Once Upon A Time 4

37 6 2
                                    

(Continuation)
Chapter 4


Bianca's POV




"C-Carlo?"

"G-Gael?" napatigil sila sa pakikipag-away at gulat na gulat na isinambit ang pangalan ko. Masarap sa pakiramdam na Gael parin ang tawag niya sa'kin.

"Ahm sorry...Bianca?" nawala ang kasiyahan ko dahil binawi niya ang Gael. So, matagal na pala niyang kinalimutan yun? Grabidad sya ah!

"Magkakilala kayo?" takhang tanong naman ni Joy. Di ba obvious? Shunga rin ang isang 'to eh.

"Obviously. " maikling sagot ko. Few years ago, ngayon lang ulit siya nagpakita? Lahat ng pangako niya, lahat yun ay napako. Ni isa, wala siyang tinupad. Bakit? dahil katulad rin siya ng iba. Di siya totoong kaibigan. Isa siyang malaking hangal!

"Gael...s-sorry..." sabi niya at pilit umiwas ng tingin. All this time yan lang ang sasabihin niya? Wow! Just wow.

"Okay na...Tapos na Carlo. Tapos na ang nakaraan. Don't ever dare to call me Gael again. Matagal mo na 'kong kinalimutan. Salamat sa pagbuo sa'kin nung mga panahong wasak na wasak ako. You've been a nice man on me, Carlo. Pero hindi na ngayon. As time goes by, relationship fades." that's my long speech. Naramdaman kong tutulo na ang mga luha ko kaya tumakbo na 'ko. Wala akong pakialam kung nakikita nilang iiyak ako. Wala na 'ko sa katinuan ngayon dahil mismo ako, galit sa sarili ko. Alam ko kasing nasasaktan parin ako.

Di ko matanggap na iniwan niya lang ako ng basta noon. Tinatawag pa 'ko ng grupo, pero wala e. Masyadong masakit ang nakaraan para kalimutan na lamang. Masyadong masakit ang pinagdaanan ko na hanggang ngayon, isang malaking bangungot parin.

Tinungo ko ang CR at walang anumang ini-lock iyon. Argh! Dapat kasi Bianca matagal mo na siyang kinalimutan! Dapat di ka nagtiwala sakanya noon pa lamang. How does it feel? Masakit ba, Bianca?! Ang tanga mo kasi!

*knock *knock

"Bikay, open the door please?" di ko alam kung bubuksan ko ba o hahayaan na lang sila? Di ko parin kasi matantsa kung totoo ba talaga sila sa mga pinapakita nila.

"Bianca, please...Buksan mo naman oh..." pagmamakaawa ni Joy. Sorry Joy, kailangan ko lang mapag-isa. Kailangan ko lang isipin ang dapat kong isipin.

Iniyak ko lang ng iniyak ang sakit na nararamdaman ko. Masyado pang sariwa ang nangyari kaya ganito ang epekto sa'kin. Pero sakanya, basta niya lang ibinasura. Ang kapal!

***

Nagising ako dahil sa naramdaman kong may malamig na hangin. Iminumulat ko ang mga mata ko at nakitang nasa sasakyan ako. Takte! May powers ba 'kong mag teleport? Ang galing eh.

"Okay ka na?" biglang may nagtanong sa gilid ko kaya napatingin ako dito. It's Brylle. Kung hindi ko lang talaga crush dati si Ivan, sana si Brylle na lang. Di hamak na mas mabait, maalalahanin at maka-kapwa siya.

"Pano ako napunta dito?" takhang tanong ko. Kaming dalawa lang naman ang nasa kotse at hindi ito umaandar. Tumingin ako sa labas, at nakitang seryosong nag-uusap ang tatlo kasama na si Joy. Ang laki talaga ng eksena ko kanina! Tiyak na ako nanaman ang topic buong school year. Hayyyyyy...

Once Upon A Time (The Nerd Fall In Love)Where stories live. Discover now