"Hey, are you dumb or something?" Iritableng saad ng lalaki sa kanya matapos niyang matulala ng kung ilang segundo habang nakatingin rito. Kumurap-kurap siya. Hindi niya matukoy kung ano ang dahilan ng pagbilis ng pagpintig ng puso niya. Kung dahil ba sa muntikan na siyang matamaan ng bola, o dahil sa mga salitang naririnig niya mula rito na nakakainsulto.
"Hindi ako tanga. Mabagal lang talaga ang reflexes ko!" Pasupladang sagot niya. Naiinis na rin siya sa sarili kung bakit sa halip na umiwas kanina ay pumikit na lamang siya. Kung hindi dahil sa supladong lalaking ito ay tiyak, basag ang mukha niya ngayon sa impact ng bola. Kung bakit kasi nadadaanan talaga ang open ground bago makarating sa canteen at kung bakit kasi maraming naglalaro ng bola sa open ground nila instead na sa loob ng gym? Muntikan na tuloy siyang matamaan.
Hindi na muling nagsalita pa ang lalaki. Sa halip ay tinalikuran na siya nito at nagpatuloy sa paglalakad. Sa malas ay mukhang iisang lugar lang ang tungo nilang dalawa at ngayon ay nauuna na ito. Inis na nagpatuloy na rin siya ng paglalakad. Sa dalawang beses nilang pagtatagpo, hindi niya akalaing muli siyang mapahiya. At sadyang hindi man lamang siya nakaganti. Sa pangalawang pagkakataon, nakaramdam siya ng pag-aalinlangan sa sariling kagandahan. Mukhang hindi kasi nito iyon pansin.
"Blaire!" Napalingon siya ng marinig niyang may tumatawag sa kanya. Mula sa di kalayuan ay nakita niya ang humahangos na si Danielle, ang kaibigan niyang maganda rin. Sa barkada nila, lahat sila magaganda. At siyempre pa, siya ang pinaka.
Hinintay niya ang kaibigan hanggang sa tuluyan na itong makalapit. Mangilan-ngilan lamang ang mga estudyanteng dumadaan sa hallway na yaon dahil na rin sa tanghali na at lunch time na ng karamihan. Liban sa mga naglalaro pa sa open ground ay wala nang ibang mga estudyanteng nakatambay sa hallway. Kaya posibleng ang mga dumaraan ay kita agad ang mga taong nasa magkabilang dulo ng hallway.
"Blaire... Teka muna, pahinga muna tayo kunti." Hinihingal na pakiusap ni Danielle. Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon. Hindi sa pagod na agad siya kundi pagod na rin siya sa pakikipagtalo sa sarili niya simula pa kanina ng muli niyang masilayan ang mukha ng lalaking nagpahiya sa kanya two years ago at muli na naman nitong ginawa ngayon.
"Teka bes, magkakilala kayo ni Herlie Dice? Yung cutest and smartest Engineering student?!" Biglang naalalang itanong ni Danielle sa kanya. Nakita kasi nito ang binata na kausap siya kanina.
"Ano? Sino yun?" Takang tanong naman ni Blaire na sadyang walang ideya kung sino ang tinutukoy ni Danielle. Saka bihira lang din siyang lumabas sa department nila kaya hindi siya familiar sa mga taga ibang department.
"Yung nakita kong kausap mo! Kaya nga ako nagmadaling maabutan ka, eh. Kasi nakita kong kinausap ka niya. At sobrang lapit niyo pa!" Kinikilig na wika naman nito na lalo lamang nagpakunot ng kanyang noo. Ano nga naman kasi ang nakakakilig do'n eh, ininsulto lang naman siya ulit ng pangit na Nerd na Weirdo'ng 'yon!
"Hindi ko siya kilala at lalong hindi kami nag-usap. Actually, we're having a fight no'ng makita mo kami." Pagtatama niya naman sa kaibigan.
"Hala bes, hindi kayo mukhang nag-aaway! Mukha nga kayong mag-siyota na nagpapaalaman eh!" Nakalabi namang saad ni Danielle. Nainis naman lalo si Blaire. Mas lalo tuloy siyang napasimangot. Ano ba kasi'ng pinagsasabi nito?
"Hoy, Denesse Danielle Valenzuela! Tigil-tigilan mo ako sa pagiging dreamer at hopeless romantic mo, ha! Hindi ako kailanman magkakaroon ng romantic inclination do'n sa Weirdo'ng 'yon! Never!" Inis na singhal niya. Napatutop naman tuloy sa bibig at dibdib si Danielle na nakahiwatig ng "war" sa mga salita niya.
"Ay bes, umuusok ilong mo. Nakakatakot! Gusto mo makita? May salamin ako here." Maarte namang sagot ni Danielle na halatang nang-aasar lang lalo. Inis na tinalikuran na ito ni Blaire at muling nagsimulang maglakad. She has 30 minutes more of break at kailangang within 20 minutes ay matapos na siyang mag-lunch or else, mali-late siya sa next subject niya.
"Uy bes! Teka lang! Wait!" Nagmamadali ring umagapay sa mabibilis na mga hakbang niya ang natural nang maarteng si Danielle.
Mas lalo naman niyang binilisan ang mga hakbang niya. Naiinis pa rin kasi siya rito. At hindi niya maintindihan kung bakit gayong iisang tao lang naman m dapat ang kinaiinisan niya ngayon. Liban siyempre sa forever hate niyang si Gener. Dinig niya ang mga yabag Danielle na halatang lakad-takbo na ang ginagawa.
"Bes naman! Alam kong athelete ka, huwag mo naman gaanong ipahalata! Beauty queen ako, bes! Hindi runner! " Reklamo ni Danielle. With that, napapangiting nagdahan-dahan siya para makaagapay sa kanya ang madalas ay out of this world niyang bestfriend.
"Hay salamat naman!" Napapabuga ng hangin na saad nito nang tuluyan na siyang maabutan. Nilingon niya ito. Nakakunot naman ang noo nito na tila kinakapos na ng paghinga.
"Bakit ba kasi napaka-imposible mong kausap? Eh ni hindi ko nga kilala yung tao!" Hindi na naitago ang pagkapikong sabi niya rito. Natatawang hinampas pa siya nito sa braso.
"Bestie, alam mo, kung ikaw ang nakatingin kanina at ako ang nasa katayuan mo, iyan din ang iisipin mo. Sobrang lapit niyo kaya sa isa't-isa kanina at tingin ko pa nga gahibla na lang, maghahalikan na kayo, eh!" Kinikilig na pagpapatuloy nito. Binatukan na talaga ito ng dalaga. Ano ba naman kasi ang uri ng mata nito para masabi ang gayon?
"Aray naman bes! Grabe ka makapanakit sa'kin ah!" Nakasimangot na reklamo nitong muli.
"Eh ikaw kasi, eh! Kakapanood mo diyan sa mga Koren Novela na 'yan eh, nagkakadiperensiya na hindi lang pag-iisip mo kundi pati na rin yung paningin mo!" Asar na humalukipkip pa siya. Napahagikhik naman lalo si Danielle.
"Alam mo, the more you hate daw, the more you love." Wika nito na natatawa at sadyang iniwanan na siya. Nagmamarakulyo pa ring napasunod siya rito. Pakiramdam niya ay mapapasabak siya ngayon sa ilang plato ng kanin at ilang order ng ulam. Stress reliever nga kasi niya ang pagkain. At kakalimutan na lang muna niyang may next subject pa siyang naghihintay sa kanya sa AVR. She needs to eat. A LOT!
Note: Si Denesse Danielle Valenzuela po ang magiging bida rin sa isa sa anim na bahagi ng Dahil Series. :)
BINABASA MO ANG
Dahil Iba: Dahil #1
Ficção GeralBlaire Purple Cadiz, babaeng hindi naman mahilig sa purple pero ipinangalan sa kulay niyon dahil lamang sa iyon ang paboritong kulay ng ina noong pinagbubuntis pa lamang siya. Masyadong mapili sa lalaki at halos lahat ay binabasted. Palibhasa daw ay...