Chapter 9: Makeover
~Bianca's POV~
"Ano ba kasing ginagawa natin dito? Ha ligaya?!" tanong ko kay Joy. Jusme! Ever since hindi ako pumupunta sa parlor dahil ang babaho. Pero ngayon, si Joy lang ang nakagawa nito.
Binatukan niya ko kaya napakamot ako ng ulo.
"Bobo ka ba Bianca?! Malamang! Magpapaganda. Parlor nga diba? Alangan naman magswimming!" pilosopong sagot niya saka ako hinila paloob sa isang maganda, sosyal at mamahaling parlor. Kita naman kasi sa mga designs at gamit dito sa loob. Buti na lang at hindi mabaho.
"Haller bibehs!" nagulat ako sa pagsigaw ng isang bakla sa gilid namin. Anyare? Nakalunok ng megaphone teh?
"Hello Ninang!" bati naman ni Joy. Teka...
"Ninang?"
"Yes! She's my beautiful ninang." halos masuka ako sa sinabi ni Joy. Beautiful? Sigurado ba siya? Sige na nga.
Baka sipain pa ko nito. Mukha kasing kabayo...>_<"My darling, siya na ba ang sinasabi mo?" maarteng tanong ng 'beautiful ninang' daw ni Joy.
"Yah! Kaya ninang, pagandahin mo siya ah? Yung kasing ganda ko! Charot! sagot naman ni Joy saka sila nagsitawanan. Ako? Eto tulala. May sapi ata sila.
"I'll be back after your make-over...sis" di ko na narinig ang huling sinabi ni Joy dahil hinila nako ng ninang niya at pinaupo sa swivel chair. Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin. Ang panget ko pala? Haha.
"Trust my sweetheart. Your fes will show how it's gandacious!" sabi ng ninang ni Joy saka tinanggal ang salamin ko. So it turn to a maze. Wala na kong makita.
"Ahm, Ma'am, pwede po bang mamaya niyo na po tanggalin yang eyeglasses ko. Dahil malabo po talaga ag paningin ko." saad ko. Ngumiti lamang siya saka sinuot sakin ang salamin ko. She already doing something on my hair. Sana naman maganda ang kalalabasan nito.
~Kevin's POV~
"Bro! Nasan si Joy?" tanong ko kay Brylle na busy sa pagkalikot ng cellphone niya. Siguri may nabiktima nanaman ang ugok na 'to.
"Ewan. Talk to Aydie." simpleng sagot niya kaya binatukan ko siya at kumaripas ng takbo. Gago talaga!
"Bro, nakita mo si Joy?" tanong ko naman kay Aydie. Adrianne Dave ang pangalan ni Aydie at palayaw niya lang yung Aydie. Kakatapos lang ng klase kanina at nandito kami sa bahay ni Ivan. Di ko nga alam biglang nagbago ang ugali ng mokong na yun.

YOU ARE READING
Once Upon A Time (The Nerd Fall In Love)
Teen FictionOnce upon a time, my life is just a normal. Walang gulo. Walang nagmamahal at Walang kaibigan. In just an incident, my quiet life starts to be ruined, noisy and turn to a mess. At dahil yun sa taong bwisit sa mundo. But one thing, I fall in love...