Once Upon a Time 12

39 2 0
                                    

A/n:
   Whoot! I'm backkkk!!!! hihihi. Bianca's on the multimedia>>>
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 13:



Bianca's POV


Eto na! Eto na talaga! My ghad! Kinakabahan ako!

Pinihit ko ang door knob saka binuksan. Pero bago ko pa man buksan, biglang may bumangga sakin at naunang nakapasok. What the--?!!!

"Bagal mo kasi." sabi niya saka ako binalikan at tinulungang tumayo. Ano to? Langya siya! Sino ba siya ha?!

"Salamat ha?" pilosopong sagot ko saka siya inirapan at pumasok na sa loob. Pagkapasok ko, nakatalikod samin ang upuan ni Mr. Principal kaya di pa namin siya nakikita. Nakita ko namang sinarado ng lalaking 'to ang pintuan.

Kung nagtataka kayo kung sino ang lalaking 'to, siya lang naman si Ivantot. Ang dakilang hari ng mga kabute. Tch.

"So...Ms. Villanueva and Villaruel? " tanong ni Mr. Principal pagka ikot niya ng upuan at humarap samin. Literal akong napanganga. Takte! Principal ba talaga to?
Parang estudyante lang din siya dito eh. Ang pogi kasi at bata pa ang itsura. Magkakasala ata ako.

"Opo " sabay na sagot namin ni Ivan kaya kami nagtinginan. Ginagaya ata ako ng lalaking 'to.

"Nice surnames. Villa...hahaha."huh? Bigla kasing tumawa si Mr. P at di namin narinig ang sinabi niya pagkatapo ng Nice Surnames. Hala! Baka sinapian si Mr. P. Tumawa mag-isa eh. O baka naman, may nakikita siyang hi-

"Aray! Ano ba?!" tanong ko dahil pinitik ni Ivantot ang noo ko. Wala pang nakakagawa nun kaya umayis siya. Napaka--!!!

"Alam ko yang iniisip mo." sagot niya ng hindi nakatingin sakin. Ano daw? Mind reader ba siya?

"I don't care." sagot ko. Humarap ulit ako kay Mr. P dahil nag fake cough siya. Siguro dahil may sariling convo kami ng Ivantot na to. Kaderrr!!!!

"S-Sorry po." sagot ko.

"Okay. Di niyo man lang ba itatanong kung bakit ko kayong dalawa pinatawag?" tanong ni Mr. P. Napaka ano naman nito. Sinabi pa ang kung anong itatanong namin. Principal ba talaga to?

"So, ano nga po?" tanong naman ni Ivantot.

"Okay. Since galing kayo sa pilot section, kayo ang mag-o-organized ng field trip. Ayoko ng marumi magtrabaho." sabi ni Mr. P saka may kinuha na white folder sa bookshelves niya.

"Ano pong gagawin namin? At bakit po kami magtatrabaho?" tanong ni Ivantot. Inuunahan ako eh!

"Bago dumating ang araw ng field trip, kailangan niyo munang ayusin ang mga kailangan ayusin. Lahat na kailangang forms para sa mga lugar na dadausan ng field trip natin. Ito ang mgaforms na kailagang pa-fill up-an sa mga taong nasa matataas posisyon sakung saang lugar man diyan naka-assign. " mahabang speech ni Mr. P. Inabot ko yung white folder saka tiningnan.

"Ilang lugar po ba ang pupuntahan natin, Sir?" tanong ko. Nakaka curious  naman kasi. Tsaka, bakit kaming dalawa ni Ivan? Pwede naman si Ms. President ng room namin. Si Eva.

"20 spots." napatayo ako sa sinabi ni Sir. What?! 20 spots?! Kaya ba namin yun? Eh baka nga pahirapa kami ng taong may posisyon para fill up-an to eh. Ano ba 'yan!

"OA mo." bulong ni Ivan pero dinig rin naman. Umupo ako at inayos ang sarili ko. Bakit ba kasi kami pa?! 

"Bakit po ba kami ang napili niyo?" tanong ko kay Mr. P. Ngumiti siya saka sumagot. Anyare?

"Wala lang. Base sa mga teachers niyo, kailangan niyo daw humabol sa grades dahil nga, palagi kayong napapaalis. So, I decided that the both of you will do that. In case, pag nagawa niyo to, Posibleng good news will both of you receive." sabi ni Mr. P. What?! Kaya pala. Sabi ko na nga ba eh. May pinakainuugatan talaga ang mga kagimbal-gimbal na pangyayaring 'to. Hayy.


"So, kailan namin to uumpisahan?" tanong ni Ivan. May point siya.Di wow!

"Tomorrow." sagot ni Sir. Bukas na agad?! Agad agad? Tiningnan ko isa isa ang mga lugar na pupuntahan namin. Di ko ata to kakayanin...





















**********************
A/n:

     Annyeong shysters! Di ko po kasi talaga mapigilan ang pagsuslat eh. Hahahaha.

Hope you like it. Goodbye~! Godbless you all. Mwah! :3

~dawn

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once Upon A Time (The Nerd Fall In Love)Where stories live. Discover now