“Minsan ikaw naman ang umintindi, matuto ka ring makinig sa kan'ya.”
Napalingon ako sa nagsalita. It’s Eun. Tumakbo ako sa kaniya at yumakap ng mahigpit. Iyak ako nang iyak sa balikat niya at umaasang mawawala kahit kaunti ang sakit.
“G-gusto ko siyang habulin, gusto ko sabihing joke lang, gusto ko sabihing ‘wag siyang umalis. Pero kasi Eun.. Naguguluhan ako. Ang daming bumabagabag sa’kin.”
Naramdaman ko ang hagod niya sa likod ko.
“Masakit makitang magmakaawa ang taong mahal mo sa’yo hindi ba? Pero masakit marinig na sumuko na siya, na bibitawan ka na niya..”
Sagot ni Eun sa akin. Binitawan na ako ni Nico. Sumuko na siya sa’kin. Ang tanga tanga ko talaga. Kung sana lang hinarap ko yung problema na kasama siya. Minsan na nga lang swertehin sa buhay, sinayang ko pa.
Patuloy ako sa paghikbi sa balikat ni Eun nang may humintong sasakyan sa tapat namin.
Humiwalay ako sa kaibigan ko at matamang pinagmasdan ang babaeng bumaba sa sasakyan. Nanggaglaiti ang mga mata nitong lumapit sa akin.
“Hindi ka ba titigil?!”
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ano namang ginagawa ng babaeng ito dito at bigla na lang susugod.
“Hoy babaeng pinaglihi sa higad! Anong ginagawa mo dito!” Sagot ni Eun at humarap kay Therese.
“What? Iyang kaibigan mo ang higad!” Turo niya sa akin. “Look, Nicolai and I are getting married. And yesterday was the engagement party! Pero hindi siya sumipot!”
Mangiyak ngiyak si Therese na nakatitig sa akin. Namumula ang ilong nito at mata.
“Anong pinagsasabi mo?” Tanong ko sa kaniya pero agad niya akong sinampal.
Akmang hahawakan niya ang buhok ko nang itulak siya ni Eun at natumba. Tumama ang kamay nito sa bato at malamang nasugat iyon.
“Hoy! Babae! Kapal ng mukha mong sumugod sugod dito! Baka gusto mong ibaon ko iyang heels mo sa noo mo! Don’t me!” Hinawakan ko si Eun sa balikat at pinakalma. Namumula ang mukha niya sa inis.
“Lahat kayo! Kayong mahihirap..” Humihikbi si Therese na masamang nakatingin sa amin. “Lagi na lang kayo ang masaya! Lagi na lang kayo ang minamahal! Lagi na lang kayo!”
Lumuhod ako sa harap niya at kinuha ang kamay niya. Pero tinabig niya iyon at tinulak ako.
“I hate you! I hate people like you! Una si Rim, next si Nicolai! Lahat na lang kayo ang bida!”
Tumayo siya at maarteng pinunasan ang luha. Tumayo na rin ako at humarap sa kaniya
“Kung hindi ka man sinipot ni Nico. Hindi ko kasalanan iyon.”
“Yes! It’s your fault—“
“Kung hindi ka mahal. Tumigil ka sa kakahabol. Tao ka hindi ka aso. Bitawan mo siya kasi sa simula pa lang wala ka namang pinanghahawakan.”
Matapos ko sabihin iyon ay hinila ko si Eun at tumalikod.
“Ang bongga ng speech mo day! May hugot! Baon na baon sa puso niya! Pak ganern!”
Umiiling iling ako pumasok sa bahay namin.
---
Kaharap ko si Drei ngayon sa loob ng opisina niya. Matalim ko siyang tinitigan habang ngisi lang isinasagot niya sa’kin.
“Hinalikan mo ba ako dahil alam mong nandoon si Nico?!” Binagsak ko ang dalawa kong kamay sa harap ng table niya.
“Whoa! Calm down woman. And yes Miss Suarez. I kissed you intentionally because I know he’s watching.”
BINABASA MO ANG
Eternal Promise [COMPLETED]
Fiction généraleYbañez Series One He forget. She can't remember. How can a promise of forever buried in the past? Will they remember their promises or will they ignore the sudden familiarity every time they bump into each other. Aira Janine Suarez loves her family...
![Eternal Promise [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/78640638-64-k65367.jpg)