Once Upon A Time 11

21 3 0
                                    

Chapter 11: Imagine

~Nave's POV~

"Nagawa mo?" tanong ko kay Vince. Dapat lang niyang tapusin ang pinapagawa ko.

"Nah." sagot niya sabay inom ng liquors. F*ck! Ilang araw ko ng ipinapagawa sa kanya yan but still, di niya parin magawa. How dare he?!

Tinapon ko ang glass na hawak ko at nabasag. Vince just smirk. Papatayin ko talaga ang isang 'to. Tumayo na 'ko at lumabas na. They're getting through my nerves! And it's sucks! Mga bobo!


~Bianca's POV~

Another day, another happening. As usual, sinuklay ko nanaman ng lagpas isang daang beses ang buhok ko. Naglagay ng polbo, contact lens at tapos na.

Pinatanggal narin kasi ni Joy ang mga pimples ko sa isang doktor. Though, may kaunting peklat siya kasi nga, di pa magaling. Ewan ko ba kung anong tawag sakanya. Kaya kuminis na ang mukha ko, pati kuminis narin ang balat ko na dating dry, ngayon shiny na. Thanks to Joy. Pero si Aydie naman ang nagbayad. -_-.haha.

Naglalakad ako ng may bumusina ng malakas sa gilid ko. Nilingon ko ito at nakitang di ito si Ivan. Bakit ko ba ine-expect na siya? Assuming lang ang peg? ganern?..

"Hi!" sigaw ng isang lalaki sabay wave. Huh? He looks so familiar. San ko nga ba siya nakita? Bumaba siya ng kotse niya at sumandal dito.

"Remembering me?" he said sabay smirk. Psh. Adik.

"Who are you?" tanong ko. Nag ngiting aso lamang siya saka sumindi ng sigarilyo saka hinithit. Argh! Annoying.

"You already forgot me, Bianca. Well, I'm Vince from Moon Crest Gang." sabi niya sabay lahad ng kamay niya. I just stared on him. Siya nga yun! Parang di ata maganda ang pakiramdam ko sakanya. It seems like, he's a demon.

"Don't be afraid, Bianca. I just want to be your friend. " sabi niya saka kinuha ang kamay ko at nakipag-shake hands. Pareho sila ng sinabi ni Nave. At ewan ko ba, di na nagpakita ang lalaking yun.

Pagkatapos ng shake hands, walang anuman ay umalis na ko. Di ko kasi mapuna eh. Parang may something sa mga tingin at aura niya. Nakakatakot.

Nakarating ako sa room at hindi pa man nakakatapak sa sahig, biglang nag slow motion ang paligid. Tumigil sa ere ang mga papel na pinagbabato nila. Nagising ang sleepy head ng room at higit sa lahat, nakanganga ang mga bunganga nila.

"Excuse me?" biglang sabi ni Kelly saka humarang sa harapan ko. Ano daw? Excuse me? Eh ang lapad lapad ng daanan. Kasing lapad ng paliparan sa noo niya. Tch.

"Bakit?" tanong ko naman. Nakataas lang ang kanang kilay niya sakin.

"At sinong hampaslupa ka naman para pumasok sa classroom namin? You're not belong here. Naliligaw ka." sabi niya. Gusto kong matawa kaya natawa ako. Baka mautot ako kung pipigilan ko.

"Really? Naliligaw ako? O Ikaw? Excuse me too, di mo ba ko nakikilala? Di mo ba nakikilala ang babaeng inaapi mo noon? Well, this month lang naman yun." sabi ko. This time, ako naman ang babawi. Ako naman ang maniningil. It's time for my revenge. Pero yung bago naman.

"Oh my god! *takip bibig*. Bianca? The nerd?!" okay na sana eh. Kaso may nerd pa. Tsk.

"Exactly! Nice to begin competing you Kelly! And I'll be your wildest dream." Sabi ko at nginitian siya ng pagkatamis tamis. Langgamin ka sana!

***




Walang gana akong naglalakad kasama si Joy papuntang canteen. Nag announce kasi kanina ang teacher namin at sinabing may field trip daw kami. At lahat daw ng mga estudyante, esp. ang Pilot, kailangang sumama. Eh pano ako? 5k ang bayarin eh. Nasan ang hustisya?!

"Huy Bianca!" nabalik ako sa ulirat ko ng tawagin ako ni Joy. Aish! ano ba yan?! masyado naman akong pre-occupied ng field trip na yun!

"Bakit?" tanong ko ng makaupo na kami sa table dito sa canteen. Ewan ko ba kung nasan ang 4G. Kanina naman, pumasok sila. Pero di na namin mahagilap ngayon.

"Wala! Masyado ka kasing tulala!" sagot ni Joy. Tinanguan ko lamang siya.

"Order na ko." sabi ni Joy kaya ngumiti lang ako at tumango. Pumunta na siyang counter kaya ako na ang naiwan dito.


After a couple of minutes, nakabalik na si Joy dala-dala ang in-order na pagkain. Kumain kami ng tahimik at walang imikan nang may  biglang kumalabut sakin.

"Bakit?" -Ako

"Ikaw po ba si Bianca?" tanong ng isang batang lalaki. Nerd siya at mukhang mga 1st Year High pa lang siya.

"Oo. Bakit nga?"

"Pinapatawag po kayo sa Principal Office." nagulat naman ako sa sinabi niya. First time ko atang mapatawag sa Principal Office eh. Nakaka-kaba.

"Bakit daw?"-Joy

"Ewan po eh. Inutusan lag po ako. Sige po." sagot niya. Nginitian lamang namin uya sabay tango.

My ghad! Ano bang ginawa ko? Dahil ba to sa pagsagot-sagot ko kay Kelly? Argh! Ano ba yun? Baka mamaya patalsikin ako dito tas i-expelled tapos papalayasin ako ni auntie dahil pinabayaan ko ang pag-aaral ko. Magiging badjao na ko sa mga lansanga at sumasakay sa jeep at nanghihingi ng tulong.

Waaaaaah!!! Ayoko nun! Kait mahirap ako, ayoking maging badjao!


Once Upon A Time (The Nerd Fall In Love)Where stories live. Discover now