Chapter 5
Bianca's POV
Pumasok na 'ko sa SDO para makuha ang detention slip. At ipapirma sa teacher ko.
Pagkatapos sigawan ako ng di ko kilalang nilalang sa mundo, di ko na siya nakita pa. Posibleng dito lang siya nag-aaral dahil suot niya ang uniform ng mga pilot. Ibig sabihin, pilot din pala siya. Pag pilot section ka, naiiba ang uniform niyo kesa sa mga regular sections. Pili lang ang nakakapasok dito. Pwedeng mayaman ka or matalino ka talaga.
"Huy!" nabalik ako sa sarili ko ng gulatin ako ng SDO officer. Natulala na pala ako.
"Ay sorry po..."sabi ko at inabot na ang detention slip. Nakakapagtaka talaga at buong araw na hindi ko nakita ang 4G tsaka si Joy. Siguro may nangyari sa mga yun.
Carlo's POV
Damn! Kahit ilang suntok pa 'yan, wala parin akong pake!
"Ano?! Lumaban ka! Akala ko ba matapang at magaling ka?! Puro satsat ka lang naman pala!" sigaw niya sa'kin saka tumawa kasama ang mga uhugin niyang tropa. Matapang lang naman ang isang 'to dahil madami sila. Tch.
Pinilit kong kumalas sa pagkakatali nila sa'kin dito sa upuan pero masyado itong mahigpit. Gumagawa na sila ng mga hakbang!
"Ako nalang ang saktan niyo! Ako lang naman ang kailangan niyo diba?!" sigaw naman ni Joy. Tangna! Di talaga sila patas lumaban!
"Oo! Kailangan ka namin! Pati narin ang kapatid mong panget!...hahahahah" sigaw ng lalaking 'to at nagsitawanan. P*ta! Sabi na nga ba eh! kailangan namin siyang bantayan!
Bianca's POV
Isang buong araw na hindi ko nakita sina Joy at ang 4G. Gustuhin ko mang puntahan si Joy, may duty pa 'ko at baka palayasin ako ni auntie. Sabado at Linggo na lang kasi ang working days ko sa Chat Time.
Umuwi ako ng maaga para maaga rin akong matapos mamaya sa trabaho. Sumakay ako ng tricycle. Pagkababa ko, diretso akong pumasok sa loob at sinilip muna ang karinderya. Wala pa namang tao.
Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko at nagbihis. Bumaba na 'ko pagkatapos ko at tumulong kay auntie.
Saktong 8 natapos ang duty ko kaya maaga kong natapos lahat ng assignments ko. Bigla akong napatingin sa salamin. Tinitigan ko lamang ang mukha ko.
Psh. Panget ko talaga. Maganda naman at Gwapo ang mga magulang ko pero bakit ako pangit?
Kasi ampon ka!
Nanlaki naman ang mga mata ko. Grabe naman itong konsensya ko. Ang sakit magsalita. Pero seryoso, kailan kaya ako gaganda? Hayy.
Napahiga na lang ako sa matigas kong kama at pumikit. Sana naman pumasok na bukas sina Joy.
***
Naglalakad na 'ko ngayon papuntang school ng biglang may bumusina sa gilid ko. Anak ng tinapa naman oh!

YOU ARE READING
Once Upon A Time (The Nerd Fall In Love)
Teen FictionOnce upon a time, my life is just a normal. Walang gulo. Walang nagmamahal at Walang kaibigan. In just an incident, my quiet life starts to be ruined, noisy and turn to a mess. At dahil yun sa taong bwisit sa mundo. But one thing, I fall in love...