Napatigil siya sa paglalakad nang mapansing may nakasunod sa kanya. Imbes na matakot at magmadali ay huminto siya at nilingon ang kung sinumang pangahas na sumusunod sa kanya. Hindi siya takot dahil una, maliwanag ang paligid dahil tanghaling tapat. Pangalawa, nasa loob lamang siya ng kanilang campus. No need to really panic. Kaya lang naman niya nasabing sinusundan siya ay dahil nga tanghaling tapat at papunta sa garden ang tungo niya. At weird naman kung pupunta din sa garden ng hindi siya sadyang sinusundan ng taong nakasunod sa kanya ngayon kahit tanghaling tapat at sabado pa! May CWTS kasi sila. At kasama na talaga sa mga gawain nila ang maglinis ng garden kapag araw ng sabado. Pero apat na oras lang iyon. Mula 7am to 11am lang. May naiwan lang talaga siya sa garden at babalikan niya ngayon.
Kaya naman wala nang dahilan pa na pupunta rin doon ngayon ang sinumang nasa likuran niya ngayon na halatang sinusundan siya. Masusukol niya ito ngayon lalo at sinadya niyang tumigil sa may likod ng pabilog na sementadong haligi na naroon sa hallway pagkalikong-pagkaliko lamang ng daan.
"Sinusundan mo ba ako?" Walang gatol na tanong niya sa lalaking nakasalamin na may hawak na makapal na libro na sa unang tingin pa lang niya ay nabasa na niya agad na libro iyon sa Mathematics. Napangiwi siya. He's a typical nerd. Isa rin kaya ito sa mga nahuhumaling sa ganda niya?
"Ha? Bakit naman kita susundan? Professor ka ba?" Naguguluhang tanong nito at batid niyang walang halong sarkasmo ang tinig nito pero somehow ay nainsulto siya. Obvious naman kasi talaga na sinusundan siya nito. Kanina pa lang mula nang lisanin niya ang canteen ay naramdaman na niya ang pagsunod nito. Gosh, nakakatakot pa na klase ng stalker if ever na tama nga siya. Pero alam niyang tama nga talaga siya. Sure yun!
"Ows? Talaga? So saan ka pala papunta?" Puno ng sarkasmong tanong niya. Hindi man lamang natinag ang lalaki. Usually, namumula na ang mga pisngi sa hiya o kilig ng mga nakaka-engkwentro niyang lalaki lalo na kung ganitong kinakausap niya ng malapitan. Pero wala siyang makitang anumang senyales na kinikilig o nahihiya ito sa pakikipag-usap sa kanya. Might be because he's good at hiding his emotions?
"Sa library. Bakit?" Kunot-noo nitong sagot sabay tanong din sa kanya na animo'y isa siyang alien sa paningin nito. Napapahiyang gumilid siya ng humakbang nang muli ang binata at hindi na siya muling tinapunan ng pansin. Dire-diretso na itong lumakad papuntang library na madadaanan bago makapunta ng garden.
She felt humiliated all of a sudden. For the first time in her 18 years of existence, she felt rejected.
At sa isang nerd-looking, weirdo-freak pa! What a shame!
Note: Hello guys! Thank you ulit sa pagbabasa ng mga kabaliwan chuchu ko! Hahaha pero good news! Hindi na kayo mabibitin kasi isa ito sa mga dare-novels ko so meaning, matatapos ko po talaga ito within a month! (Asa!) Pero siyempre, asahan niyong lalagpas na naman siya ng isang buwan tulad nung #HeavenMeetsEarth ko. Hahahah
P.S.
Anim po ang Dahil Series. Abangan niyo na lang po ang #2 next month! Labyah!

BINABASA MO ANG
Dahil Iba: Dahil #1
Aktuelle LiteraturBlaire Purple Cadiz, babaeng hindi naman mahilig sa purple pero ipinangalan sa kulay niyon dahil lamang sa iyon ang paboritong kulay ng ina noong pinagbubuntis pa lamang siya. Masyadong mapili sa lalaki at halos lahat ay binabasted. Palibhasa daw ay...