At naiinis siya sa kung anong pwersa meron ito upang makahatak ng atensiyon, hindi lamang ng mga kababaihan kundi maging ng mga kapwa lalaki nito. Masyado kasi itong matangkad.
"Bye Blaire." Narinig niyang paalam ng kuya niya. Tumango lamang siya tutal naman ay lumingon ito sa gawi niya. Nakita naman nito iyon so no need for her to really reply. Inimis naman na niya ang mga gadgets. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ang mga ito nang naramdaman niyang tumayo mula sa kinauupuan nito ang kuya niya at tuluyan nang lisanin ang Audio/ Visual Room (AVR) kung saan siya nito natagpuan kanina.
Mahaba ang vacant period niya bago ang next subject kaya naman hindi na siya nag-abala pang lisanin ang AVR. Alam naman kasi niyang sila pa rin ang gagamit niyon mamaya. Pero dahil nakaramdam na rin siya ng gutom ay napagpasiyahan niyang kumain na muna sa paborito niyang kainan. Hindi na niya inabala ang sarili na isipin ang reaksiyon ni Gener. Hindi naman na ito bata para ipagpilitan ang gusto nito kung talagang ayaw niya. Saka ano naman kung hindi siya nito mapatawad sa pagkakasampal niya rito noong nakaraang araw? Hindi naman sila close kaya hindi siya maapektuhan. Pero kahit ganoon ay nakakaramdam din siya ng kakaibang kaba. Pakiwari kasi niya ay may panibagong pakulo na naman ang sangganong iyon at tiyak na kasabwat na naman ang kuya niya or worse, ang buong pamilya niya. As usual.
Masyado kasi itong close sa pamilya niya. Magkapitbahay lang kasi at madalas pa itong makikain at makinood ng TV sa kanila gayong may TV at pagkain naman sa kanila panigurado. Hindi naman kasi mahirap ang pinanggalingang pamilya nito. Katunayan ay nag-iisang anak lamang ito at kilalang business man ang ama nito. Ang ina naman ng binata ay isang guro sa unibersidad na pinapasukan nila kung kaya naman masyado itong naging mayabang sa paningin ng dalaga. Pero hindi naman niya narinig na nagmayabang ang binata. Katunayan ay marami itong kaibigan at kakilala. Ngunit para sa kanya ay may something sa binata na hindi katiwa-tiwala.
Hindi sila nito close pero dahil sa close ito sa buong pamilya niya ay napipilitan siyang kibuin at pakiharapan ito ng maayos. Not until that night na ginawa siya nitong katawa-tawa at may video pa! Naalala niya tuloy ang isang beses na nakaramdam din siya ng sobrang pagkapahiya sa sarili. Mabuti na lang talaga, walang ibang tao noon sa paligid ng mangyari ang most embarrassing moment niya na hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya. It's been almost two years pero hindi pa rin niya iyon nakakalimutan at kung minsan ay napapanaginipan pa niya. Na sa tuwina ay nagigising siyang tila habol ang paghinga. It's as if she just woke up from a worst nightmare. Na nakakapanghilakbot naman talaga lalo pa't alam niyang nangyari talaga iyon sa reyalidad niya.
"Hey watch out!" Gulat na napalingon siya para lamang mapatda. May bolang papalapit sa kanya at kung hindi siya iiwas ay tiyak na tatama sa mukha niya. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi niya naigalaw ang katawan maging ang kanyang mga paa. She just closed her eyes and waited as if it will vanish miraculously. At matapos ang ilang saglit pa ay wala nga siyang naramdamang kahit anong tumama sa mukha niya. OMG, she thought. Am I having powers? Matapos niyang maimulat ang mga mata ay tinitigan pa niya ang direksiyon kung saan alam niyang doon galing ang bola.
"Tsk. Talaga ba'ng hihintayin mo na lang ang bola na tatama sa'yo without avoiding it?" Iritadong boses ang kanyang narinig na nagmumula sa kanyang tabi. Nanginig ang kanyang kalamnan.
'He sounds familiar.' Biglang nahinuha niya. Binalingan niya ng tingin ang katabi sa kaliwa upang muli lamang mapatda.
Siya! Siya ang lalaking pumahiya nang minsan sa kanya!
BINABASA MO ANG
Dahil Iba: Dahil #1
General FictionBlaire Purple Cadiz, babaeng hindi naman mahilig sa purple pero ipinangalan sa kulay niyon dahil lamang sa iyon ang paboritong kulay ng ina noong pinagbubuntis pa lamang siya. Masyadong mapili sa lalaki at halos lahat ay binabasted. Palibhasa daw ay...