Chapter 3: Carlo
Bianca's POV
Nagising ako ng maaga dahil maaga talaga ang pasok ko -_- . Naligo ako, nagbihis, kumain at umalis. Mamayang uwian pa ang duty ko sa Eva's Eatery.
Nagpaalam na 'ko kay auntie at umalis na. Maglalakad muna ako ngayon dahil medyo maaga pa.
One week na ang nakalipas ng makapasok ako sa Lardier Academy. Aaminin ko, masaya siya. Kaso, palagi akong nabubully. Masaya dahil sa mga bago kong kaibigan. Malungkot, dahil mismo mga guro, pinagkakaisahan ako. Anong klaseng mga guro sila? Dinagdagan pa ng mga estudyanteng ayaw sa'kin. I can't blame them anyway. Panget naman talaga ako eh. Pero, porket ba panget kailangan ipamukha talaga? -_-.
*beep *beep
Anak ng!!
Lumingon ako sa gilid ko at nakitang may pumaradang bwiset na kotse. Crap! Ang hilig talagang mang-gulat ng taong 'to."Hop in." ibinaba muna niya ang wind shield niya saka ako inutusan. Wow ha?! Makautos wagas! Isang tao lang naman ang manggugulat sa'kin. Ang epal kong ex-crush. Pauso ko na 'yan!
"Ayoko nga." sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad. Pero ang tukmol na 'to, sumusunod parin. Ano bang problema niya? Di naman sa ayaw kong sumakay. Pag sumakay ako, tapos pag karating sa Lardier, ako nanaman ang pagdidiskitahan.
Kulang na nga lang maging closet ko ang locker ko dahil sa dami ng extra t-shirts dahil madalas nila akong binubuhusan ng kung anu-ano. Di ko kayang labanan sila dahil duwag ako.
" Sasakay ka, o ipagkakalat ko 'to?" sabi niya at ngumisi. Ipinakita niya sa'kin ang cellphone niya na may picture ko na natutulog na may laway pa. Noong nasa kotse pa 'ko niyan eh. Argh! bina-black mail na naman niya 'ko. Bwiset talaga. -_-
"Argh! Bwiset ka talaga!"
***
Pagkatungtong ko palang ng sahig ng classroom, agad dumako ang mga nandidiring mga mata nilang lahat sa'kin. Isa na dun sa mga dahilan kung bakit, dahil nasa likod ko si Ivan at sabay pa kami. Isa narin dun ay ang panget ako. I know -_-...
"There the ugly nerd goes again..."
"She's unbelievable! We've been try all the pranks, but...Argh!"
"Yeah...but guys, come to think, this is the beginning to how she feel living in a hell! Hahahahaha!!"
They all laugh. Napairap na lang ako dahil sa mga kabaliwan nila. May "Come to think, Come to think" pa silang nalalaman wala rin namang mapapala sila diyan. Hay naku! Mga kabataan talaga ngayon...Sakit sa ulo!
Pumasok na 'ko at di na inintindi ang mga pangungutya nila. Ano bang mapapala ko kung papansinin ko pa sila? Away, ganern? tch.
Pagkaupong-pagkaupo ko palang, biglang may tumatakbong lalaki na hingal na hingal na pumasok sa classroom at may ibinalita.
"Jade! May riot sa likod!" sigaw niya at agad namang tumakbo kasama si Ivan. Ang mga chismosa ko namang mga kakalse, ayun! Naki-usyoso rin. Chismosa nga diba?
Umupo lamang ako at di na pinansin ang walang kwentang mga riot na 'yan. Ano bang klaseng eskwelahan 'to? Walang guro na maagang pumapasok? Kailangan estudyante pa pala ang maghintay? Hay buhay...
"BIANCA!!!" halos mapalundag ako sa biglang sumigaw. Tae naman eh! Nag-e-emo pa 'ko. Panira!
Lumabas ako at nakitang hingal na hingal rin si Joy. Ano bang nangyayari? Bakit ba madaming nahihingal?! inform niyo naman ako please? >_<
O___O
Oh my god! Don't tell me...
"Close your mouth, stupid." saway ni Joy. Huh? Pareho silang line ni Ivan ah? Ano copy paste lang? Tama ba?
"Huh? Linya ya ni-"
"Yeah, i know. Mamaya ko na ipapaliwanag. Pero ngayon, kailangan muna nating puntahan sina Kevin." sabi niya sabay hila sa'kin. Papalag pa sana ako kaso ang bilis niyang tumakbo kaya binilisan ko rin. Ayokong masubsob noh! Baka mamaya, pumanget pa 'ko eh ang panget ko na nga. -_-.
Pagkarating namin sa likod ng school, madaming estudyante ang nagkukumpulan. Pampam naman oh!
"Ready ka na?"
"Huh?"
"Aish! Sisingit tayo diyan kaya maging ready ka na kasi igigitgit natin sila. Medyo masakit yun eh." sabi ni Joy. Namimilosopo ba siya? Bakit ba ang gulo nila? Nanghuhula tuloy ako.
Sumugod na si Joy sa pag-gitgit kaya sinundan ko siya. Masakit nga kasi yung iba, na niniko pa. Yung iba naman, naninigaw. Pero keri lang! Makakaraos din tayo.
Hayy. Salamat naman at nakasingit rin kami. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa tuhod ko saka naghabol ng hininga. Kaya pala hingal na hingal sila dahil sa pag-gitgit. Di ko naisip yun ah.
"Tarantado ka pala eh!" napaangat ang ulo ko dahil sa isang boses na sumigaw. Ang boses na matagal ko ng na miss. Ang boses na naging kaibigan ko. Ang boses na akala ko, iba siya sa lahat.
"C-Carlo?"
**********************
A/n:
Waaah!! Shysters, Sorry kung lame at short lang po. Madami po kasing ginagawa si author kaya yan lang po muna. Isiningit ko lang po iyan eh. Hope you understand. Bawi sa next chapter. ^_^
I always reading back para walang typo errors.~dawn

YOU ARE READING
Once Upon A Time (The Nerd Fall In Love)
Teen FictionOnce upon a time, my life is just a normal. Walang gulo. Walang nagmamahal at Walang kaibigan. In just an incident, my quiet life starts to be ruined, noisy and turn to a mess. At dahil yun sa taong bwisit sa mundo. But one thing, I fall in love...