Chapter 6: Shattered
~Bianca's POV~
Days passed, naging close kami ni Nave. To the point na para na kaming mag-jowa. Well, sa tingin ko lang naman yun. Assuming.
Napapadalas ang lakad namin, usap, kain at palagi niya 'kong hatid sundo. Ewan ko ba kung bakit niya ginagawa 'to samantalang isa lang naman akong ordinaryo at pangit na nerd. Note that guys! I'll always mention the state that's true. >_<
Mas lalo rin kaming naging close ng 4G at si Joy. Nalaman ko ring mag-pinsan pala sina Joy at si Ivantot. Sa araw-araw na kasama ko sila, nakakalimutan ko ang mga problema at pagod ko sa pagtatrabaho.
Pinapasaya at ginagawa kasi nila ang lahat, para iparamdam sa'kin na walang mali sa itsura o pagkatao ko. In short, napatunayan kong tunay nga silang kaibihan sa'kin. Kahit patuloy parin sa pag-pangungutya ang mga taong nasa paligid ko, di parin nila ako iniwan. That's the true friendship.
"Bikay, malalim nanaman yang mga iniisip mo." reklamo ni Joy. Nandito kami sa ComLab (Computer Laboratory). Di ko nga alam kung anong trip nitong si Joy at nag-aya pumunta dito eh nag-fe-Facebook lang naman siya.
"Just don't mind me." sagot ko at ngumiti. Di ako gumamit ng computer dahil wala naman akong kailangang gawin. Magsasayang lang ako ng kuryente. Pabayarin pa 'ko...
"Tara na nga. Boring dito." sabi niya na ikinailing ko lang. Naglog-out na kami sa log book saka lumabas. In fairness, mas gusto ko dun kasi malamig. Malakas yung aircon.
"Ahm..nga pala Joy, nasan sina Brylle?" tanong ko habang naglalakad na kami. Vacant kasi namin ngayon kaya heto kami, nag-ikot muna.
"W-wag mo ng isipin ang mga yun." sagot niya sabay iwas ng tingin. She act so weird.
"Ah ok." mas minabuti ko munang manahimik na. Malay mo, may nagkakandarapa nanaman sa mga yun at na stranded kaya di pa namin nakikita.
~*~
"Bye, Biancs." paalam ni Joy. Di ko talaga maintindihan ang isang 'to. Minsan Bikay, minsan naman Bianca/ Biancs, at minsan Gael. Paiba-iba talaga ang isip ng mga tao.
"Bye, Ligaya."asar ko sakanya. Si Kevin kasi ang tumatawag sakanya nun at naiirita siya kaya nakigaya ako. At isa pa, wala namang masama.
Dumiretso na siya sa sasakyan niya saka umalis. Uwian na at akala ko, susunduin ako ni Nave kaso di ko siya nakita simula kaninang umaga. Ano kayang nangyari dun?
"Psst..." lumingon ako sa likuran ko, kaso wala namang tao. sa gilid >>, sa kabila<<. Wala naman eh. Huhuhu! Baka multo na yan. Dali-dali akong umalis sa parking lot. Nasa bandang dulo pa naman ako kaya sobrang creepy. Nakakatakot...
"Psst..." waaaah! Ayoko na talaga. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa tumakbo na 'ko at may nakabangga.

YOU ARE READING
Once Upon A Time (The Nerd Fall In Love)
Teen FictionOnce upon a time, my life is just a normal. Walang gulo. Walang nagmamahal at Walang kaibigan. In just an incident, my quiet life starts to be ruined, noisy and turn to a mess. At dahil yun sa taong bwisit sa mundo. But one thing, I fall in love...