Once Upon A Time 2

59 7 1
                                    

Chapter 2: New Friends

Bianca's POV

This is it! Kaya mo 'to Gael! (Gael is my nickname, though, second name ko po 'to)

Nadito na 'ko sa labas ng gate ng Lardier Academy. Napagmamay-ari nina Ate Aika. Naka uniform na rin ako at ngayon ang first day ko dito. Kanina pa nga ako kinakabahan eh!

"Papasok ka ba? O papaalisin kita?" tanong ni ateng guard. Ang taray niya.

"Papasok po." sabi ko at ngumiti kaso inirapan lang niya ako. I don't care.

Napamangha ako sa loob ng eskwelahang 'to. Ang ganda ng mga naglalakihang mga building ang nandito. At lahat ng mga classrooms ay air-conditioned. Pano ko nalaman? Sa mga likod kasi ng bawat classrooms ay may air con na nakalagay pero likod lang nito ang kita mo.

"Close your mouth, stupid."

"Ay palaka!" gulat na gulat ako dahil may nagsalita sa likod ko. takte! papatayin ata ako nito sa sakit sa puso eh.

"Tsk." sabi niya at naglakad na. Aba't! Bastos na lalaki nga naman oh! Sayang...crush ko pa naman sana siya. Hmp!

*bell rings*

Nagsilakad na ang mga estudyante at tinungo ang sari-sariling mga classrooms. Ako? Eto, nganga. Kahit tiningnan ko na kung saang section ako at building, room, di ko parin alam kung nasaan. Ikaw ba naman dito eh bago pa lang ako.

"Ahm..Miss, naliligaw po ba kayo?" biglang tanong ng isang babaeng magandang nilalang.Di ko ba alam kung nangiinsulto ba siya o sadyang tanga lamang siya? at May kamukha siya pero di ko alam kung sino. Mapupungay na mata, cute lips, white skin at makinis. Mas matangkad lang ako ng kaunti sakanya. Maybe 1 inch.

"Hmm.." sabay tango. Ngumiti siya sa'kin. Ang ganda niya ngumiti. Nakaka-tibo. Chos!

"Tara, ano bang section mo?" taong niyang magsimula kaming maglakad. Akala ko pandidirihan niya 'ko, hindi pala. Ngumiti muna ako sakanya bago sumagot.

"4-pilot" sagot ko. Nanlaki ang mga mata niya at ngumiti ng napakalapad. Anyare?

"Kyaa!!Magkaklase kayo! Yess!" tuwag-tuwang sambit niya. Natulala ako habang pinagmamasdan siya. Ngayon lang ako nakaramdam nito. Yung hindi ka pinapandirihan. At sino bang tinutukoy niya?And worst? Ang magandang nilalang pa ang hindi umayaw sa'yo. Actually, siya naman ang naunang may gusto eh.

"Sorry...Excited lang talaga ako." sabi niya ng mahimasmasan siya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi, nung nakita palang kita, nakita ko at feel ko na mabait ka." sabi niya. Shocks! Ganun ba talaga ako? Hmm...mabait naman ako.

"Di ka ba nandidiri sa'kin?" tanong ko. Hinampas niya 'ko ng mahina sa balikat. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay saka nagsalita.

"Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Porket ba ganito ako pandidirihan na kita? Besides, kaibigan ka ni ate Aika." sabi niya sabay ngiti. Nakakahawa naman ng ngiti niya kaya napangiti na rin ako. Atleast ngayon, may kakilala na 'ko dito.

***

Lunch break na kaya nandito kami sa canteen. Halos gusto ko ng lamunin ako ng lupa dahil sa mga pamatay na mga tingin ng mga estudyante dito. Madami ring nabubulong-bulungan. Akala ko ba sanay na 'ko? Akala ko lang pala.

"Don't mind them. Insecure lang sila."sabi niya. Ay! Di ko pa nga pala nalalaman ang pangalan niya. Di kami magkalase nito. Pero yung lalaking sumita sa'kin? Kaklase ko siya. 

"okay. Ano bang pangalan mo?" tanong ko sakanya. Tumawa siya ng kaunti.

"Eliza Joy Alcanse. But you can call me Joy." sabi niya. Perfect name for a beautiful woman.

Once Upon A Time (The Nerd Fall In Love)Where stories live. Discover now