"HEY." Napaigtad ako sa pagsulpot ni Sir Nicolai sa likod ko. Ilang linggo na rin itong nangungulit sa akin. Noong una ay tumabi pa siya sa akin at pinanood akong magtrabaho. Ewan ko ba dito kay Sir Nicolai pero pagkatapos kasi niyang sabihin na "You got me hooked baby." Ay naging clingy na ito. Feeling close!
Hindi ko ito pinansin at pinapatuloy ang pagta-type. Presensiya niya pa lang nagwawala na ang boung sistema ko. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Daig ko pa ang kabayong tumakbo ng isang daan kilometro.
"Let's date."
"Sige—ha?"
Marahas akong napalingon sa kaniya at napindot ang backspace kaya nabura lahat ng ni-type ko. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang mga katrabaho kong nanlalaki ang mga mata at napanganga. Ganda ko talaga! Shingina!
"Pakiulit po?"
"I said. Let's have our first date as my girl."
PUTANESS! Date nga ang sinabi niya. Akala ko malaki na tutuli ko kaya nabingi ako. Rinig ko ang pagsinghap at bulong-bulungan ng mga katrabaho kong walang magawa sa buhay. Wala ni isang naglakas loob na magsalita. Nilingon ko si Eunice na laglag panga sa nasaksihan. Para namang hindi niya alam na kinukulit ako nito ni Sir. Sabi ng iba kong katrabaho ay 'flavor of the month' daw ako ni Sir. Nasaktan ako at hindi ko alam kung bakit.
"Sir, nagtatrabaho po ako," matapang na sagot ko sa kaniya. Nakatitig lang ito sa akin at nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay. Kalmado itong nakatayo na akala mo ay isa siyang hari na naghihintay ng magandang balita galing sa mga kawal.
"And so? I own this company," taas kilay na sagot niya at unti-unting umangat ang sulok ng labi. Ke gwapong nilalang naman ng lalaking ito! Jusko! Sasabog na ata ovaries ko!
"P-pero—"
"Let's go." Agad nitong hinablot ang kamay ko at halos kaladkarin palabas ng department.
"K-kidnapping 'to Sir!"
Lahat ng madadaanan namin ay napapatingin at napapanganga. Sino ba namang hindi? Kinakaladkad lang naman ako ng may ari ng kompanya at niyayang makipagdate?! Ho davah! Gandara mga teh!
Nakarating kami ng parking lot at pinasakay niya ako sa mamahaling kotse. Teka? Alam ko ito ah! Ito iyong sasakyan na humarurot at tinalsikan ako. Aba'y! Nakakagago nga naman oh.
Bumaba kami ng sasakyan nang marating namin ang isang mamahaling kainan. Medyo naiilang pa ako dahil hindi tugma ang sout ko sa lugar. Sumiksik ako sa likod niya at narinig ko namang tumawa ito.
"Don't hide yourself. You're gorgeous with your office attire." Hinawakan nito ang kamay ko at dinala sa isang table. Agad namang tumalima ang isang waiter at agad hiningi ang order namin.
Habang nag-hihintay ng pagkain ay nakatitig lang ito sa akin, partikular na sa mga mata ko. Bakit kaya? Gandang ganda ata sa akin ang hinayupak na poging 'to.
"Your eyes... It seems familiar. Have we met before?"
Napataas ang kilay ko. Base sa alaala ko nang nawalan ako ng trabaho ang una naming pagkikita. "Nang nawalan ako ng trabaho at nahimatay. Iyon ang una nating pagkikita."
Tumango naman ito at muli akong tinitigan. Yumuko ako dahil sobra sobra na ang kabang nararamdaman ko. Bwisit! Ang lakas ng kabog ng puso ko sa titig niya. Malulusaw na ako. Ayan na.. Malapit na.. Lusaw na.. Wala na.. De joke lang.
Habang kumakain kami ay may babaeng lumapit kay Sir Nicolai. Hindi niya ito nakikita dahil mula sa likod niya ang paglapit ng babae. Nakasout ito ng maiksing pulang dress na mababa ang neckline. Halos nipples na lang ang tinatago at para ng puputok ang dibdib nito. Tusukin ko kaya ng aspili?
BINABASA MO ANG
Eternal Promise [COMPLETED]
Ficción GeneralYbañez Series One He forget. She can't remember. How can a promise of forever buried in the past? Will they remember their promises or will they ignore the sudden familiarity every time they bump into each other. Aira Janine Suarez loves her family...